JEEP SUMALPOK SA POSTE, 3 PATAY

0

LAGUNA – Patay ang driver at dalawa pang sakay ng isang delivery jeepney matapos sumalpok sa kongkretong poste sa gilid ng national highway sa Calamba City, Martes ng madaling araw.

Kapwa idineklarang dead on the spot sina Rhyan Aldea, 45, driver ng jeep at ang pahinateng si Arnold Moreno, 33, parehong residente ng Barangay Baybayin, Rosario, Batangas.

Dead on arrival naman sa ospital ang negosyanteng si Penny Manalo Britania, 45, may-ari ng jeep at ng mga kargang itlog ng manok na idedeliber sana ng mga ito.

Batay sa report ng pulisya, galing sa Batangas ang jeep at magdedeliber sana sa Calamba at Cavite nang mawalan ito ng preno sa national highway sa Barangay Real, Calamba City dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Dahil may kabilisan ang takbo ng sasakyan, tuluyang nawalan ng kontrol ang driver hanggang sa sumalpok ito sa poste.
Sugatan naman ang 21-anyos na si Jovy Olile Luzande na pahinante rin ng jeep. (NILOU DEL CARMEN)

Read More

Malakanyang positibo sa papasok na bagong taon PINOY BABANGON SA 2021

0

KUMPIYANSA ang Malakanyang na magiging napakaganda ng paparating na taong 2021.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kung hindi man naging maganda ang taong 2020 ay hindi dapat mawalan ng pag-asa ang bawat isa sa pagpasok ng 2021, lalo na iyong mga labis na nalugmok dahil sa sunod-sunod na mga pagsubok na hinarap ng bansa.

Aniya, sabi nga ng matatanda, kapag ikaw ay bumagsak, kinakailangan na ika’y tumayo at mas maging matatag.

Kung lumubog man aniya ngayon ang araw ay sisikat din ito sa pagpasok ng susunod na taon at nangangahulugan ito na mayroon pang bagong pag-asa, kaya’t kapit lamang at panatilihin ang pagiging kalmado.

Aniya pa, isang napakagandang regalo ngayong Pasko ang pagkakatuklas ng bakuna at ang pag-asang matutuldukan na ang health crisis na ito na nagdulot ng matinding pagkalugmok ng ekonomiya ng buong mundo.

Read More

2 NPA ARESTADO SA BAHAY NG QUEZON BOARD MEMBER

0

ARESTADO ang dalawang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa loob ng pamamahay ng isang bokal nitong Sabado, ika-26 ng Disyembre.

Sa ulat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), ang dalawang rebeldeng NPA na sina Ruel Custodio (alias Baste), ang tumatayong Finance Officer ng grupo at Ruben Istokado (alias Oyo/Miles), nagsisilbi namang political adviser ay inaresto sa bisa ng isang warrant of arrest sa loob ng pamamahay ni Rhodora ‘Dhoray’ Tan, isang halal na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng probinsya ng Quezon at kilalang kaalyado ni Quezon Province Governor Danilo Suarez.

Sa nasabing operasyon, natuklasan ng mga otoridad ang dalawang hand grenades, isang Bersa Thunder caliber 38 pistol na naglalaman ng labintatlong bala, isang caliber 45 pistol na naglalaman ng isang magazine na may anim na bala at isang Jericho caliber 9mm pistol na may dalawang magazine at ilan pang mga bala. Ang mga nakumpiskang armas ay kaagad namang isinuko sa Atimonan Municipal Police Station (MPC).

Bago pa ang pag-aresto, una nang nasangkot si Alias Baste sa pangingikil ng ‘revolutionary tax’ sa probinsya. Noong Hulyo 2019, siya ay naharap sa kasong kidnapping at sinundan pa ng kasong illegal possession of firearms noong Nobyembre 2019.

Samantala, nasangkot naman si Alias Oyo/Miles sa mga gawaing subersibo at nasampahan na ng mga kasong double murder at multiple murder noong buwan ng Setyembre 2014.

Kamakailan lang, inaprubahan ng Anti-Terrorism Council (ATC) sa pamamagitan ng paglagda ni Executive Secretary Salvador Medialdea bilang pinuno, ang Resolution no. 12 na pormal na nagtuturing sa Communist Party of the Philippines (CPP) at ang hukbong sandatahan nito, sa New People’s Army (NPA), bilang grupong terorista sa bansa. Ito’y alinsunod sa Section 4 ng Anti-Terrorism Act.

Dahil dito, lahat ng mga ari-arian ng nabanggit na grupo ay maaring kumpiskahin at ipasara ng Anti-Money Laundering Council (AMLAC), batay sa Section II ng Republic Act No. 10168 o ang Terrorism Financing Prevention and Suppression Act. (ABBY MENDOZA)

Read More

LOCKDOWN MULI, POSIBLE

0

MAPIPILITAN ang pamahalaan na ilagay muli ang Pilipinas sa ilalim ng lockdown sakali’t mkapasok at kumalat sa bansa ang natukoy na bagong coronavirus strain mula sa United Kingdom.

