NADINE DUMARANAS NG DEPRESSION, PARENTS WORRIED NA

PETERLEDESMA(NI PETER LEDESMA)

BIHIRA kung mag-post sa kanyang FB account ang mother ng actress ni Nadine Lustre na si Mrs. Myraquel, na nag-aalala sa sitwasyon ngayon ng kanyang daughter.

“Kahit ano’ng mangyari kaming pamilya mo ay nandidito para sa iyo,” bahagi pa ng post ni Mommy Myraquel na namatayan na noon ng anak na lalaki na nag-suicide.

Well, depressed daw ngayon si Nadine dahil nagseselos umano ito sa bagong kapartner ng live-in partner na si James na member ng Momoland na si Nancy Jewel McDonie para sa teleseryeng ‘Soulmate’ na malapit nang mag-taping.

Baka ito ang rason kung bakit agad na nagbigay ng mensahe si James sa kanyang Twitter account para mapagaan ang loob ng kanyang nobya.

“I’m honored to be part of the new project ‘Soulmate’ on ABS-CBN but please guys, no love team names. I’ve already one #jadine,” post ng binata.

Umani ito ng sari-saring comments na majority ay papuri sa true love nito kay Nadine.

Pero para sa iba, hindi raw maganda ang dating nito sa bagong leading lady niya na American-Korean singer-actress.

May mga nagkomento rin na baka si Nancy ang magiging dahilan sakaling maghiwalay ang magdyo­wang James at Nadine.

Ilan pa raw sa sinasabing pinagdadaanan ngayon ni Nadine ay ang pagsemplang ng pelikula nila ni Sam Concepcion at hindi na magandang takbo ng career nito sa Viva.

Mabuti at bibigyan na raw ng bagong teleserye ng GMA itong si Manay Celia Rodriguez, na magsisilbing replacement ng shelved nang “Rosang Agimat”.

Ang tagal na naghintay ni Tita Celia, at kung hindi pa rin siya bibigyan ng trabaho ay ang balita namin ay ipaglalaban na nito ang karapatan niya para sa dalawang programa na pinirmahan sa Kapuso network.

Maraming kilalang bigating abogado ang beteranang aktres, at madali para sa kanya ang gawan ng legal na aksyon ang GMA, na pinagsilbihan niya sa mahabang panahon.

Veteran si Manay Celia, so respeto naman, ‘no!

 

Please follow and like us:
Read More

12% TAAS-PRESYO SA NOCHE BUENA ITEMS INIHIRIT SA DTI

dti12

(NI ROSE PULGAR)

HUMIRIT ng dagdag-presyo sa mga Noche Buena items ang food manufacturers at meat processors sa kanilang mga produktong hamon.

Ayon sa meat producers, tumaas na ang mga raw materials na kanilang ginagamit sa paggawa ng kanilang produktong karne  mula sa ibang bansa, kung kaya humihirit sila ng karagdagan 12 porsiyento ng presyo ng kanilang produkto.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castello, maging ang mga manufacturer ng commercial ham ay humihirit na rin ng hanggang P10.00 dagdag presyo.

Sinabi ni Castello, na kanila munang pag-aaralan kung magkano ang posibleng mababang presyo na maaaring idagdag sa mga hamon.

Iginiit ni Castello na hangga’t hindi naglalabas ng bagong suggested retail price ang kagawaran ay hindi maaring magbago ang kanilang presyo.

Samantala, sinabi ng DTI na walang nakikitang dahilan na tumaas ang presyo ng mga ham manufacturer dahil nananatiling mababa ang presyo ng mga lokal na karne.

 

Please follow and like us:
Read More

WILL FANS STILL LOVE SARAH IN UNFORGETTABLE?

(NI RK VILLACORTA)

KAPAG isang Sarah Geronimo starrer ang isang pelikula, expected na kumikita ito sa takilya. Wala akong maalala na sumemplang kahit isa man sa mga pelikula ng Pop Princess in her entire career.

I remember, sa past movies ng dalaga, kahit sino ang ipareha mo na aktor sa dalaga, hindi isyu kung kikita o hindi ang pelikula dahil her fans love her. The public love her. They will support Sarah.

Remember ang series of films nila ni John Lloyd Cruz? Tiba-tiba sa takilya ‘yun. Walang palya. Sigurado ang palo sa box-office.

