RIDER BUMANGGA SA MOTOR, DEDBOL

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang motorcycle rider makaraang bumangga sa motorsiklo na kanyang kasalubong noong Lunes ng gabi sa Imus City. Naisugod pa sa Medical Center Imus Hospital ang biktimang si Orlanda Ordonez (lalaki), 42, tricycle driver, subalit idineklarang dead-on-arrival. Kinilala naman ang driver ng motorsiklong Jiangmen Haojue na nakabanggaan nito na si Johnyfer Adante, 34, isa ring tricycle driver. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Mark Joseph Jader ng Imus City Police, dakong alas-7:00 ng gabi nang mangyari ang insidente habang kapwa binabagtas ng biktima at suspek ang…

Read More

PAMILYA SAMA-SAMANG NAMATAY SA SUNOG

SAMA-SAMANG namatay nitong Martes ng madaling araw ang apat na miyembro ng isang pamilya nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Concepcion sa Virac, Catanduanes. Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection Bicol, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang lamunin ng apoy ang bahay ng pamilya Buentiempo. Ayon sa ulat na ipinarating kay PNP Regional Police Office 5 Director Jonnel C. Estomo, kinilala ang mga biktimang sina Rosemarie Buentiempo, 28; ang kanyang live-in partner na si Jzar Estacio, 25; Klyne Buentiempo, 7-anyos at Mix Buentiempo, 3-anyos. Habang isa ang sugatan…

Read More

Buking din sa baril MENSAHERO SUKOL SA PANANAKSAK

LAGUNA – Huli ang isang empleyado ng banko makaraang manaksak at makumpiskahan ng baril sa Sta. Rosa City noong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director, Col. Rogarth Campo kay CALABARZON Regional Director, P/BGen. Eliseo Cruz, kinilala ang suspek na si Iluminado Breton, 40, mensahero, ng Brgy. Sto. Domingo, Binan City. Habang ang biktima ay kinilalang si Santiago Canon ng Rosewood 1 Subdivision, Brgy. Tagapo, Sta. Rosa City. Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bandang alas-8:30 ng gabi noong Lunes nang bigla na lamang…

Read More

PAGTULONG SA MAS MARAMING PINOY, NEW YEAR’S RESOLUTION NG PITMASTER

NANGANGAMBA raw ang maraming sabungero dahil sa banta ng Omicron variant sa bansa. Well, dapat lang namang mangamba lalo pa’t dumarami ang mga kaso. Kung noong mga nakaraang linggo ay hindi umaabot ng 500 cases, ngayon ay halos 5,000 na naman ang mga kaso. Tumataas din ang active cases. Malamang ito na ‘yung epekto ng holiday season dahil ­maraming gumagala at nagbakasyon. Pero huwag tayong mag-alala, mga ka-sabong, tuloy lang ang laban. Pasasaan ba’t babalik din sa normal ang lahat. Tsaka, tuloy lang din ang talpakan. Kahit wala pang pisikal…

Read More

PERSONAL FILING SA SUPREME COURT IPINAGBAWAL NA

DAHIL sa pagsasailalim muli sa Alert Level 3 ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, sa National Capital Region (NCR) ay ipinagbawal na muli ng Supreme Court (SC) ang personal filing ng mga litigant na mayroong nakasampang kaso sa SC. Nakasaad sa Memorandum Order 1-2022 na pirmado ni SC Chief Justice Alexander Gesmundo na bawal muna ang mga ­initiatory pleading, ito ay dahil sa panibagong alert level na ipinalabas ng IATF, bunsod ng panibagong variant ng COVID-19 na Omicron. Ang nakakapangamba kasi sa panibagong variant…

Read More

DOMW, REGALO NI PRRD SA MGA MODERN-DAY HERO

Aksyon OFW

MGA ka-Saksi, isang maligaya at manigong bagong taon sa lahat! Bago matapos ang 2021, may aginaldo si Pangulong Digong Duterte sa overseas Filipino workers sa buong mundo. Mismong sa paggunita ng kamatayan ni Gat Jose Rizal noong Dec. 30, nilagdaan ng ­Pangulo sa Palasyo ng Malakanyang ang batas na lilikha sa Department of Migrant Workers o ang Republic Act No. 11641 na siyang nakatutok sa mga concern at interes ng tinaguriang “modern day heroes”. Ito’y pagsasakatuparan ng naging pangako ni Pang. Duterte noong 2016 elections na magtatatag ng isang departamento…

Read More

AMINADO PERO ‘DI KULONG

ISANG malinaw na kapalpakan ng mga pulis at tagausig ang pagkakabasura ng kasong drug trafficking na isinampa laban kay Kerwin Espinosa, isang aminadong drug lord na ginamit ng pamahalaan bilang testigo kontra kay Senador Leila De Lima para sa kahalintulad na asunto. Aminadong drug lord si Kerwin Espinosa na nagsusuplay ng droga sa Eastern Visayas, batay mismo sa kanyang mga sinumpaang testimonya sa mga pagdinig sa Kamara at Senado. Pero sa kabila nito, minabuti ng Makati Regional Trial Court na i-dismiss ang kaso laban kay Espinosa at iba pa kaugnay…

Read More

Para walang diskriminasyon ‘NO VAX, NO LABAS’ GAWING NATIONWIDE

(CHRISTIAN DALE/JESSE KABEL) KUMBINSIDO si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na mas makabubuting hindi lamang sa ilang lugar sa bansa partikular sa National Capital Region (NCR) maipatupad ang “no bakuna, no labas” policy kundi gawin din ito sa buong bansa. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Concepcion na natutuwa siya at nagkaroon ng ngipin ang polisiya ng pamahalaan para maprotektahan ang mga hindi bakunado. Magkagayon man ay mas maganda sana aniyang i-aplay na ito sa buong bansa upang hindi ma-discriminate o pagkaitan ng karapatan ang mga unvaccinated dahil…

Read More

Hindi bakunado ‘di pasasakayin sa PUVs BAWAL BUMIYAHE

TUTULONG ang Department of Transportation (DOTr) sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapatupad ng “no vaccine, no ride” policy sa mga pampublikong sasakyan. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA Chair Benhur Abalos na kailangan talaga ang pagtutulungan ng lahat lalo pa’t mahirap ipatupad ang nasabing polisiya. Bukod sa DOTr ay tutulong din ang LGUs at kapulisan. Sa katunayan aniya ay sumulat ang DOTr sa kanya para tiyakin ang pagtulong naman nito na masusunod ang 7 commandments sa public transport. “Ito, sumulat ang Department of Transportation at ang…

Read More