TINATAYANG nasa 120,000 pirasong COVID-19 testing kits na locally-developed ang kasalukuyan umanong nasa field validation para maproseso ang accreditation bago ipamahagi at ibenta sa murang halaga sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), oras na makuha ng Manila HealthTek Inc. ang mga kailangang dokumento gaya ng issuance of the Certificate of Product Registration (CPR) mula sa Food and Drug Administration Philippines (FDA) ay sisimulan at gagawin na ang 120,000 test kits.
Uunahin umano ng Manila HealthTek Inc. ang 26,000 pirasong testing Kits na pinondohan ng DOST at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) Project para sa field implementation and distribution sa Philippine General Hospital, Makati Medical Center, The Medical City, Vicente Sotto Memorial Medical Center, Southern Philippines Medical Center at Baguio General Hospital simula April 04 hanggang April 25.
Habang ang natitirang 94,000 testing kits ay mabibili sa Manila HealthTek Inc., sa halangang P1,30 kada piraso na hamak na mas mababa kumpara sa kasalukuyang ginagamit ng mga ospital na P8,000 kada piraso. FRANCIS SORIANO
