KYUSI PUGAD NGA BA NG MGA KRIMINAL?

0

PABORITONG pinagtataguan o pugad nga ba ng mga kriminal ang Quezon City?

Napansin kasi ng PUNA na halos araw-araw sa press release na inilalabas ng Quezon City Police District (QCPD) ay puro wanted persons ang mga nahuhuli sa area of responsability nila.

Lalo nitong pagpasok ng bagong pamunuan ni QCPD Director BGen. Danilo ­Macerin.

Marahil sa laki siguro ng nasasakupan nila (Quezon City) na may mahigit isang milyong populasyon at may anim (6) na distrito, ang ­Quezon City ang itinuturing na pinakamalaki at isa sa

pinakamayamang siyudad sa buong bansa.

Isaisahin po natin ang mga nahuling wanted persons ng QCPD.

Sa press release nila nitong nakaraang Martes, Enero 19, 2021, timbog sa Anonas Police Station (PS 9) ang tinawag nilang Station Level Top 10 Most Wanted Person.

Nakilala ang wanted person na si Ramiro Lim, 55-anyos, tubong Pangasinan at residente ng No.14 Ronas Gardin, Brgy. Loyola Heights, Quezon City. Hinuli siya sa bisa ng Warrant of Arrest para

sa kasong Theft na ipinalabas ni Hon. Ira Fritzie C. Cruz-Rojo, Presiding Judge ng Branch 67, Regional Trial Court, Pasig City.

Tiklo rin sa mga operatiba ng Crime Investigation ­Section (CIS) ng QCPD ang District Level Top 6 Most Wanted Person na si Pany Omamalin, 29-anyos, sa pamumuno ni PMajor Elmer Monsalve

dakong alas-2:30 ng hapon noong Enero 19, 2021 sa kanyang bahay sa No. 97 Zone C Pook Ricarte, Brgy. UP Campus, Quezon City.

Siya, ay may Warrant of Arrest para rin sa kasong Theft na inisyu naman ni Hon. Kleto R. Villacorte III, Presiding Judge ng Branch 106, Regional Trial Court, QC, may inirekomendang piyansang P6,000.

May mga nahuling ­wanted persons din ang apat pang istasyon ng QCPD.

Ang mga ito ay ang ­Novaliches Police Station 4 na si Geo Ramyr Cayabyab, 25-anyos at residente ng No. 10E R.P. Gonzales Subd., Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Si Cayabyab ay hinuli ng mga pulis dakong alas-9:20 ng umaga noong Enero 20, 2021 sa may R.P. Gonzales Subdivision, Brgy. San Bartolome na may warrant of arrest para sa kasong Direct Assault upon an Agent of a Person in Authority na may paglabag sa R.A. 11332 na inisyu ni Hon. Analie B. Oga-Brual, Presiding Judge ng Branch 41, Metropolitan Trial Court, Pasig City na may piyansang P36,000.00.

Si Vladimir Lacangan, 35-anyos, residente ng Brgy. North Fairview ay naaresto ng mga operatiba ng Fairview Police Station (PS 5) dakong alas-5:25 hapon noong ­Enero 19, 2021 sa Lot 24, Block 72, Dollar St., Phase 8, Brgy. North Fairview para sa Anti-Photo and Video ­Voyeurism Act of 2009.

Ang warrant of arrest laban kay Lacangan ay ­inisyu ni Hon. Salvador Valencia Timbang, Jr., Presiding Judge ng Branch 253, Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Las Pinas City.

Arestado rin sa Galas Police Station (PS 11) sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Elizabeth Jasmin sa bisa ng Warrant of Arrest si Jonel Garcia, 20-anyos, residente ng Brgy. Damayang Lagi dakong alas-11:50 ng gabi noong Enero 19, 2021, sa kanyang bahay sa No. 203 E. Rodriguez, Brgy. Damayang Lagi, para sa RA 7610 o ang Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act inisyu ni Hon. Cecilyn E. Burgos-­Villavert, ang Presiding Judge ng Branch 89, Regional Trial Court (RTC), National Capital Judicial Region, Quezon City.

Gayundin si Ellel Lewey Lancisco ng Brgy. Holy Spirit dakong ala-1:00 ng hapon noong Enero 19, 2021, sa No. 75 San Roque St. Brgy. Holy Spirit, para sa RA 9003 o ang Implementing Rules and Regulations of the Philippine Ecological Solid Waste Management Act of 2000 inisyu ni Hon. Carlo D. Villarama, ang Presiding Judge of Branch 36, Municipal Trial Court (MTC) Quezon City.
Ang mga nahuling ­wanted person na ito ay ilan lamang sa maraming nahuhuli araw-araw na nagtatago sa Quezon City.

Sa panayam ng PUNA kay Major Elmer Monsalve, hepe ng CIS-QCPD, kaya daw maraming nahuhuling wanted persons dahil sa tulong ng taumbayan.

Ayos naman pala! Ibig sabihin ay unti-unti nang nagtitiwala ang taumbayan sa pulisya. Kaya madaling natuntunton kung saan nagtatago ang mga kriminal.

Magandang pangitain yan kung ganun, sana magtuloy-tuloy na yang pagtitiwala ng mamamayan sa hanay ng pulisya.

Natatandaan ko pa nang maliit pa ko ang tatay ko na dati siyang chief of police iginagalang siya ng tao.

Kahit ang kanyang baril ay cal. 38 ay halos hindi nagagamit dahil sa mga panahon na yun may respeto pa sa pulisya.

Siguro sa mga ­training school ng law enforcers ng bansa ay dapat bigyan halaga ang tinatawag na values. Itanim sa kanilang pag-iisip ang pagrespeto sa mamamayan.

Tiyakin din ang mga nagkasala sa law enforcers na mabibigyan ng parusa tulad ng pinakahuling ginawa ni SSgt. Jonel Nuezaca sa kanyang kapitbahay na mag-ina sa Tarlac at ang mga pulis na protektor ng shabu lab sa may SBMA, Olongapo City kamakailan.

Pagka nagkaganun ­aasahan natin na babalik na ang tiwala ng taumbayan sa pulis.

Ang payo po ng PUNA sa pamunuan ng PNP, pakimonitor nyo po ang inyong mga tauhan na nasibak na serbisyo para malaman nyo kung ano ang kanilang pinaggagawa.
oOo

Para sa suhestiyon at reaksyong mag-email joel2amongo@yahoo.com at ­operarioj45@gmail.com o mag-text sa 0919-259-59-07.

Related posts

Leave a Comment