PRAYORIDAD NATIN ANG KALUSUGAN NG MGA MAMAMAYAN SA RIZAL

FORWARD NOW

PRAYORIDAD natin nga­yon na alagaan ang kalusugan ng mga mamamayan sa Ikalawang Distrito ng lalawigan ng Rizal.

Malinaw ang polisiya ng pamahalaan na bigyang-proteksiyong pangkalusu­gan ang bawat mamamayan na nasasakop nito. Nakasaad sa Section 15, Artikulo II ng Saligang Batas na dapat itaguyod at pangalagaan ng estado ang karapatan sa kalusu­gan ng mga mamamayan at ikintal ang kamalayang pangkalusugan sa kanila.

Kaya naman nitong nakaraang linggo ay dinaluhan ng inyong Lingkod kasama si Rizal Governor Rebecca “Nini” Ynares bilang mga panauhing pandangal ang pagpapasinaya at pagbubukas ng bagong ­Dialysis Hub sa Montalban Municipal Health Office.

Natutuwa tayo na mayroon ng dialysis center ang bayan ng Montalban sapagkat hindi na kailangan pang lumayo o magtungo sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City ang ating mga kababayan para ­maghanap ng dialysis center dahil mayroon na nito sa Montalban.

Nakahanda tayong magbigay ng bagong ambulansiya sa Montalban Dialysis Center para ma­gamit ng mga pasyente. Susuportahan din natin ang modernisasyon ng nasabing institusyon sa pamamagitan nang pagkakaloob ng mga makabagong kagamitan.

Ang ating tanggapan ay makikipag-ugnayan din sa Pamahalaang Bayan ng Montalban upang mapalawak ang ating serbisyong medikal at magbibigay tayo ng “guarantee letter” para sa mga ­pasyente mula sa 2nd District ng lalawigan ng Rizal na gustong sumailalim sa ­dialysis treatment ng ating Municipal Health Office. Sa ganitong paraan, hindi na natin kailangang lumuwas mula sa Montalban para sa pagpapagamot at iba pang serbisyong medikal.

Kabilang sa tinutukan natin ang pagtulong sa a­ting mga kababayan para sa maayos na kalusugan kung saan layunin nating mabigyan ng solusyon ang kakulangan sa gamot at maglaan ng pondo sa mga municipal health centers na ating nasasakupan.

Bukod sa ipinangako natin na bagong ambulansya para sa bayan ng Montalban, bibigyan din natin ng ganitong sasakyan ang iba pang bayan sa 2nd District ng Rizal para ma­gamit ng mga pasyente na kinakailangang dalhin sa ospital.

Pinapayuhan din natin ang ating mga kababayan na iwasan ang pagkain ng maaalat na madalas pagmulan ng iba’t ibang sakit. Ito ay batay na rin sa mga kaibigan nating doktor na ating nakakasalamuha at nakakausap.

 

 

 

 

 

Related posts

Leave a Comment