FINANCIAL AID NG DOLE SA PRIVATE WORKERS, MABAGAL DIN

Kung nade-delay ang pagbibigay ng P8,000 sa may 18 milyong pamilyang Filipino dahil sa red tape, ganito rin ang nangyayari sa Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa P5,000 financial aide sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, ilang linggo na ang nakararaan mula nang ianunsyo ng DOLE na magbibigay ito ng financial aid sa mga obrero sa pribadong sektor subalit hindi pa ito nakukumpleto.

“The socio-economic impact of the enhanced community quarantine due to the COVID-19 pandemic has affected every Filipino, most especially our workers. Government has been slow with its medical and socio-economic solutions to protect the people from the virus and from hunger,” ani Castro.

Nagrereklamo aniya ang mga manggagawa sa pribadong sektor kasama na ang mga guro sa pribadong paaralan dahil kinakapos na ang mga ito sa budget at ang inaasahan nilang tulong mula sa DOLE ay hindi pa nakararating.

“It’s the 3rd week of implementation of the ECQ. Many ordinary private sector workers still have yet to receive any socio-economic aid from the government,” ani Castro.

Ayon sa mambabatas, tigil din ang suweldo ng mga grupo sa mga pribadong paaralan dahil pawang contractual workers ang mga ito kaya ang financial aid na lamang ang kanilang pag-asa.

“Kung ganito na umaaray ang mga propesyonal nating mga guro at propesor, paano pa kaya ang mga ordinaryong manggagawa na umaasa sa arawang minimum wage lalo ngayong ikatlong linggo na ng ECQ? Kailangan na talagang madaliin ng administrasyong Duterte ang pagbibigay ng ayuda sa ating mga manggagawa,” pahayag ng mambabatas.

Sa ilalim ng financial aid ng DOLE, pinagsusumite ang lahat ng pribadong kumpanya ng listahan ng kanilang mga empleyado para matulungan ang mga ito matapos tumigil ang trabaho dahil sa ECQ.

Bibigyan ng P5,000 ang bawat empleyado. BERNARD TAGUINOD

174

Related posts

Leave a Comment