KASO NG COVID-19 NADAGDAGAN PA

0

NADAGDAGANG muli ang naitala ng Department of Health (DOH) na kaso ng coronavirus disease 2019.

Sa huling ulat kahapon, 128 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa at pito ang nadagdag sa nasawi.

Sa isang virtual presser, sinabi ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ang 128 bagong kaso ay naitala nila hanggang 4:00 ng hapon ng Lunes, Marso 30.

Dahil naman dito, mula sa dating 1,418 lamang nitong Linggo ay naging 1,546 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Umabot naman sa 78 ang death toll ng virus.

Kaugnay nito, sinabi ni Vergeire na nananatili ang bilang ng recoveries sa 42.

Muli namang sinabi ni Vergeire sa publiko na wala silang dapat ikabahala dahil inaasahan na ng DOH ang pagtaas pa ng bilang ng sakit.

Bunga lamang aniya ito ng mas dumaming testing kits at laboratoryo na nagsasagawa ng pagsusuri. D ANIN

Read More

LACSON: WALANG BATAS SA WALANG LAMAN NA SIKMURA

0

MISTULANG nagbabala si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa mga ahensya ng gobyerno hinggil sa mabagal na implementasyon ng Bayanihan Act partikular ang pagbibigay ng P5,000 hanggang P8,000 ayuda sa mga pamilyang apektado ng lockdown.

Iginiit ni Lacson na kailangang kumilos ang gobyerno upang agad mailabas ang ayuda at maiwasan ang problema sa pagkagutom sa bansa.

“If the executive does not act with dispatch, we may have a serious social problem to face. As the old adage says, a hungry stomach knows no law,” saad ni Lacson.

Ipinaalala ng senador na inaprubahan ang batas noong March 24 at na-publish kinabukasan kaya’t dapat itong agad na maipatupad.

Sa mga panahong ito aniya ay dapat nagsisimula na ang pamamahagi ng dole-outs sa mahigit 18 milyong pamilya subalit nakatatanggap aniya siya ng report partikular sa Isabela na halos wala nang makain ang mga tao.

Aminado naman ang senador na dahil sa kawalan ng national database, kailangang umasa ang lahat sa datos mula sa mga lokal na pamahalaan.

Sinabi naman ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na matapos ang pagsasabatas ng Bayanihan Act, nasa kamay na ng mga lokal na pamahalaan ang implementasyon nito.

Ipinaalala rin ni Sotto na maaaring mapanagot ang mga lokal na opisyal na hindi kikilos sa panahon ng krisis. (Dang Samson-Garcia)

Read More

FINANCIAL AID NG DOLE SA PRIVATE WORKERS, MABAGAL DIN

0

Kung nade-delay ang pagbibigay ng P8,000 sa may 18 milyong pamilyang Filipino dahil sa red tape, ganito rin ang nangyayari sa Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa P5,000 financial aide sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, ilang linggo na ang nakararaan mula nang ianunsyo ng DOLE na magbibigay ito ng financial aid sa mga obrero sa pribadong sektor subalit hindi pa ito nakukumpleto.

“The socio-economic impact of the enhanced community quarantine due to the COVID-19 pandemic has affected every Filipino, most especially our workers. Government has been slow with its medical and socio-economic solutions to protect the people from the virus and from hunger,” ani Castro.

Nagrereklamo aniya ang mga manggagawa sa pribadong sektor kasama na ang mga guro sa pribadong paaralan dahil kinakapos na ang mga ito sa budget at ang inaasahan nilang tulong mula sa DOLE ay hindi pa nakararating.

“It’s the 3rd week of implementation of the ECQ. Many ordinary private sector workers still have yet to receive any socio-economic aid from the government,” ani Castro.

Ayon sa mambabatas, tigil din ang suweldo ng mga grupo sa mga pribadong paaralan dahil pawang contractual workers ang mga ito kaya ang financial aid na lamang ang kanilang pag-asa.

“Kung ganito na umaaray ang mga propesyonal nating mga guro at propesor, paano pa kaya ang mga ordinaryong manggagawa na umaasa sa arawang minimum wage lalo ngayong ikatlong linggo na ng ECQ? Kailangan na talagang madaliin ng administrasyong Duterte ang pagbibigay ng ayuda sa ating mga manggagawa,” pahayag ng mambabatas.

Sa ilalim ng financial aid ng DOLE, pinagsusumite ang lahat ng pribadong kumpanya ng listahan ng kanilang mga empleyado para matulungan ang mga ito matapos tumigil ang trabaho dahil sa ECQ.

Bibigyan ng P5,000 ang bawat empleyado. BERNARD TAGUINOD

Read More

120K LOCALLY-DEVELOPED COVID-19 TEST KITS, IBEBENTA NANG MURA

0

TINATAYANG nasa 120,000 pirasong COVID-19 testing kits na locally-developed ang kasalukuyan umanong nasa field validation para maproseso ang accreditation bago ipamahagi at ibenta sa murang halaga sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), oras na makuha ng Manila HealthTek Inc. ang mga kailangang dokumento gaya ng issuance of the Certificate of Product Registration (CPR) mula sa Food and Drug Administration Philippines (FDA) ay sisimulan at gagawin na ang 120,000 test kits.