Kapag romcom kasi, expected na maghi-hit ito at kikita ang producer.

Sa pelikulang Unforgettable ni Direk Jun Lana of The Panti Sisters, Bwakaw, Die Beautiful fame, we expect na iba ang magiging hataw nito sa publiko at sa box office.

Sa movie kasi, walang male partner ang Pop Princess. In short, she goes solo sa isang non-romcom film. She plays Jasmine na may lola na may sakit sa City of Pines (Baguio) at ang “co-star” niyang aso na si Milo (Happy ang name sa movie) ang magpapagaling dito.

“It’s a different role for me. Very challenging and new for me,” pahayag ng singer-actress sa mediacon ng pelikula.

Sa katunayan, wala man leading man sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang movie career, suportado naman siya ng bigating stars, the likes of Tirso Cruz III, Ara Mina, Regine Velasquez at Ms. Cherie Gil.

With Sarah’s character as Jasmine na with a bit of autism, will the fans still love her?

Showing ang Unforgettable sa October 23 with a red-carpet celebrity premiere on October 21.

Please follow and like us:
Read More

MMDA MAGHAHAIN NG CYBER LIBEL VS 2 SOCMED ACCOUNTS

mmda

(NI LYSSA VILLAROMAN)

NAGHAIN ng cyber libel si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group laban sa dalawang social media accounts sa pagkakalat ng malisyosong posts kasama ang kanyang litrato.

Ayon kay Pialago gusto niya na maparusahan ang mga administrator ng Pinoy Laugh Page at ang Twitter account ng Barurot News sa pagkakalat ng “fake news”.

“Kahapon po alas tres ng hapon, a Facebook friend tagged me on a post of this particular Facebook page. Ang laman po noon, ‘MMDA to commuters: Kung wala kayong masakyan, huwag na lang kayo magtrabaho…’ Something like that,” pahayag ni Pialago ng ipadala ito sa kanya ng isang kaibigan noong Martes.

Sinabi ni Pialago na siya ay naalarma dahil wala namang sinabi ang kanilang ahensya at maging sa kanyang personal messages sa mga commuters na huwag silang magtrabaho kung wala silang masakyan.

Ayon pa rito, na i-save nila ang ibang screen shots ng posts subalit ang mga ito ay burado na.

“Burado na ho ‘yung nasabing content pero nakapag-save ho kami ng screenshots… Hinahabol ko pa rin ‘yung administrators ng content,” ayon kay Pialago.

Samantala ayon kay Police Colonel Ramon Gamboa, hepe ng cyber response unit, nangako ito na kanilang iimbestigahan ang naturang insidente.

Sinabi nito na ang mga naturang social media accounts ay mga fictitious.

“‘Yung mga identity ng tao dito, naka-hide so ‘yun ‘yung ating iniimbestigahan ngayon, kung sino ‘yung administrator,” sabi ni  Gamboa.

Inamin din nito na matatagalan din sila para malaman ang identity ng mga nasabing accounts at sila ay makikipag-ugnayan rin sa Facebook.

Please follow and like us:
Read More

MAAGANG BIYAHE NG LRT2 PINAG-AARALAN

lrt2a

(NI KEVIN COLLANTES)

TINIYAK ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mas mapaaga pa ang biyahe ng mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Ayon kay LRTA spokesperson Atty. Hernando Cabrera, pinagsusumikapan nilang mai-adjust ng mula alas-5:00 ng madaling araw ang unang biyahe ng kanilang mga tren, mula sa kasalukuyang first trip nito na alas-6:00 ng umaga, upang mas maraming pasaherong mapagsilbihan.

Target din aniya nilang sa mga susunod na araw ay mapalawak pa hanggang sa Anonas Station ang kanilang partial operation.

Matatandaang noong nakaraang linggo, nasunog ang rectifier ng LRT-2 sa Katipunan, Quezon City, sanhi upang masuspinde ng limang araw ang biyahe ng mga tren nito dahil sa kawalan ng suplay ng kuryente.

Nitong Martes lamang nakapagpatupad ng partial operation ang LRT-2  mula Recto Station sa Maynila hanggang sa Cubao Station sa Quezon City, ngunit mas tanghali ito o mula alas-6:00 ng umaga lamang at mas maaga rin ang last trip nito na 8:30 at 9:00 ng gabi lamang sa Recto at Cubao Stations.

