HONASAN, SA LOOB NG ILANG BUWAN SA DICT, MAY P300-M SCANDAL

Badilla Ngayon

NAPAKASAMA naman nang nangyayari sa Department of Information and Communication Technology (DICT) sapagkat sa ikaapat na buwan ni dating Senador Gregorio “Gringo” Honasan bilang kalihim ng nasabing kagawaran ay pinuntirya agad niya ang multi-milyong pondo para sa “confidential expen­ses” ng DICT.

Batay sa dokumento ng Commission on Audit (COA), Nobyembre 22 hi­ningi ni Honasan ang unang P100 milyon na gagamitin daw sa confidential expenses ng DICT.

Pagkatapos, dalawang beses muling humingi ng tig-P100 milyon noong Disyembre.

Kaya, P300 milyon lahat ang nakuha niya mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Ayon sa COA, kay Honasan mismo nakapangalan ang paglalabas ng P300 milyon para sa DICT.

Nakasaad sa sulat ni Honasan na ang P300 ­milyon ay gagamitin bilang “confidential expenses in connection with cybersecurity activities” ng DICT.

Ang P300 milyon ay bahagi ng P400 milyong confidential funds ng DICT na naipasok sa kabuuang badyet ng kagawaran para sa 2019.

Nakarating sa media ang iskandalo sa DICT hinggil sa P300 milyon nang ilabas sa media ang pagbibitiw ni Undersecretary Eliseo Rio sa DICT.

Ang pagbibitiw ni Rio ay mayroong kinalaman sa iskandalo tungkol sa P300 milyon.

Ipinahayag ni Rio na “DICT cannot use a confidential fund because it’s not in our mandate to do intelligence and surveillance work.”

Ang kagyat na trabaho o mandato ng DICT ay tiyaking masimulan na ng ‘Dito Telecommunity’ ni Dennis Uy ang operasyon ng kanyang kumpanya bilang ikatlong telecommunication company.

Ang operasyon ng Dito ay siyang inaasahang mag-aalok ng mabilis na internet sa Pilipinas, kaya pinayagan ng administrasyong Duterte na magkaroon ng ikatlong telco.

Sa mahabang panahon na kontrolado ng Smart Te­lecommunications ng pangkat ni Manny V. Pangilinan at Globe Telecoms ng magkapatid na Fernando Zobel de Ayala at Jaime Augusto Zobel de Ayala ang industriya ng telekomunikasyon sa bansa ay masyadong mabagal ang internet.

Sa ganitong suliranin, hindi ko maintindihan kung bakit ang unang inatupag ni Secretary Gringo Honasan ay ang makuha ang P300 milyong pondo para sa confidential expenses ng DICT.

Anu-ano ba ang confidential expenses na ito na matatagpuan sa cybersecurity activities na idinahilan ni Honasan sa pagkuha ng P300 milyon?

Kailangang bang unahin ng DICT ang ‘sikretong pangyayari o ginagawa’ sa cyber-security activities upang magkaroon agad ng P300 milyong pera ang tanggapan ni Honasan?

Nakadidismaya si Honasan sapagkat ilang buwan pa lamang siyang kalihim ng DICT ay naiskandalo na agad ang kagawarang ito dahil sa P300 milyong pera ng pamahalaan.

Tumawag o magtext lang po kayo sa 09985650271

 

Read More

NAILUSOT SA SENADO BAGO BUMABA SI HONASAN; P400-M INTEL FUNDS NG DICT ISININGIT

MISTULANG sinadyang isingit sa Senado ang P400 Million intelligence funds sa Department of Information and Communication Technology (DICT) habang senador pa si Secretary Gregorio Honasan.
Ito ang ipinahiwatig ng mga mambabatas sa Kamara na sumisilip sa nasabing usapin.

Kasabay nito, umapela ang Makabayan bloc sa dalawang kapulungan ng Kongreso na buhayin na ang Congressionl oversight committee para imbestigahan kung papaano ginagamit ang intelligence funds.
Sa House Resolution (HR) 702 na inakda ng 17 kongresista mula sa Minority bloc, sinabi ng mga ito na nagkaroon ng insertion sa Senado sa budget ng DICT na umaabot sa P400 Million.

Sinabi ng grupo sa nasabing resolusyon na “… that the P400 Million confidential funds was inserted in the Senate at the time when current DICT Secretary Gregorio Honasan was still a senator”.

Mula umano sa 2019 budget ng DICT ang P300 Million intelligence funds ng ahensya na nirelease kay Honasan sa tatlong pagkakataon partikular noong Nobyembre 27, Disyembre 2 at Disyembre 17, 2019.
Ginawa ang 2019 national budget noong 2018 habang aktibo pa sa Senado si Honasan hanggang Hunyo 30, 2019 bago ito itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang DICT secretary.

