UMABOT sa 21 ang namatay sa COVID-19 sa Valenzuela City noong Oktubre 15, ayon sa City Health Office-City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).
Batay sa pinakahuling ulat ng CESU, 661 ang active COVID cases sa lungsod matapos na 70 ang gumaling ngunit 72 naman ang nagpositibo sa virus.
Pumalo na sa 34,803 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 33,379 na ang gumaling at 763 ang namatay.
Umakyat naman sa 1,519 ang COVID casualties sa Caloocan City noong Oktubre 15 mula sa 1,512 noong Oktubre 13, o karagdagang pito sa death toll, habang 1,046 ang active cases.
Sumampa na sa 59,158 ang nasapul ng pandemya sa siyudad, at sa naturang bilang ay 56,593 na ang nakarekober.
Wala namang namatay dahil sa COVID sa Malabon City sa nasabing petsa, habang 10 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 20,991 ang positive cases sa Malabon, 159 dito ang active cases.
Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangays Catmon (1), Hulong Duhat (2), Ibaba (2), Longos (1), Tañong (1), Tinajeros (2), at Tonsuya (1).
Habang 28 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Catmon (2), Ibaba (3), Maysilo (5), Niugan (2), Potrero (4), Santulan (1), Tañong (6), Tonsuya (2), at Tugatog (3). Sa kabuuan ay 20,197 ang recovered patients ng Malabon at nanatiling 635 ang COVID death toll.
Wala ring naitalang namatay na COVID patient sa Navotas City at 196 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Oktubre 14 matapos na lima ang nagpositibo sa virus at 33 ang gumaling.
Tumuntong na sa 17,484 ang total COVID cases sa siyudad, at dito ay 16,752 na ang recovered at mapalad na hindi nadagdagan ang 536 na pasyenteng namatay. (ALAIN AJERO)
