JESSY PUMATOL SA BASHER SA ‘MANG-AAGAW BF’ ISSUE

jessy mendiola
0

shumo-showbiz copy(NI JONATHAN ANG)

PATOLA si Jessy Mendiola sa akusasyong nanulot siya ng boyfriend ng may boyfriend.

Nagsimula ang halinhinang Instagram comments sa pagitan ni Mendiola at ng isang netizen na tumukoy sa “boyfriend stealer” issue.

Kuda ng netizen: “Baka expected ng basher you will admit to them na inagaw mo si Luis (Manzano) kay Angel before para matahimik na sila sa pamba-bash sa inyo. Ang tao minsan, hindi satisfied sa mga ganyang sagot sa mga patutsada nila, isang malaking sagot bigay mo sa kanila at nasa tao na if maniniwala or hindi para in the end, matahimik na sila kasi may closure na…”

Ang “Angel” na tinutukoy ng netizen ay ang dating girlfriend ni Luis na si Angel Locsin.

Resbak ni Jessy: “Bakit ako aamin ng hindi totoo? ‘Yung mga basher, hindi nila alam ang totoong nangyari. Bakit ako aamin para lang tumigil sila? Para lang manahimik sila?”

“Ilang beses ko nang sinagot sa mga interviews noon ang nangyari, pero naniwala ba sila? Hindi! Kaya dapat ipasa-Diyos na lang ‘yan, nakikita naman Niya ang lahat.”

Humirit pa ‘tong si netizen Aisha at nagsabing alam niyang walang katotohanan ang akusasyong inagaw umano ni Jessy si Luis, kabaliktaran ng iniisip ng bashers.

Pinayuhan siya ni Jessy nang “Hayaan mo na lang maniniwala sila sa gusto nilang paniwalaan.”

Ugat ng “Boyfriend Snatcher” Issue. Ayon kay Jessy, nagsimula siyang ligawan ni Luis noong May 2016, at naging magkasintahan sila makaraan ang isang buwan. Before her, si Angel Locsin ang huling ka-”on” ni Luis. May mga taong inakusahan si Jessy ng pagiging third party at ahas na mariing itinanggi ng aktres dahil alam daw niyang hiwalay na ang dalawa bago siya ligawan ni Luis.

# # #

Bukod sa pagpo-promote ng una niyang pelikula for 2019 (Eerie, that is, showing in cinemas March 27), busy si Bea Alonzo sa paghahanda sa kanyang bagong TV project na malamang na isang love triangle.

Kasama niya kasi ang A Love to Last co-star niya dati na si Ian Veneracion (hot and “papable” pa rin at age 44) plus her newest leading man Richard Gutierrez (35-year-old Kapuso turned Kapamilya since March 2017).

“I’m going to do a teleserye with Richard Gutierrez and Ian Veneracion. Medyo kakaiba ‘yung materyal na ito so we’re training right now. Hindi ko pa masasabi kung kailan siya maipapalabas but soon ia-announce din namin,” bulalas ni Bea.

“This April pa lang mag-uumpisa ang taping. Nagte-training kami for the characters. Medyo physical pero hindi ko pa ma-announce kung anong klaseng training. Masuwerte nga ako na ‘yung nao-offer sa akin na mga materyal, iba-sibang genres,” dagdag pa ng 31-year-old actress.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment