PAGKO-COMMUTE NG GOV’T OFFICIALS KINONTRA NI GO

bong go55
0

(NI NOEL ABUEL)

HINDI sang-ayon si Senador Bong Go sa panawagan ng isang kongresista na gumamit ng public transport ang mga opisyal ng pamahalaan tuwing araw ng Lunes.

Giit ni Go, sa halip na makabuti ay baka mas lalong magdulot aniya ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang ililikha nito.

Ipinaliwanag pa ng senador na dapat ikonsidera ng lahat na hindi maiiwasan na malalagay sa alanganin ang seguridad ng mga opisyal ng pamahalaan sakaling sumakay ito sa mga pampublikong sasakyan.

Idinagdag pa ni Go na payag naman itong sumakay na lamang ito ng motorsiklo at nagbirong iaangkas nito si Iligan City Rep. Frederick Siao at si Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

“Hindi naman natin maiiwasan na malagay sa alanganin ang seguridad ng mga opisyales ng pamahalaan kung sasakay sa pampublikong sasakyan. Batid naman namin ang problema sa transportasyon,” aniya.

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment