Pagtugis sa hoarders, scammers ang unahin DEFENSOR SA NBI: STOP THIS STUPIDITY!

0

“WILL the NBI please stop this stupidity”.

Ito ang reaksyon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kaugnay ng paghahabol ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga taong tumutulong para labanan ang COVID-19.

Ayon kay Defensor, imbes na abalahin ng nasabing ahensya ang kanilang sarili sa pag-iimbestiga sa mga taong tumutulong sa mamamayan sa gitna ng krisis sa kalusugan ay dapat ituon na lamang ang kanilang sarili sa mga tiwaling negosyante na nagtatago ng medical equipments.

“They should run after hoarders of medical equipments such as masks, PPEs, gloves among others. They should run after those who hoard food waiting for prices to go up,” ani Defensor.

Bukod dito, kailangang habulin umano ng NBI ang mga nagkalat na sindikato na nanghihingi ng donasyon sa gitna ng paghihirap na ito ng mamamayan imbes na ang mga taong ginagawa lahat ng paraan para makatulong sa pagsugpo sa problema.

Ganito rin ang posisyon ni Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin.

Kung mayroon aniyang dapat tutukan ang NBI ay ang mga negosyanteng nagsasamantala sa gitna ng problemang kinakaharap ng bansa sa COVID-19.

Pahayag ito ni Garbin sa gitna ng kontrobersyang kinasasangkutan ng NBI matapos hingan ng paliwanag si Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa posibleng paglabag umano sa Republic Act (RA) 11469 o Bayanihan We Heal as One Act. BERNARD TAGUINOD

Read More

PROSESO SA CASH AID PASISIMPLEHIN – DSWD

0

POSIBLENG maipamahagi na sa mamamayang labis na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) ang financial assistance ng dalawang hanggang tatlong araw.

Kabilang sa mga ito ang mga senior citizen, persons with disability, pregnant and lactating woman, solo parent, poor indigenous community, homeless, informal economy workers, below minimum rate, mga empleyadong no-work no-pay, distressed overseas Filipino workers, entrepreneur na may asset na mababa sa P100,000, family enterprise owner, farmers, fisherfolks at stranded workers.

Tiniyak ni DSWD Secretary Rolando Bautista na madali lamang ang proseso sa pagkuha ng Social amelioration cards.

Aniya, nakipag-ugnayan na ang kanilang mga regional director sa bawat LGUs upang makuha ang listahan ng target beneficiaries. CHRISTIAN DALE

Read More

Tulong pinansyal bilisan – solon MASS HUNGER IWASAN MAGING MASS ANGER

0

PINAMAMADALI ni Senador Grace Poe ang pamamahagi ng unang bugso ng tulong pinansyal mula sa P200 bilyong pondo ng pamahalaan upang matulungan ang mahihirap na pamilya.

Ayon sa mambabatas, kung maaari ay maibigay na ito sa lalong madaling panahon upang maiwasan  na maging “mass anger” ang “mass hunger”.

“I understand the logistics in organizing this cash transfer to 18 million families but time is of the essence so we must step on the gas,” ani Poe.

Ayon pa sa senador, dapat makatanggap na agad ng tulong ang mga nangangailangan habang tinatapos pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang listahan.

Dapat din umano ay magbigay ang DSWD ng malinaw na timeline kung kailan maibibigay ang natitirang ayuda mula sa pamahalaan. NOEL ABUEL

Read More

Pamamahagi ng food, cash aid ipinasa sa DSWD POLITIKO ‘DI PAPOPORMAHIN NI PDU30

0

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pangunahan ang pamimigay ng relief assistance sa mahihirap na mamamayan upang maiiwas ang mga lokal na opisyal na gamitin ang programa sa kanilang pamumulitika.

“Hindi po papayag si Pangulo na haluan po ito ng pulitika, gamitan ito ng patronage politics at hindi siya papayag na may palakasan dito sa mga politiko na mangyayari,” ayon kay IATF spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Inakusahan kasi ni Pangulong Duterte ang ilang lokal na opisyal ng pang-aabuso sa pagpapalabas ng ayuda sa mamamayan na sakop ng Luzon-wide quarantine para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Inanunsyo ng Pangulo na ang DSWD na ang mamumuno sa distribusyon ng relief assistance kasama si Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., chief implementer ng national policy laban sa COVID-19.

Dahil dito, limitado na lamang ang Local government units sa pag-asiste sa distribusyon ng cash subsidy, kasama ang LGU personnel na pamamahalaan naman ng

Department of the Interior and Local Government, pulis at sundalo.

Tinatayang may 18 milyong low-income households ang target ng pamahalaan na makatanggap ng monthly emergency subsidy na nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P8,000 para sa dalawang buwan gaya ng mandato sa Bayanihan to Heal as One Act (Republic Act 11469).