Mas kakaunti rin ang mga bumibiyaheng tren dahil sa isyu sa suplay ng kuryente, at mas pinabagal pa ang takbo nito.

Hindi pa naman operational ang tatlo pang istasyon ng LRT-2, kabilang ang Anonas, Katipunan at Santolan sa Pasig City, na siyang pinaka-naapektuhan ng sunog, at posibleng abutin ng hanggang siyam na buwan ang pagkukumpuni rito.

Kaugnay nito, tiniyak ni Cabrera na tuloy pa rin naman ang isinasagawang imbestigasyon ng LRTA sa insidente ng sunog.

Sinabi ni Cabrera na kahapon ay sinimulan na nila ang detalyadong assessment sa lawak ng pinsala ng sunog, matapos na bigyan na sila ng clearance ng Bureau of Fire Protection (BFP) para inspeksiyunin ang rectifier substation.

Tiniyak naman ng LRTA na lahat ng anggulo ay titingnan nila, kabilang ang posibilidad na kidlat at equipment failure ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.

Una nang isinaisantabi ng LRTA ang anggulong may kinalaman sa arson o terorismo ang sunog.

 

Please follow and like us:
Read More

PAG-RESIGN NI ABAYALDE, FAKE NEWS – PNP

albayalde

(NI AMIHAN SABILLO)

ITINANGGI ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na nagbitiw na sa pwesto ang hepe ng pulisya matapos na madawit sa umnaoy maanomalyang 2013 Pampanga raid ng mga tinaguriang ‘ninja cops’.

Sa opisyal na pahayag ni PNP Chief Oscar Albayalde, na inilabas ng public information office (PIO), sinabi na isa lamang umanong smear campaign o paninira ang pagkalat ng text message na siya ay naghain ng resignation sa Pangulo.

Ilan sa pahayag ni Albayalde “I question the timing of this attack and smear campaign against me. Until now, despite the Senate hearings conducted, no hard evidence was ever presented showing that I was involved in that drug raid in Pampanga in 2013. All statements made remain allegations, insinuations, and unsubstantiated.”

Sinabi pa nito na bahala na umano ang Pangulo na mag desisyon sa mga pangyayari o kung aalis sa pwesto o mananatili hanggang sa kanyang pagretiro sa November 8.

Inihayag pa ni Albayalde na walang malinaw na batayan o ebidensya na nag-uugnay sa kanya na nakinabang umano sya sa maanomalyang drug operation.

Nilinaw din ni Albayalde na hindi nya kaibigan si retired Police General Rudy Lacadin, liban sa naging franchised ito sa kanilang negosyo na water refilling station noong 2011 kaya wala umanong katotohanan ang sinabi nito sa Senado na tinawagan nya si Lacadin hinggil sa imbestigasyon ng ‘ninja cops’ na dating mga tauhan.

“Lacadin has a lot of explaining to do and he will have his day in court.  All those police officials ganging up on me have ill motives against me and obviously all worked with the previous administration,” pahayag pa ni Albayalde.

Please follow and like us:
Read More

ZUBIRI NAG-ALA-DU30 VS CARTEL NG COPRA

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

HINDI na napigilan ni Senate Majority Leader Migz Zubiri ang kanyang matinding pagkadismaya sa problema ng coco farmers o mga magniniyog sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng kanilang produkto.

Sa budget hearing ng Department of Energy sa Senado, iniungkat ni Zubiri ang hindi pa rin naipatutupad na Biofuels Act of 2006 para sa promosyon ng paggamit ng biofuel sa mga sasakyan.

Sinabi ni Zubiri na layon ng naturang batas na tulungan ang coco farmers na magkaroon ng panibagong market sa kanilang mga produkto subalit hanggang ngayon aniya ay hindi pa rin ito napakikinabangan.

“Baby ko yan eh, biodiesel is my baby, I can claim it. That was supposed to help two industries, the copra and sugar industry,” saad ni Zubiri.

Sa hearing, personal na hinikayat ni Zubiri si Energy Secretary Alfonso Cusi na gawan na ng paraan na maipatupad na ang programa upang matulungan ang mga coco farmers na ngayon ay nakararanas na ng pagkalugi.