Uunahin umano ng Manila HealthTek Inc. ang 26,000 pirasong testing Kits na pinondohan ng DOST at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) Project para sa field implementation and distribution sa Philippine General Hospital, Makati Medical Center, The Medical City, Vicente Sotto Memorial Medical Center, Southern Philippines Medical Center at Baguio General Hospital simula April 04 hanggang April 25.

Habang ang natitirang  94,000 testing kits ay mabibili sa Manila HealthTek Inc.,  sa halangang P1,30 kada piraso na hamak na mas mababa kumpara sa kasalukuyang ginagamit ng mga ospital na P8,000 kada piraso. FRANCIS SORIANO

Read More

PASAWAY SA CURFEW PINAGBANTAY NG KABAONG

0

DAVAO del Norte – Bunsod nang pagiging makulit at paglabag sa ipinaiiral na curfew hours at community quarantine sanhi ng COVID-19, pinaglamay ng mga pulis ang nahuling mga pasaway sa harap ng dalawang kabaong sa bayan ng Tomas sa lalawigang ito.

Sa ulat ng Sto. Tomas PNP, inaresto nila ang ilang lasing na kalalakihan na lumabag sa ipinaiiral na curfew hours at liquor ban sa ilalim ng pinaigting na kampanya ng LGU-Sto. Tomas Davao Del Norte laban sa banta ng coronavirus disease.

Nabatid na ang mga nahuli ay dinala sa Santo Tomas Recreation and Cultural Center at pinagbantay sa dalawang kabaong bilang parusa sa mga lumabag sa curfew hours.

Nilinaw ng mga awtoridad na ang kanilang hakbang ay aprubado ng lokal na pamahalaan at haharap din sa kasong kriminal ang mga curfew violators.

“Stay at home or stay inside.” Layunin umano nito na ipaalala sa mga lumalabag ang kamatayan dulot ng coronavirus disease (COVID-19).

Epektibo umano ang hakbang ng LGU-Sto. Tomas dahil bumaba ang bilang ng mga lumalabag sa curfew hours at liquor ban. (JESSE KABEL)

Read More

3 DRUG PUSHER HULI SA P2.5-M SHABU

0

MAHIGIT sa P2 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa tatlong hinihinalang bigtime drug pushers, kabilang ang isang babae, na nasakote sa buy-bust operation sa Navotas City, nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Alexis Vasaya, 30, ng Shellhouse Palengke, Caloocan City; Olando Refil, 46, ng Purok 6, Hernandez St., Brgy. Catmon, Malabon City; at Marigold Gilbuena alyas “Magold,” 32, ng Market 3, Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN).

Ayon sa pulisya, alas-3:00 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon laban kay Magold, na kabilang sa watch list ng drug personalities, sa BGA Compound, Brgy. NBBN.

Nang iabot ng mga suspek ang isang pack ng shabu sa isang poseur buyer kapalit ng P2,000 marked money, agad sinunggaban ang mga ito ng mga operatiba.

Nakuha sa mga suspek ang 15 piraso ng transparent plastic ice wrapper ng hinihinalang shabu, limang transparent plastic sachets ng shabu na umaabot lahat sa 375.5 gramo at tinatayang P2,554,400 ang halaga at buy-bust money. (ALAIN AJERO)

Read More

AYUDA SA TAGUIG, PATEROS MAKUPAD

0

DALAWANG linggo mula nang isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Luzon sa enhanced community quarantine (ECQ), ngunit ang kanyang mga kaalyadong pamilya ng mga politikong nakabase sa lungsod ng Taguig at bayan ng Pateros ay hindi pa rin umaaksyon para sa mga residente sa mga lugar na ito.

Nakarating sa Saksi Ngayon na hanggang ngayong nasa ikalawang linggo na ang implementasyon ng ECQ ay maraming barangay sa Taguig at Pateros ang hindi pa rin nakatatanggap ng ayuda at barangay pass mula sa kanilang mga opisyal.

Sa pagkakaalam ng mga residente ng Taguig at Pateros ay “pinakamabilis” ang aksyon sa kanila, sapagkat “hawak” at “kontrolado” ng pamilya Cayetano ang dalawang lugar.

Apat na Cayetano ang sabay-sabay nakapuwesto ngayon sa pamahalaan.

Nangunguna ang kinatawan ng unang distrito ng Taguig at buong Pateros na si Rep. Alan Peter Cayetano dahil siya ang speaker ng Kamara de Representantes, ang asawa niyang si Ma. Laarni “Lani” Cayetano ay kongresista ng ikalawang distrito ng Taguig, ang ate ni Alan na si Pia Cayetano ay isang senador at ang nakababata nilang kapatid na si Lino Cayetano ang alkalde ng Taguig.