Sinabi naman ni DSWD Director Irene Dumlao na ang departmento ay nagsimula nang mamahagi ng social amelioration card forms na gagamiting basehan para mabigyan ng ayuda ang isang pamilya na makikinabang sa emergency subsidy program. CHRISTIAN DALE

Read More

LGUs na nasa ilalim ng ECQ pinaglalabas ng ordinansa LALABAS NG BAHAY OBLIGADONG MAG-FACE MASK

0

HINIKAYAT ng Inter-Agency Task Force on Infectious Diseases (IATF) ang mga concerned local government units (LGUs) na magpalabas ng executive order (EO) o ordinansa na nag-aatas na magsuot ng face mask ang mga taong lalabas ng bahay.

“Concerned LGUs are hereby enjoined to issue the necessary executive order or ordinance to that effect, and impose such penalties as may be appropriate,” saad ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, spokesman ng IATF.

Nabatid na ipatutupad na ng gobyerno ang mandatory na pagsusuot ng face mask kapag lalabas ng bahay ang mga residente na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa Coronavirus 2019 (COVID-19).

Ani Nograles, ito ay para maprotektahan ang sarili at iba laban sa COVID-19.

Samantala, minamadali na ng gobyerno para ma-maximize ang kagamitan ng mga frontliner na araw-araw nahaharap sa peligro habang tinutugunan ang pangangailangan ng mga COVID positive patient.

Sinabi ni Cabsec Nograles, kapwa kumikilos ang Department of Science and Technology at Philippine Textile Research and Institute para sa produksiyon ng may 5 daang libong
reusable face mask.

Aniya, maaaring labhan o washable ang mga ginagawang face mask ng DOST at PTRI na tiyak aniyang makatutulong sa mga health worker sa gitna ng nararanasang kakapusan ng personal protective equipment.

Matatandaang, inanunsiyo ng DOST ang inisyal na produksiyon ng 26,000 test kits na ikakalat sa ilang ospital gaya ng PGH, Makati Medical Center, The Medical City at Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Sa kabilang dako, kasama rin sa mababahaginan ng test kits ang Southern Philippines Medical Center at Baguio General Hospital. CHRISTIAN DALE

Read More

PHL AMBASSADOR TO LEBANON PUMANAW SA COVID-19

0

INIULAT ngayong araw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pumanaw na si Philippine Ambassador to Lebanon Bernardita Catalla dahil sa mga kumplikasyon na dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Si Ambassador Catalla, 62, na ipinanganak sa lungsod ng Makati ay 27 taon nang career diplomat.

Siya ay nagsilbi rin bilang Philippine diplomat sa Kuala Lumpur, Jakarta at naging Passport Director ng DFA.

Bago naging Ambassador sa Lebanon, naging Consul General sa Hong Kong si Ambassador Catalla.

Siya rin ang nanguna sa mass repatriation program ng Philippine Embassy sa Beirut mula December 2019.

Isinusulong ngayon ni DFA Sec. Teddy Locsin na gawaran ng highest award si Catalla.

“Ambassador Bernie Catalla’s remains will be received with an honour guard and I am putting forward a nomination for Gawad Mabini and Sikatuna. Not that she needs more honour than the profound regret and mourning of a grateful service, government, and I hope nation,” pahayag ni Locsin. DAVE MEDINA

Read More

FINANCIAL AID NG GOBYERNO HINDI FAKE NEWS – MALACANANG

0

UPANG matigil na ang haka-haka at pagdududa sa ayudang pinansiyal ng national government ay muling ipinaalala ng pamahalaan na ang Emergency Subsidy Program na inirekOmenda ng IATF TWG on Social Amelioration sa pamumuno ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay aprubado na.

Ayon kay IATF spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang programa ay isang outright cash benefits para sa (18) million beneficiary households, na ang range ay mula P5,000 hanggang P8,000 baSe sa regional thresholds gaya ng pinalaganap ng DSWD, DOLE, DILG, Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Department of Budget and Management (DBM), at Department of Finance (DOF) sa pamamagitan ng Joint Memorandum Circular No. 1, series of 2020.

Ani CabSec Nograles, nabanggit na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at inulit na lamang nito sa kanyang Presidential Message, Lunes ng gabi, (Abril 1) na aprubado na ang cash assistance na ibibigay sa 18 million beneficiaries nationwide.

Ang halaga aniya nito ay limang libo (5,000) hanggang walong libo (8,000) depende sa minimum wage ng rehiyon.

“Ulitin ko lang po ang sinabi ni Presidente kagabi: ang mga tulong na ito ay ibibigay ng DSWD derecho sa inyo.Tutulong po ang ating mga LGU, pero ang DSWD ang magmamando sa pagbibigay ng cash assistance na ito,” ayon kay CabSec Nograles.

Alinsunod aniya sa direktiba ng Pangulo na tiyakin na ang lahat ng financial assistance na ibibigay ng national government ay direktang mapupunta sa mga benepisaryo nito at ang “full control and supervision” sa pamamahagi ng Emergency Subsidy Program funds ay nasa DSWD.

Layon nito na siguruhin na ang mga targeted beneficiary-family lamang ang makatatanggap ng government subsidy.

Ang magiging gampanin na lamang aniya ng LGUs ay limitado sa pagtulong at pag-alalay sa pamamahagi ng subsidy, ang LGU personnel ay tutulong sa DILG na katuwang naman ng AFP at PNP.