“Actually iyong lockdown is a possibility. I said we are making some projections. But if the severity in numbers would demand that we take corrective measures immediately then we’ll just have to go back to lockdown,” ayon kay Pangulong Duterte.

Gayunman, nilinaw ni Pangulong Duterte na ang muling pagsasailalim sa bansa sa lockdown ay depende sa malalang bilang ng posibleng magkaroon ng bagong COVID-19 strain.

“In the meantime [that] we are not able to confront them effectively. Kasi ‘pag marami na [ang cases with the new variant] and we do not have the antidote how to kill those variants, we have a problem there,” ayon sa pangulo.

Sinabi naman ni National Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaaring muling magpatupad ang pamahalaan ng mahigpit na lockdown, “but not after the IATF agrees on a “threshold.”

Para naman kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, ang COVID-19 situation sa bansa ay nananatiling manageable, subalit kailangan na ang gobyerno ay nakatutok sa international borders ng bansa.

Aniya pa, ang minimum public health protocols ay standards na kailangan maipatupad.

Sinabi naman ni Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer of the government’s COVID-19 response, na marapat lamang na ang pamahalaan ay gumawa ng “pro-active measures” sa pagkakatuklas ng bagong coronavirus strain sa United Kingdom.  (CHRISTIAN DALE)

Read More

Sa importasyon ng covid vaccines SUPER GREEN LANE HIRIT SA BOC

0

INATASAN ng mababang kapulungan ng Kongreso ang Bureau of Customs (BOC) na bigyan ng special lane o “super green lane” ang importasyon ng COVID-19 vaccines upang mabilis itong makalabas dahil napakahalaga nito ngayon sa taumbayan at maging sa ekonomiya ng bansa.

Ginawa ni House ways and means chairman Joey Salceda ang nasabing kautusan para mabigyan ng top priority ang clearance processing ng mga aangkating bakuna kasama na ang iba pang medial supply na kailangan sa immunization tulad ng heringgilya.

“We need all the vaccines we can get, and if the private sector can boost our supplies, we should make it easier for them to do so,” ayon sa mambabatas na may oversight function sa BOC.

Ang super green lane ang pinakamabilis na proseso sa pagbibigay ng clearance sa mga inaangkat na produkto mula sa ibang bansa kaya dapat umanong idaan dito ang mga bakuna laban sa COVID-19 na bibilhin o aangkatin, hindi lamang ng gobyerno kundi ng mga pribadong sektor.

Maraming Local Government Units (LGUs) at mga pribadong grupo ang nagbabalak na umangkat ng sariling COVID-19 vaccines upang mas maraming Pilipino ang mabakunahan kaya hindi umano dapat pahirapan ang mga ito.

“These vaccines cannot stay for long in our ports. That amplifies the risk that they will be damaged, as the COVID-19 vaccine is particularly sensitive to changes in temperature,” paliwanag ng mambabatas.

Nagawa na aniya ito ng BOC sa mga inangkat na Personal Protective Equipments (PPEs) kaya walang dahilan para hindi ito gawin sa mga aangkating bakuna laban sa COVID-19 dahil nakasalalay rito ang pagbangon ng ekonomiya at kaligtasan ng mamamayang Pilipino. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

PAG-URONG NI DUTERTE SA PILOT FACE-TO-FACE CLASSES SINUPORTAHAN

0

SANG-AYON si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag munang ituloy ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa bansa sa Enero 2021.

Nauna rito, nitong Sabado, Disyembre 26, ay inatasan ni Pang. Duterte ang mga educational institution na huwag munang magsagawa ng face-to-face classes sa susunod na buwan dahil nananatili pa rin ang banta ng pandemya, at ngayong may sumulpot na bagong strain ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ikinatuwa naman ni Go ang direktiba ng pangulo dahil matagal na rin siyang nagpahayag ng kanyang reserbasyon laban sa pagdaraos ng pilot face-to-face classes sa bansa hangga’t wala pang aprubadong ligtas at epektibong bakuna laban sa virus.

Patuloy rin niyang hinihikayat ang mga awtoridad na irekonsidera ang naturang plano dahil sa panganib na posibleng idulot ng COVID-19 at ng bagong strains nito, sa kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante, mga guro at nakapaligid ditong komunidad, nang wala namang bakuna na magbibigay-proteksiyon sa kanila.

Tulad ni Pang. Duterte, matibay rin ang paninindigan ni Go na ang dapat gawing prayoridad ay ang kaligtasan ng mga estudyante at mga guro sa bansa.

“Same stand po ako diyan. Matagal ko nang sinasabi na habang wala pang vaccine ay ‘wag muna natin ipasubo ang mga bata. Dapat balikan at pag-aralan ng gobyerno ang polisiyang ito na bumalik sa face-to-face classes,” pahayag pa ni Go.