Dahil dito, kailangan umanong imbestigahan ito para malaman kung sadyang isiningit ang nasabing pondo sa DICT bilang preparasyon sa pagpasok ni Honasan sa ahensya.

Bukod dito, dapat umanong malaman kung saan ginamit ang nasabing pondo lalo na ngayong ginagastusan anila nang husto ng gobyerno ang mga grupong pumupuna sa mga maling polisiya ng pamahalaan.

Nabuko ang Intelligence funds na nirelease kay Honasan matapos kumalas o mag-resign si dating DICT acting secretary Eliseo Rio Jr. BERNARD TAGUINOD

Read More

HONASAN LUSOT NA SA CA

(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD)

TULAD ng inaasahan ay walang kahirap-hirap na pumasa sa Commission on Appointments (CA) ang interim appointment ni dating senador at ngayo’y Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan II.

Nagkakaisa ang mga senador na ibigay kay Honasan ang posisyon nito nang walang anumang balakid.

Kabilang sa mga nag-endorso kay Honasan sina Senate Majority Leader Migs Zubiri, Senador Cynthia Villar, Senador Joel Villanueva, Senador Bong Go at Senador Ramon Revilla Jr.

“Secretary Honasan has, so far, 44 years of experience in public service. More than half of which, 21 years, as a senator and the remaining years as a military officer. He served four terms here in this august chamber from 1995 to early this year, during the 17th Congress. He was chairman of various Senate committees including Energy, Labor, Environment, Defense, Public Order and Dangerous Drugs, Agrarian Reform, Sports, Public Information and Mass Media,” sabi ni Villar.

Sinabi naman ni Villanueva na malaki ang tiwala nito kay Honasan na masosolusyunan  ang mabagal na internet sa bansa.

Ayon naman kay Zubiri, kilala si  Honasan bilang ‘trabahador o taumbayan’ at isang tunay na public servant.

Read More

ONLINE COURIER SERVICE KOKONTROLIN NA

honasan44

(NI BERNARD TAGUINOD)

KOKONTROLIN na ng gobyerno ang mga negosyong idinaraan sa internet o social media tulad ng mga courier, freight forwarding services upang maproteksyunan ang mga Filipino consumers.

Sa pagdinig ng House committee on appropriations, sinabi ni Information and Communication Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan, na kailangan nang iregulate ang nasabing mga negosyo.

“Naunahan n’yo lang po kami mag-reveal sa public, but we already noticed this complicated situation. Hindi lang courier and forwarding ang tinitignan natin dito, nandiyan pa ang Angkas at iba pang nauuso,” ani Honasan.

Ginawa ng dating senador ang pahayag matapos buksan ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza ang isyu lalo na ang pagpasok umano ng mga iligal na courier service na pag-aari umano ng mga taga-ibang bansa, sa Pilipinas.

Ayon kay Atienza, panahon na umano para irregulate ang nasabing industriya upang maproteksyunan ang mga consumers at magbayad ang mga ito ng tamang buwis sa Pilipinas.

Base sa report, ayon kay Atienza, ang nasabing industriya ay nagkakahalaga ng P36 Billion at marami ngayon sa mga Filipino ay bumibili ng kanilang mga kailangan sa online subalit wala umanong proteksyon ang mga consumers.

Kabilang umano sa mga kumpanyang ito na nag-ooperate sa Pilipinas ay Ninja Express na pag-aari uano ng Ninja Logistics PTE, LTD na  isang Singaporean corporation.
Kasama rin dito, ayon kay Atienza, ang  J&T, na lisensyado umano ng Department of Trade and Industry (DTI)  subalit hindi aprubado ng DICT at Black Arrow Express na nakalisensya sa Metro Manila subalit may operasyon sa Cebu at Leyte.

“If we need to craft a law to regulate the courier services to protect the consumers and the small-time players in the industry, we will have to do it,” ani Atienza na inayunan naman ni Honasan.

Ireregulate o kokontrolin na ng gobyerno ang mga negosyong idinadaan sa internet o social media tulad ng mga courier, freight forwarding services upang maproteksyunan umano ang mga Filipinong consummers.

Sa pagdinig ng House committee on appropriations, sinabi ni Department of Information and Communication Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan, sinabi nit na kailangan nang iregulat ang nasabing negosyo.

“Naunahan nyo lang po kami mag reveal sa public, but we already noticed this complicated situation. Hindi lang courier and forwarding ang tinitignan natin dito, nandiyan pa ang Angkas at iba pang nauuso,” ani Honasan.

Ginawa ng dating Senador ang nasabing pahayag matapos buksan ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza ang nasabing isyu lalo na ang pagpasok umano ng mga ilegal na courier service na pag-aari umano ng mga taga-ibang bansa, sa Pilipinas.

Ayon kay Atienza, panahon na umano para irregulate ang nasabing industriya upang maproteksyunan ang mga consumers at magbayad ang mga ito ng tamang buwis sa Pilipinas.

Base sa report, ayon kay Atienza, ang nasabing industriya ay nagkakahalaga ng P36 Billion at marami ngayon sa mga Filipino ay bumibili ng kanilang mga kailangan sa on-line subalit wala umanong proteksyon ang mga consumers.

Kabilang umano sa mga kumpanyang ito na nag-ooperate sa Pilipinas ay Ninja Express na pag-aari uano ng Ninja Logistics PTE, LTD na  isang Singaporean corporation.
Kasama din dito, ayon kay Atienza ang  J&T, na lisensyado umano ng Department of Trade and Industry (DTI)  subalit hindi aprubado ng DICT at Black Arrow Express na nakalisensya sa Metro Manila subalit may operasyon sa Cebu at Leyte.

“If we need to craft a law to regulate the courier services to protect the consumers and the small-time players in the industry, we will have to do it,” ani Atienza na inayunan naman ni Honasan.

 

Read More

HONASAN BAGONG DICT SEC     

honasan12

(NI BETH JULIAN)

NANUMPA na kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary si dating Senator Gregorio Honasan.

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pormal na panunumpa ni Honasan para sa kanyang bagong posisyon kaya’t kabilang na rin ito sa Cabinet meeting sa Palasyo.

“Former Senator Gregorio Honasan has joined us in the Cabinet meeting. He took his oath of office before PRRD just before the Cabinet meeting. He is the new DICT Secretary”, ayon kay Panelo.

Ganito rin ang pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea kasama na si Honasan sa Cabinet meeting.

“Took his oath DICT Secretary earlier. He is now in the Cabinet meeting,” ayon kay Medialdea.

Read More

HONASAN DICT APPOINTMENT ‘DI PA OK SA CA

HONASAN-2

(Ni NOEL ABUEL)

HINDI pumasa si dating Senador Gregorio Honasan sa Commission on Appointments (CA) bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, lumilitaw na naby-pass  si Honasan makaraang mabigong aprubahan ng CA ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya bilang permanenteng DICT secretary.

Pinili ni Duterte si Honasan kahit walang sapat at malawak na kaalaman ang beteranong mam-babatas sa komunikasyon at modernong teknolohiya.

Hindi naisalang ang kaso ni Honasan dahil nag-adjourn ang Kongreso nitong Disyembre 14.

Sabi ni Sotto, ang orihinal na plano ay isasalang sa CA si Honasan noong Disyembre 12, subalit biglang nagpatawag ng joint session ang Kongreso para desisyunan ang mungkahing pagpapa-lawig ang martial law ng isa pang taon.

Kaya, hanggang ngayon ay hindi pa kumpirmado si Honasan ng CA.

Read More

BATAS-MILITAR MALABO – HONASAN

(Ni NOEL ABUEL)

Ipinagkibit- balikat ng isang senador ang pangamba ng ilang grupo na posibleng magdeklara ng Ba-tas Militar sa buong bansa.

Pinawi ni Senador Gringo Honasan ang takot na posibleng deklarasyon ng Martial Law sa buong bansa kasunod ng atas ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdagdag ng mga sundalo at pulis sa Samar, Negros at Bicol Region.

Sinabi nito na walang sapat na batayan ang mga pangamba ng deklarasyon ng batas militar sa buong bansa kung saan bahagi lamang ng Konstitusyon ang dapat na masunod.

Ipinaliwanag ng mambabatas na dating sundalo na pangunahing responsibilidad ng gobyerno ang pangalagaan ang law and order sa bansa kaya’t ang lahat anya ng pagdududa ay dapat na maresolba pabor sa proteksyon ng buhay, kalayaan at ari-arian.

“The 1st responsibility of any govt is the preservation of law and order. Fear regarding possible mar-tial law is premature and unfounded. All doubt must be resolved in favor of protection of life liberty property which are now threatened. The President has exercised his duty and prerogative,” paliwa-nag ni Honasan.

Samantala kinontra naman ni opposition Senator Kiko Pangilinan ang kautusan ng Pangulo sa pagsasabing lalo lamang darami ang pang-aabuso ng mga pulis at madadawit pa ang mga sundalo.

Ipinaalala pa ni Pangilinan na sa kasalukuyan ay marami nang pulis ang nadadawit sa rape, murder at robbery at extortion na dapat umanong nireresolba ng gobyerno.

“Sa hanay ng PNP na nanggagaling ang lawlessness. ‘Yan ang dapat pinupuntirya ng administrasyon at hindi ‘yung dagdag na napeperhuwisyo at inaabuso ang ordinaryong mamamayan,” saad ni Pangilinan.

Read More