4TH AT 5TH VAX SITES SA TAGUIG BINUKSAN

0

UPANG higit na mapabilis at tuloy-tuloy na mapalakas ang COVID-19 Vaccination program ng Taguig City government ay binuksan nitong Miyerkoles, April 7, sa publiko ang 4th at 5th vaccination sites sa Maharlika Elementary School sa Barangay Maharlika at EM’s Signal Village Elementary School na matatagpuan naman sa Barangay Central Signal.

Ang karagdagang community vaccination centers na ito ay makatutulong sa dalawa pang kasalukuyang Mega Vaccination Hubs sa Lakeshore area sa Barangay Lower Bicutan at Vista Mall Parking Building sa Barangay Calzada, at sa kauna-unahang community vaccination center sa RP Cruz Elementary School sa Barangay New Lower Bicutan.

Nagsimulang magbakuna ang lungsod noong March 31 sa mga nakalista sa COVID-19 Vaccine Priority List categories A2 (senior citizens) at A3 (non-senior adults with comorbidities).

Sinimulan na ring magbigay ng Taguig ng pangalawang dose ng bakuna sa mga A1 category (medical frontliners).

Ang Taguig ay patuloy na magbibigay ng bakuna sa mga Taguigeño hanggang sa maubos ang nakuhang suplay mula sa national government.

Inaasahan namang ang inorder ng lungsod na COVID-19 vaccines mula sa AstraZeneca, Covovax, Covaxin, at Moderna ay darating sa third quarter ng taon.

Plano rin ng lokal na pamahalaan na magbukas pa ng karagdagang vaccination hubs upang maabot ang mas maraming residente ng syudad sa programang pagbabakuna laban sa COVID-19.

“Ang bakuna ay isa sa mga paraan upang masugpo ang virus at sa gayon ay tuloy-tuloy na ang lakbay natin patungong new normal,” paliwanag pa ni Mayor Lino Cayetano.

Ang lahat ng residente ng Taguig ay hinihikayat na magrehistro sa TRACE Taguig para sa vaccination schedule. (JESSE KABEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment