KONTRATA NG WATER CONCESSIONAIRES, BUBUSISIIN NA

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

SISIMULAN na ng Senado ang pagbusisi sa kontrata ng mga water concessionaire sa gobyerno.
Aarangkada rin sa pagdinig ang pagbusisi sa panukala sa pagtatayo ng hiwalay na ahensya na mangangasiwa sa mga usapin hinggil sa suplay ng tubig.

Sisimulan ng Senate Committee on Public Services, sa pamumuno ni Senador Grace Poe, ang pagdinig bukas, (December 11).

Ayon kay Poe, pokus ng kanilang hearing ang pagbuo ng central water agency na nakatutok lamang sa suplay ng tubig, sewerage at sanitation.

Katuwang ng Public Services sa hearing ang Senate committees on civil service, government reorganization and professional regulation, ways and means at finance.

“We need a lead agency whose ultimate responsibility would be the provision of adequate and safe water supply, not just for household and commercial needs, but for our farms,” saa ni Poe.

“What we currently have is a fragmented regulatory framework for water that has limited powers, which has a significant impact on the delivery of water and sanitation services in the country,” dagdag pa nito.

Walong panukala hinggil sa pagbuo ng water agency ang nakahain sa Senado nina Senators Poe, Ralph Recto, Franklin Drilon, Lito Lapid at Ramon Revilla Jr.

Tatlong panukala naman ang inihain nina Senators Manny Pacquiao, Francis Tolentino at Ronald dela Rosa para naman sa pagbuo ng Department of Water Resources Management.

Inihayag ni Poe na oportunidad ang hearing upang matalakay ang bawat kuwestiyon hinggil sa kontrata ng mga water concessionaires.

Tiwala naman si Poe na maipapasa nila ang panukala para sa water agency dahil kasama ito sa prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“We want assurance of the people’s right to clean and steady supply of water,” diin pa ni Poe.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment