EX-MAYOR SA CEBU GUILTY SA MALVERSATION

sandigan12

(NI ABBY MENDOZA)

HINATULANG guilty sa kasong malversation ng Sandiganbayan ang dating alkalde ng Daanbantayan Cebu matapos magbigay ito ng financial assistance sa isang organisasyon na hindi dumaan sa Sangguniang Bayan noong 2007.

Sa 30-pahinang desisyon ng Sandiganbayan 7th Divisiom, ipinataw ang anim hanggang walong taon kay Daanbantayan Cebu Mayor Maria Luisa Loot.

Pinatawan din ng dalawa hanggang apat  taong pagkakakulong ang negosyante at dating Councilor na si  Samuel Moralde.

Bukod sa parusang pagkakakulong ay ipinababalik din sa dalawa ang pera  na may interes na 6% kada buwan at diskuwalipikado na ang mga ito na makapagtrabaho sa gobyerno.

Ang kaso ay nag-ugat nang paboran at bigyan ng financial assistance na P500,000 ni Loot ang RBA Quail Raisers Association kung saan chair si Moralde nang walang pag-apruba sa Sangguniang Bayan.

Lumilitaw na loan ang perang ibinigay sa RBA ngunit nabigong magbayad si Moralde dahil nasira din umano ng bagyong Frank ang itinayong negosyo.

Si Loot ay maybahay ng dating police general na si Vicente Loot na matatandaan pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa illegal drugs operation.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More