Subalit iginiit nito na hindi dapat ibigay sa iilang processor lamang ng biodiesel ang kontrata upang hindi maabuso.

“‘Wag ibigay sa apat o lima lang na processor kasi sila na naman ang yayaman yung mga magsasaka naka-cartelize na naman yan. They buy it low, sell it high. Talagang nabubuwisit ako sa mga yan. P****g i** nila. Totoo lang ginagaya ko na si Mayor Tatay Digong, inis na ako, and then the farmers, holy cow they can’t even afford a carabao,” diin ni Zubiri.

Tila hinamon pa nito si Cusi na kung maayos na maipatutupad ang batas ay ito na ang kanyang pipiliing Pangulo ng bansa.

“Kapag ginawa mo yan, Sec, hero ka. Ikaw na Presidente ko. I will campaign for you as President,” saad ni Zubiri.

“We have to think out of the box kasi naawa ako sa mga magsasaka natin. Before, we were the Coco King, now tinalo na tayo ng Sri Lanka,” diin pa nito.

Please follow and like us:
Read More

PAGLALA PA NG TRAFFIC SA EDSA ASAHAN, BAN SA PRIVATE CARS IGINIIT

(NI ABBY MENDOZA)

PAGPASOK ng buwan ng Nobyembre ay tiyak na lalala pa ang nararanasang traffic sa kahabaan ng Edsa dala na ng holiday rush at Sea Games, kaya hiling ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na ipatupad na ng Metro Manila Development Authority (MMFA) at sa Department of Transportation (DOTr) ang iminumungkahi nitong ban ng mga private cars sa Edsa tuwing rush hours.

Ayon kay Erice, kung matindi na ang nararanasang traffic ng mga commuters at mga motorista ngayon ay asahan pa ang worst traffic situation sa susunod na buwan, kaya umaasa itong aaksyunan ng MMDA at hahanap na habang maaga ng alternatibong solusyon.

Sa unang pagtataya ng MMDA ay madaragdagan pa ng 20% ang volume ng mga sasakyan sa EDSA.

Kumpiyansa si Erice na epektibong paraan para matulungan ang mayorya ng mga commuters ngayong Christmas season ay ipagbawal tuwing rush hour ang mga private cars sa Edsa at hayaan ito sa mas maraming mga nagko-commute na motorista.

Bagama’t sinabi ng MMDA na pag- aaralan ang panukala ni Erice ay hindi naman na ito umusad matapos na rin angalan ng mg  private car owners ang suhestiyon ni Erice dahil wala naman ibang alternatibong ruta na maaaring ibigay sa mga private cars.

 

Please follow and like us:
Read More

MARIKINA ORDINANCE SA MEDICAL SCHOLARSHIP PINURI; SANA ALL – SOLON

(NI NOEL ABUEL)

NANAWAGAN si Senador Koko Pimentel na  paglaanan ng dagdag na pondo ang medical school scholarships para marami ang makinabang dito sa buong bansa.

Apela ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa national government, dagdagan ang pondo ang medical school scholarships upang sa loob ng 5-taon ay mapakinabangan ang magiging doktor ng mga pampublikong ospital sa buong bansa.

Ang panawagan ni Pimentel ay kasunod ng ipinasang ordinansa ng lungsod ng Marikina na

“Libreng Pag-aaral sa Pagdodoktor para sa Marikenos” kung saan pagkakalooban ng medical scholarships ang mga kuwalipikadong residente nito.

“This move of Marikina City is public service at its best. The national government should follow suit and design programs that support the studies of many aspiring doctors in our country. More doctors means more prevented and treated diseases,” ani Pimentel.

Paliwanag nito, sa sandaling mas marami ang mabigyan ng medical scholarships ay inaasahang makakatulong ito upang madagdagan ang bilang nga doktor sa bansa.

“Kung ang ating gobyerno ay may libreng paaral sa pagdodoktor, maraming estudyante na kapos sa buhay ang mabibigyan ng pagkakataong maabot ang kanilang mga pangarap at makatulong din sa ating kababayan. Sabi nga ng ating mga kabataan ngayon, SANA ALL,” giit pa ni Pimentel.

 

Please follow and like us:
Read More