DORMITORYO NG TRANSCO PARA SA FRONTLINERS

SA panahon ng malawakang sakuna at pangamba na dulot ng epidemya na tulad nang hinaharap ng Pilipinas ngayon, ang mga manggagawa sa sector ng kalusugan, ang pinakamahalaga. Sila ang ­nangunguna sa pagharap sa pangangailangan ng taumbayan subalit dahil na rin sa karagdagang komplikasyon nang pagtigil ng pasada ng pampublikong mga sasakyan, isang malaking pasakit ang daramahin ng mga manggagawa sa sector ng kalusugan, upang mapagsilbihan ang mga mamamayan. Upang matugunan ang hamon na ito, at sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterta, isinabatas ang “BAYANIHAN, TO HEAL AS ONE ACT”…

Read More

DSWD : P5K FOOD, P3K CASH SA P8K NG GOBYERNO

PUNA

HINDI maintindihan ng PUNA itong si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao kung saan siya humugot ng desisyon patungkol sa ayuda ng pamahalaan na P5K-P8K na pamimigay sa 18 milyong mahihirap na ­pamilyang Pinoy. Napakinggan ng inyong lingkod ang interview kay Dumlao ng isang kilalang broadcaster sa radio at ­telebisyon kung saan sinabi nito na kanilang gagawin ay P3, 000 lang  ang cash na kanilang ipamimigay at ang P5, 000 ay ‘in kind’ para makumpleto ang P8,000 para sa mga benipesaryo na nakatira sa National Capital…

Read More

NEGROS OCCIDENTAL NILINDOL

NAITALA ngayong hapon ang magnitude 4.5 na lindol sa lungsod ng Sipalay sa Negros Occidental. Nabatid mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol dakong alas-2:42 ng hapon sa layong 37 kilometro ng Sipalay City. Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na walong kilometro. Batay sa instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity III sa Sipalay City, Negros Occidental at Intensity II sa Bago City, Negros Occidental. Wala nang inaasahan ang Phivolcs na pinsala at aftershocks sa pagyanig. JG TUMBADO 85

Read More

INDIAN NATIONAL HULI SA OVERPRICED SCANNER

BINITBIT ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Manila, ang isang 31-anyos na Indian national makaraang mabuking sa overpricing at hoarding ng thermal scanner sa Sta. Cruz, Manila, iniulat kahapon. Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 7581 (Price Act) as amended by RA 10623 and RA 7394  Consumer Act of the Philippines), Article 14 of the RPC (Aggravating Circumstances),  DTI  Memorandum Circular No. 20-07 “Anti-Hoarding and  Anti-Panic Buying” at Proclamation No. 922 of PRRD, ang suspek na si Mukesh  Chandwani, account manager at  residente ng  #9 Indigo…

Read More

P15-M FACE MASK NASABAT NG CIDG  

AABOT sa halagang P15,120,000 ang face masks na nakumpiska ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)- Anti-Transnational Crimes Unit (ATCU) kasunod ng entrapment operation sa Multinational Village, Brgy. Moonwalk, Paranaque City. Sa ulat na isinumite kay PNP chief Directorial Staff for Operation at pinuno ng Joint Task Force COVID-19 Shields Lt. Gen. Guillermo Eleazar, isang Wang Lin ang itinuturong bigtime hoarders at profiteers. Sinasamantala umano ni Wang lin ang kakulangan ng face mask sanhi ng umiiral na coronavirus 2019 disease sa bansa para mag-imbak at pataasin ang…

Read More

LALAKI SA QC KALABOSO SA PAGYAYABANG NG BARIL

INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang lalaking nagyabang umano ng kanyang mga baril sa gusali ng Eastwood City Cyberpark sa Barangay Bagumbayan, Quezon City. Ayon sa QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, nakatanggap sila ng reklamo na nuong Marso 30 ay naglabas ng kanyang mahabang armas ang suspek na si Jose delos Santos III, 46-anyos, habang nasa loob ng gusali kung saan siya naninirahan. Nauna rito, nabatid sa QCPD na tumanggap ng delivery si delos Santos na hindi para sa kanya. Makikita naman sa nag-viral na video sa social…

Read More

‘SHOOT TO KILL’ SA NAGUGUTOM PINALAGAN

PINALAGAN ni Senador Panfilo Lacson ang bantang “shoot to kill” order ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sinomang manggugulo dahil sa gutom sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil wala naman bago sa kanyang pagbabanta. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na eksaherado at marahas ang banta ni Pangulong Duterte sa mga nagugutom na “troublemakers” dahil kapos ang paghahatid ng pangunahing serbisyo sa naiipit na mamamayan. “Definitely, the President’s warning to have “troublemakers” during the enhanced community quarantine shot was exaggerated and harsh. But coming from this President, what else is…

Read More

‘DI NAGAMIT NA ENERHIYA SA ECQ ‘WAG SINGILIN SA CONSUMERS

KINALAMPAG ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) at power generating companies (GenCos) na palambutin ang ilang probisyon sa Power Supply Agreement (PSAs) upang hindi magbayad ang consumer sa hindi nagamit na reserbang kuryente dahil bumagsak ang pangangailangan sa enerhiya sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ). Sa pahayag, pinangangambahan ni Gatchalian na pagbabayarin ang mga Pinoy consumer sa enerhiya na hindi nakonsumo kung hindi palalambutin ng ERC at GenCos ang probisyon sa PSAs na inaatasan ang mga distribution utilities (DUs) na bumili ng minimum amount ng…

Read More

NEGOSYO TUTULUNGANG MAKABANGON

MAY ikinakasa na ang Department of Trade and Industry na pagpapatupad ng isang programa na tutulong sa mga negosyante para makabawi at makabangon sa mga nalugi nitong kita dulot ng krisis dahil sa COVID 19. Ayon kay IATF spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, inihahanda na ng DTI ang Enterprise Rehabilitation Financing Program o ERF. Aniya, isang bilyong piso ang inihandang pondo para dito ng gobyerno na ang layunin ay matulungan ang mga bumagsak na negosyo sa paraang sila ay makapagsimulang muli. Layon aniya ng nasabing programa na maagapang magsara…

Read More