WALANG POWER INTERRUPTION PERO DAGDAG-SINGIL NAKAAMBA

meralco1
0

(NI MAC CABREROS)

TITIMBANGIN ng Manila Electric Company (Meralco) kung itutulak ng yellow alert o pagnipis sa supply ng kuryente sa Luzon grid ang singil sa kuryente.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, hindi pa nila matantiya sa ngayon kung may epekto sa singil sa kuryente ang nasabing yellow alert na  kasalukuyang nakaamba sa Luzon.

“Sa ngayon, medyo maaga pa na sabihin kung ano ang
magiging final impact sa presyo ng kuryente ngayong Abril,” pahayag Zaldarriaga.

Nabatid ng Saksi Ngayon sa Independent Electricity Market Operator of Philippines (IEMOP) na madalas tumataas ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market kapag bumaba ang supply-demand margin o  pagnipis ng produksyong kuryente kumpara sa mataas na demand o pangangailangan ng konsyumer.

Napag-alaman na kabilang sa aspetong sisilipin para
galawin ang singil sa kuryente ang system loss,  bayaring buwis at gastos sa distribusyon.

Kaugnay nito, siniguro ng Department of Energy (DOE) na hindi hahantong sa pagkawala ng kuryente ang maliit na reserba sa Luzon grid.

“Wala po tayong nakikitang power interruption base sa supply kahit may yellow alert,” pahayag Usec Felix William Fuentebella, tagapagsalita ng DOE nitong Huwebes.

Naunang hiniling ni Terry Ridon,  ng Infrawatch PH, sa administrasyong Duterte na maglatag ng karampatang hakbang upang hindi magkaroon ng ng power at water crisis sa bansa.

Nagkaisa naman ang Meralco at DoE sa pahayag na may sapat na supply ng kuryente hanggang Mayo.

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment