EIDs SILAT SA PNP BICOL, PHIL. ARMY

ILANG malalakas na uri ng pampasabog ang narekober ng pinagsanib na puwersa ng PNP-PRO5 at AFP-Philippine Army sa composite tactical operation sa isang kampo ng NPA sa Sorsogon kahapon

Ayon kay Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo, iba’t ibang improvised explosive devices (IEDs) ang nasamsan sa kampo ng New People’s Army nang pinagsanib na pwersa ng PNP Bicol at mga sundalo na kinabibilangan ng 31IB, 31IB Intel Operatives, 22IB, at 903Bde.

Ayon sa ulat mula sa Sorsogon Police Provincial Office, dakong 5:00 ng umaga nitong Oktubre 26, 2021 sa Brgy. Dolos, Bulan, Sorsogon nakuha ang mga improvised explosive device (IED).

Kabilang sa mga nakumpiska ang dalawang IED/Anti-Personnel Mine (APM); isang 9 na diyametro at 8 pulgadang haba ng IED/Anti-Tank Mine; isang sirang binocular; l53 molotov casing; 13 Anti-Personnel Mine (APM) casing kabilang ang bolts at 2 kilong nuts; at 66 metro ng wire. Ang mga narekober na pasabog ay nasa pangangalaga ng 31IB PA.

Patuloy rin ang ugnayan sa pagitan ng mga pulis at mga sundalo upang tukuyin ang mga nagmamay-ari ng nasabing kagamitan.

“Ang maagang pagkadiskubre ng mga ito ay isang epektibong paraan upang mapigilan ang karahasan at iba pang opensibang aksyon na maaaring gawin ng mga rebeldeng grupo laban sa gobyerno at maging sa mga inosenteng mamamayan.

Nais kong pasalamatan ang ating mga counterparts sa Philippine Army sa pangunguna ni SOLCOM commander, Lt. Gen. Bartolome VO Bacarro sa kanilang pakikiisa sa ating misyon.

Ang pagkakaisang ito ay ating pinaka-armas upang talunin ang karahasan at patuloy na ilaban ang pagkamit ng isang tahimik na Bicolandia,” ayon kay PBGen. Estomo. (JESSE KABEL)

217

Related posts

Leave a Comment