“Gagawin po ng gobyerno na agarang maipaabot ang tulong sa inyo,” diing pahayag ni CabSec Nograles. CHRISTIAN DALE

Read More

Food, financial aid ipinasa ni PDu30 sa DSWD AYUDA IDIRETSO SA TAO, HINDI SA POLITIKO

0

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tinanggal niya sa mga politiko ang pamamahagi ng pera at pagkain dahil sa dami ng reklamo na kanyang natatanggap.

Sa televised Presidential Message ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi, Abril 1 ay sinabi nito na ibinigay niya at ipinagkatiwala kay DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista ang pamamahagi ng pera at pagkain lalo na ng bigas dahil ang DSWD aniya ay may sariling distribution network.

“Yan, ‘yung Pantawid. So meron. Idagdag na lang nila doon sa matatanggap doon sa recipient ng Pantawid. Idagdag mo na lang ang pera na ‘yan doon sa kanila kasi kanila ‘yan. Iyong pera na ‘yan, inyo ‘yan. Kaya lang hindi ko man maibibigay lahat unevenly kaya ako na ang — kami na sa gobyerno ang mag-ano mag-dis — distribute pati to determine how much,” ayon sa Pangulo.

Kaya ang pakiusap ng Pangulo sa publiko ay huwag magduda sa “dishonesty and corruption”.

Hindi aniya ito ang panahon ng pagdududa.

“Not this time. Ako mismo nagsasabi. Kasi ‘yung iba nagdi-distribute kina-cutting. Instead of seven gawain ninyong five doon sa itaas sa repacking. Kaya ngayon DSWD na at ‘yung pera DSWD pati si Secretary (Carlito) Galvez, chief implementer laban sa COVID-19,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.

Kaya wala na aniyang pakialam ang mga politiko sa aspetong ito.

“Naintindihan ninyo ‘yan? Wala na kayong pakialam. Tinanggal ko na ang politiko. Puro na ito sa gobyerno. Mga military ito pero retired. Civilian na ‘yan,” anito.

Ang mga goods, bigas, at kung ano pang ibibigay ng gobyerno ay pinabibilisan na ng Pangulo dahil pagkain aniya ang mga ito.

“At meron tayo sabi ko, mayroon tayong ginawang mga hakbang na to sustain us but only if there is order in the society. Kasi ‘pag magulo, walang order, walang distribution na mangyari kasi inaagaw, ina-ambush. Kaya mapipilitan ako na sabihin: Huwag na huwag ninyong gawin ‘yan kasi I will not hesitate to order to shoot you,” litanya ng Pangulo.

Pagdating naman aniya sa repacking ay bahala na rin ang DSWD.

Subalit ang sinOman na konektado sa paghahanda ng pagkain at pera ay binalaan niya na huwag kaltasan at huwag kunan.

“I will not — hindi ko kayo… Huhulihin ko kayo and I will detain you. Makalabas lang kayo pagkatapos ng COVID kung dadating,” ayon sa Pangulo. CHRISTIAN DALE

Read More

NAMATAY SA PNEUMONIA, IPINASASAILALIM SA COVID-19 TEST

0

IGINIIT sa Department of Health (DOH) ng dalawang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na isailalim sa COVID-19 test ang mga taong namatay sa pneumonia.

Ginawa nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Quezon City Rep. Precious Castelo ang nasabing panawagan dahil marami umanong mahihirap ang namamatay sa pneumonia habang nakatutok ang lahat sa COVID-19.

“Yes definitely. Kailangan ma-check para alam natin ang extent. If we do not test them, we will never know if they are positive for the fast-spreading coronavirus disease. It’s good if they do not have the virus. But what if they have it?,” ani Defensor.

Ayon kay Defensor, vice chairman ng House committee on health, isa sa pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga COVID-19 positive ay pneumonia kaya mahalaga aniyang masuri ang mga ito para makasiguro.

“Hindi ito sunugan lang pag namatay. Dapat bigyan pansin kung saan kumakalat para mahinto at yung may sakit kailangan bigyan ng atensyong medikal. Hindi dapat pabayaan komo mahirap at walang pang bayad,” dagdag pa ni Defensor.

Ganito rin ang mungkahi ni Castelo upang makapagsagawa nang maayos na contact tracing sakaling mapatunayan na ang mga namatay sa pneumonia ay positibo sa COVID-19.

“Importante na malaman ang sanhi ng pagkamatay ng isang tao lalo na kung pneumonia related. Dapat ma-COVID-19 test pa din. Pag confirm na COVID-19 ang sanhi. We need to intervene. We need to be cautious on the burial. We need to quarantine the family. We need to undertake contact tracing. We need to know sino PUI. Sino ang PUM,” ani Castelo.

“Kung di natin gagawin ito, we cannot stop the cycle of infection. We might be the next Italy,” babala pa ni Castelo kaya dapat kumilos aniya ang DOH at suriin ang lahat ng mga namatay sa pneumonia. BERNARD TAGUINOD

Read More