APAT NA LALAWIGAN ITINAAS SA ALERT LEVEL 4

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), ngayong Huwebes, Enero 20, 2022, na ilagay sa ilalim ng Alert Level 4 ang Kalinga, Ifugao at Mountain Province sa Cordillera Administrative

Region, at maging ang lalawigan ng Northern Samar.

Sa kabilang dako, ang mga sumusunod na lugar na inilagay naman ng IATF sa Alert Level 3 ay ang:

· Luzon: Apayao, Puerto Princesa City and Masbate

· Visayas: Siquijor

· Mindanao: Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay sa Region 9; Lanao del Norte sa Region 10; Davao de Oro at Davao Oriental sa Region 11; North Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat sa Region 12; Surigao del Norte sa Caraga; at Maguindanao at Basilan sa BARMM.

Ang mga nasabing Alert Levels ay epektibong magsisimula bukas, Enero 21, 2022 hanggang Enero 31, 2022. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment