SANYA SA INTIMATE SCENES KAY DENNIS: HINDI MAGSESELOS SI JENNYLYN

0

(By ROMMEL GONZALES)

Sigurado si Sanya Lopez na hindi siya pagseselosan ni Jennylyn Mercado kahit na may intimate scenes sila ni Dennis Trillo sa Cain At Abel.

“Actually… ako po ha, personally, hindi naman po ako natatakot dahil I know na hindi naman ako pagseselosan ni Ate Jen, kasi alam ko po na malawak ‘yung pang-unawa ni Ate… ni Ms. Jennylyn Mer-cado, para pagselosan ako.

“So naniniwala ako na hindi darating na magseselos talaga si Ate Jen sa akin,” says Sanya.

Kahit raw mapanood ni Jen ang kissing scene nila ni Dennis ay wala raw dahilan para magkaroon ng selosan.

“Siguro po maiintindihan naman niya lahat ng nangyayari, kasi I know Ate Jennlyn is a…well, best ac-tress po siya for me, at isa siya sa mga hinahangaan ko. So I think maiintindihan niya ‘yung sitwasyon po talaga namin.”

Masuwerte raw siya na siya ang leading lady ni Dennis ngayon.

“Grabe! Sobrang… until now ‘yun nga po, na-a-amaze pa din ako, na — totoo ba ‘yung nangyayari sa akin ngayon?”

Bago ang Cain At Abel ay sa Haplos napanood si Sanya kasama si Rocco Nacino.

Magkaibigan pa rin daw sila ni Rocco at happy naman raw siya na may lovelife si Rocco ngayon.

“Well, I know na po na meron siyang love life before pa.”

Walang karelasyon si Sanya, pero may mga nanliligaw ba sa kanya?

“Ngayon kasi hanggang kai-kaibigan lang muna, kung manligaw sila, manligaw sila, okay lang, pero hindi ko pa po iniisip na… tingnan natin kung sino ‘yung magtatagal at kayang mag-sacrifice for you, ‘di ba?  Kung sino ‘yung magiging patient.”

Umiwas naman si Sanya na i-reveal kung artista ang nanliligaw sa kanya ngayon.

Masaya naman ang nakatatandang kapatid ni Sanya na si Jak Roberto sa relasyon nito kay Barbie Forteza.

“Happy po ako sa kanya. At ang nakakatuwa kasi sa kanilang dalawa, very barkada lang silang dalawa e. So hindi ka ma-o-OP [out-of-place] pag dumating ‘yung… kahit lagi akong third wheel,” at tumawa si Sanya.

Paano kung biglang magsabi ang dalawa na magpapakasal na ang mga ito?

“E di go! Kung kaya ninyo na, kung kaya ninyo ng mabuhay dalawa, e di go!

“Pero kung hindi pa naman, enjoy-in ninyo muna, huwag muna kayong magmadali. Ibang klase na pag kinasal na kayo, ibang buhay na ‘yun,” payo ni Sanya.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment