PASAWAY SA CURFEW PINAGBANTAY NG KABAONG

DAVAO del Norte – Bunsod nang pagiging makulit at paglabag sa ipinaiiral na curfew hours at community quarantine sanhi ng COVID-19, pinaglamay ng mga pulis ang nahuling mga pasaway sa harap ng dalawang kabaong sa bayan ng Tomas sa lalawigang ito.

Sa ulat ng Sto. Tomas PNP, inaresto nila ang ilang lasing na kalalakihan na lumabag sa ipinaiiral na curfew hours at liquor ban sa ilalim ng pinaigting na kampanya ng LGU-Sto. Tomas Davao Del Norte laban sa banta ng coronavirus disease.

Nabatid na ang mga nahuli ay dinala sa Santo Tomas Recreation and Cultural Center at pinagbantay sa dalawang kabaong bilang parusa sa mga lumabag sa curfew hours.

Nilinaw ng mga awtoridad na ang kanilang hakbang ay aprubado ng lokal na pamahalaan at haharap din sa kasong kriminal ang mga curfew violators.

“Stay at home or stay inside.” Layunin umano nito na ipaalala sa mga lumalabag ang kamatayan dulot ng coronavirus disease (COVID-19).

Epektibo umano ang hakbang ng LGU-Sto. Tomas dahil bumaba ang bilang ng mga lumalabag sa curfew hours at liquor ban. (JESSE KABEL)

190

Related posts

Leave a Comment