“Sa Mayo, matatapos naman na ang klase (school year). Ba’t ‘di na lang natin antayin? Alam naman natin na marami pang nangyayari. Nakakabahala kung bubuksan pa natin ang klase (na face-to-face),” aniya pa. “Unahin natin ang buhay at kaligtasan ng bawat Pilipino. A life lost is a life lost forever.”

Matatandaang una nang isinulong ng Department of Education (DepEd) ang limitadong physical classes sa mga low-risk areas upang matugunan ang educational challenges na kinakaharap ng mga estudyante mula sa disadvantaged families at rural areas.

Tinalakay naman ni Go ang isyu sa pangulo para irekonsidera ang naturang hakbang at ipagpaliban muna ang pilot implementation hanggang maging available na ang ligtas at epektibong bakuna at ang antas ng immunity sa bansa ay umabot na sa tinatawag na herd immunity. (CHRISTIAN DALE)

Read More

$325-M PAMBILI NG BAKUNA, IPAUUTANG NG ADB SA PINAS

0

HANDANG pautangin ng Asian Development (ADB) ng 325 milyong dolyar ang Pilipinas upang magkaroon ito ng perang ipambibili ng milyun-milyong bakunang panlaban sa COVID-19.

Ayon sa kay ADB country director Kelly Bird: “The Philippines can access between $400- (million) and $500-million lending for vaccine procurement. At the moment, the government has requested approximately $325 million from the first component of the facility – that’s the vetted response component. And that’s dedicated for financing the procurement of vaccines”.

Pananaw ito ng ADB sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na mangutang sa mga pandaigdigang pampinansiyang institusyon tulad ng ADB upang makabili ng Anti-COVID 19 vaccines.

Isa sa mga planong pagbilhan ng bakuna ay ang Sinovac ng China.

Lumabas sa media na masyadong mahal ang presyo ng bakuna ng Sinovac kumpara sa mga bakunang galing Amerika.

Bukod dito, kuwestyonable ang “efficacy rate” nito dahil walang ipinakikita ang Sinovac na mataas ang efficacy rate nito.

Idiniin ni Bird, “ADB is working very closely and intensely with the government even over the Christmas and New Year period to carry out technical background work and preparing the vaccine project”.

Sabi pa niya, hindi isyu ang pag-utang ng Pilipinas dahil “strong” ang pampinansiyang kalagayan at programa nito sa mga susunod na taon. (NELSON S. BADILLA)

Read More

BIKERS EXEMPTED SA FACE SHIELD SA VALENZUELA

0

MAAARING hindi magsuot ng face shield ang mga nagbibisikleta sa Valenzuela City.

Gayunman, kung magtutungo sa pampublikong lugar o papasok sa establisiyimento, kailangang muling magsuot ng face shield ang bikers.

Nagpaalala rin ang pamahalaang lungsod na hangga’t maaari ay manatili na lang sa loob ng tahanan at iwasan ang paglabas ng mga bata, matatanda at mga taong may mahinang resistensya para makaiwas sa COVID-19.

Hanggang 10 pm ng Disyembre 21 ay 102 ang active COVID cases sa lungsod.

Umabot na ng 8,425 ang tinamaan ng COVID sa Valenzuela.  Sa bilang na ito ay 8,070 na ang gumaling at 253 ang namatay. (ALAIN AJERO)

Read More

LIBRENG SWAB TEST SA MAYNILA SUSPENDIDO

0

PANSAMANTALANG sinuspinde ng pamahalaang lokal ng Maynila ang libreng swab test bilang pagbibigay-daan sa pagdiriwang ng panahon ng Kapaskuhan.

Ilang araw munang sususpendihin ng Manila City government ang pagsasagawa ng libreng mass swab testing sa lungsod laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Base sa inilabas na ulat ng Manila Public Information Office, wala munang mass swab testing simula ngayong araw, Disyembre 23, Miyerkoles.

Magtatagal ang suspensiyon ng aktibidad hanggang sa Disyembre 27, Linggo.

Nabatid na muli namang magbabalik ang libreng mass swab testing sa Disyembre 28 hanggang Disyembre 30.

Gayunman, muli naman itong sususprndihin mula Disyembre 31, 2020 hanggang sa Enero 3, 2021 upang bigyang-daan naman ang pagsalubong ng mga Filipino sa Bagong Taon.

Inaasahan namang magpapatuloy ang pagsasagawa ng libreng swab testing sa Enero 4, 2021, Lunes.

Ipinag-utos ni Manila Mayor Francisco ” Isko Moreno” Domagoso ang pagbibigay ng libreng swab testing bilang bahagi ng pagsusumikap na masugpo ang pagkalat ng nasabing sakit. (RENE CRISOSTOMO)

Read More