WALANG nasasagap na anomang banta sa seguridad ng bansa ang tanggapan ng National Security Council, maging ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine, kaugnay sa pagdiriwang ng ika-80 kaarawan ng nakakulong na si dating Presidente Rodrigo Roa Duterte sa The Hague, Netherland.
Ayon sa National Security Council (NSC), tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang pagmamatyag sa mga kaganapan at mga aktibidad na may kaugnayan sa pag-aresto sa dating Pangulong Duterte.
Nabatid na maging ang pagdiriwang ng ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Duterte ngayong Biyernes, Marso 28,2025, ay mino-monitor ng nasabing tanggapan.
Inihayag ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, wala silang natatanggap na intelligence report na mayroong banta sa seguridad.
Subalit tiniyak ni Malaya na tuloy-tuloy ang ginagawang pagmamatayag ng intelligence community ng ahensiya lalo na ang mga intelligence network ng AFP at PNP.
Nilinaw na Malaya tuloy-tuloy ang ginagawang pagbabantay ng security sector sa seguridad sa layuning matiyak ang kapayapaan at katatagan ng bansa.
Tiniyak din ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang suporta sa Philippine National Police sa pagpapatupad ng seguridad at kapayapaan sa bansa.
Una nang inihayag ni AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Jimmy Larida, na mandato ng sandatahang lakas ng Pilipinas na suportahan ang pambansang pulisya sa pagtupad sa kanilang law enforcement operation.
Siniguro ng heneral na may mga ginagawa rin silang hakbang para mapanatili ng kapayapaan sa bansa subalit tumanggi itong idetalye.
(JESSE KABEL RUIZ)