Ang unang ipinamahagi sa Taguig at Pateros ay barangay pass ngunit hanggang ngayon ay marami pa ring wala, kaya hirap silang makalabas ng kanilang barangay. Kabilang na riyan ang ilang residente ng Brgy. New Lower Bicutan.

Ganoon din sa Brgy. Katuparan at marami pang iba.

Bukod diyan ay hindi pa rin umano sila nabiyayaan ng delata mula sa kanilang barangay.

Nabatid ng Saksi Ngayon na nagsimula nang mamahagi ang pamahalaang lokal ng Taguig, ngunit inuuna ang mga pamilyang sobrang hirap sa buhay.

Ang ipinamamahagi ng mga barangay galing kay Mayor Cayetano ay ilang pirasong sardinas, noodles, kape at ilang delata tulad ng ipinamimigay ng maraming alkalde.

Si Pateros Mayor Miguel Ponce III naman ay nagpasalamat kamakalawa sa isang TV network na nagbigay ng mga delata, noodles, kape at iba sa pa sa ilang pamilya ng nasabing bayan.

Ani Ponce, malaking tulong ang ginawa sa kanila ng nasabing media network.

Ayon sa mga residente, marami sa kanila ang tigil-trabaho, kaya walang perang pambili ng pagkain.

Iginiit pa ng isa na kahit regular sa trabaho na hindi pinapasok ay wala ring sahod dahil sa konseptong “no work no pay.”

Umaasa ang mga residente na mabilis at higit na marami silang matatanggap na tulong dahil apat ang Cayetano na nakaupo sa puwesto at ang isa sa kanila na si Speaker Cayetano ay ikaapat na pinakamakapangyarihang opisyal ng pamahalaan. NELSON S. BADILLA

Read More

FOOD PASS NG DA SAGOT SA MABILIS NA DELIVERY NG PAGKAIN

0

NAGPALABAS ng halos 2,643 passes at stickers ang Dept. of Agriculture Region 4-A Calabarzon bilang suporta sa Resiliency Protocol ng enhanced community quarantine dulot ng Covid-19.

Layon nitong masiguro na accessible at abot kaya ang pagkain para sa mga Filipino.

Pinahihintulutan nito ang mga agricultural product at supply upang hindi maantala ang kanilang operasyon.

Ang passes at stickers ay ipinamigay sa accredited farmers, fishers, traders, haulers at iba pang nagnenegosyo na nangangailangang madala ang kanilang produkto.Ito ay upang hindi mahadlangan ang pagbabahagi ng mga agrikulturang produkto lalo na sa Metro Manila.

Ang proyekto ay pinangasiwaan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) at sinuportahan ng Agricultural Program Coordinating Offices (APCOs) sa lahat ng probinsya sa CALABARZON.

Kinakailangan lamang mag-submit ng kanilang application form at ilang dokumentong kakailangangin tulad ng business permit at iba pa.

“Maraming salamat po at lumabas na po ang application namin. Sobrang bilis at ma-alwan po ang aming pagbibyahe ngayon. Napakadali na po ng aming pagde-deliver sa Manila. Salamat din po sa pagtulong n’yo sa amin na mga magsasaka. Kayo po ang aming kaagapay at kasama para makamit ang tagumpay,” ayon kay Mr. Bob Cuasay ng Batangas. CYRILL QUILO 

Read More

KAGAWAD, 3 PA HULI SA OVERPRICED ALCOHOL  

0

BACOLOD City – Bagsak sa kulungan ang isang kawani ng munisipyo at barangay kagawad makaraang madakip ng mga awtoridad sa ikinasang entrapment operation dahil sa pagbebenta ng overpriced na alcohol nitong Lunes sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Mary Grace Aluhipan, 33-anyos na kawani ng munisipyo, residente ng Barangay 1, Pontevedra, Negros Occidental, at Kagawad Janice Fernandez, ng Hustisya Street, Barangay 1, Pontevedra.

Kasama rin sa inaresto ang dalawa pang mga suspek na sina George Chua, 55, ng Barangay 1, Pontevedra, at Ricardo Uy ng Burgos Street, Barangay 17, Bacolod City.

Batay sa report ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Bacolod, isinagawa ang operasyon sa BS Aquino Drive, Barangay Villamonte, Bacolod City.

Sinabi ng mga awtoridad, nakatanggap sila ng report hinggil sa pagbebenta ng mga suspek sa online ng overpriced na refill ng ethyl alcohol na nakalagay sa plastic container.

Ibinebenta nila sa halagang P3,900 ang 18 liters na plastic container ng ethyl alcohol habang P2,700 lamang ang suggested retail price.

Dahil dito, agad inilatag ng CIDG ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 7581 o Price Act Law. (ANNIE PINEDA)

Read More