PORT OF CEBU, STAKEHOLDERS KAPIT-KAMAY

BOC-PORT OF CEBU-2

Kalakalan palalakasin, pasisiglahin

MASIGLANG tinalakay ng Bureau of Customs-Port of Cebu at stakeholders ang mga paraan at proseso upang mas lalo pang mapalakas at mapatatag ang kalakalan sa lalawigan noong Enero 10, 2020.

Ang kanilang pag-uusap ay bahagi ng pinatin­ding ‘trade facilitation efforts’ na pinangunahan ni Port of Cebu District Collector Charlito Martin Mendoza katuwang si Acting Deputy Collector for Assessment Atty. Lemuel Erwin Romero.

Ang dalawang opisyal ng Port of Cebu at nakipag-meeting sa mga kinatawan ng iba’t ibang stakeholders ng Cebu mula sa Therma Visayas, Mabuhay Filcement Corporation, PhilGold Processing and Refining Corporation, Chioson Development Corporation, Kepco SPC Power Corporation, Apo Cement Corporation, Cebu Energy Development Corporation, Taiheiyo Cement Corporation, Ecossential Foods Corporation, and Cagayan Corn Products Corporation.

Nakatakdang makipagkita at makipag-usap din sina Mendoza at Romero sa iba pang stakeholders upang makuha rin ng ideya mula sa mga ito kaugnay sa pagpapalakas ng kalakaran sa Cebu, pagpapalitan ng pangakong kaalaman at pakikipagtuwang  sa mga pangangailangan ng mga pangunahing pantalan sa bansa.

Natalakay sa usapan noong Biyernes ang mga naging problema sa port at ang posibleng kalutasan sa mga naging suliranin at maging ang tamang pro­seso upang mas mapaganda ang kalakaran at mas makapagserbisyo sa bayan. (Boy Anacta)

Read More

SERBISYO, KALAKALAN  MAS PAGAGANDAHIN

BOC Port of Cebu

Stakeholders binigyang importansiya ng BOC Port of Cebu

(Ni BOY ANACTA)

Bilang bahagi nang pagpapaganda at pagsasaayos  ng kalakalan sa Bureau of Customs -Port of Cebu, nagkaroon ng pag uusap sina Acting District Collector Charlito Martin R. Mendoza  at  major port stakeholders nitong nakaraang Linggo.

Kinausap ni Mendoza ang mga kinatawan ng Therma Visayas, Mabuhay Filcement Corporation, PhilGold Processing and Refining Corporation, Chioson Development Corporation, Kepco SPC Power Corporation at Apo Cement Corporation.

Kabilang din sa mga kasama sa meeting ang mga kinatawan ng Cebu Energy Development Corporation, Taiheiyo Cement Corporation, Ecossential Foods Corporation, and Cagayan Corn Products Corporation.

Nabatid na ang iba pang port stakeholders ay naka-scheduled para sa  individual meeting sa sunod na Linggo.

Layunin ng pakikipag-ugnayan na palakasin ang koordinasyon at patatagin ang serbisyong ipinangako sa major stakeholders ng port.

Bukod sa usapin kaugnay sa maayos na serbisyo ng port of Cebu, tinalakay ang proseso sa pag import.

Positibo ang nakuhang reaksyon sa port’s major stakeholders ng BOC sapagkat nagpahayag ang mga ito ng suporta at pakikisa sa implementasyon ng polisiya at pagpapaganda ng serbisyo upang makamit ang totoong paglago ng ekonomiya ng bansa at kalakalan.

Read More

BOC – PORT OF CEBU BALIK TRABAHO

PORT OF CEBU-5

MATAPOS ang magkasunod na holidays – Pasko at Bagong Taon, balik sa normal ang trabaho ng mga opisyal at empleyado ng Bureau of Customs – Port of Cebu.

Noong Lunes, Enero 6, 2020, ginawa ang first flag raising ceremony para sa taon  sa ground ng Port of Cebu ay pinangunahan ni District Collector Atty. Charlito Martin Mendoza.

Kasabay nito, nanumpa sa harap ni Mendoza ang mga opisyal at empleyado ng Port of Cebu na ga­gampanan nila ang kanilang tungkulin nang buong katapatan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mendoza na buong puso niyang tinatanggap ang lahat ng opisyal at empleyado na kanyang nasasakupan subalit kailangang handa ang mga ito sa muling pagbabalik trabaho upang mas maging maayos ang kanilang serbisyo para sa taong 2020.

Ipinagmalaki pa ni Mendoza sa kanilang mga panauhin na handang-handa sila sa panunungkulan.

“Your customs officers are more than ready to serve you this fiscal year,” diin ni Mendoza.

Gayunman, iginiit ni Mendoza na ang BOC-Port of Cebu ay nangangailangan ng kooperasyon at pagkakaisa ng bawat personnel upang magkaroon ng kaayusan  ang pagtupad sa kanilang layunin para sa taong kasalukuyan.

Ang BOC ay nakapagtala ng 12% taas sa koleksyon sa taong 2019 kumpara noong 2018.

(Boy Anacta)Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mendoza na buong puso niyang tinatanggap ang lahat ng opisyal at empleyado na kanyang nasasakupan subalit kailangang handa ang mga ito sa muling pagbabalik trabaho upang mas maging maayos ang kanilang serbisyo para sa taong 2020.

Ipinagmalaki pa ni Mendoza sa kanilang mga panauhin na handang-handa sila sa panunungkulan.

“Your customs officers are more than ready to serve you this fiscal year,” diin ni Mendoza.

Gayunman, iginiit ni Mendoza na ang BOC-Port of Cebu ay nangangailangan ng kooperasyon at pagkakaisa ng bawat personnel upang magkaroon ng kaayusan  ang pagtupad sa kanilang layunin para sa taong kasalukuyan.

Ang BOC ay nakapagtala ng 12% taas sa koleksyon sa taong 2019 kumpara noong 2018. (Boy Anacta)

Read More

‘EFFICIENT AND RESPONSIVE SERVICE’ IPINAGKALOOB SA BOC-PORT OF CEBU

PORT OF CEBU-4

Ipinagkalooban ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ng  Certificate of Commendation bilang ‘effective and responsive’ ang Port of Cebu sa isinagawang Collectors’ Conference noong nakaraang Nobyembre 8, 2019.

Ang Certificate of Commendation ay kaugnay sa  ‘Ports efficient and responsive service to the public through its prompt action to various inquiries and communications thereby making the Bureau accessible to the public’.

Kaugnay nito, umaasa si Port of Cebu District Collector Atty. Charlito Martin Mendoza na dahil sa kanilang nakuhang parangal mula kay Commissioner Guerrero na magsisilbi itong inspirasyon sa Port’s employees na lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang mga trabaho.

Matatandaan, noong Oktubre 29, 2019 ay nagkaroon ng dayalogo ang BOC kasama ng BOC Stakeholders sa Visayas na pinangunahan ng Port of Cebu.

Ang nasabing okasyon na ginawa sa Bai Hotel, Cebu City ay dinaluhan ng 40 importers at customs brokers na nakikipagtransaksyon sa Port of Cebu, Port of Tacloban at Port of Iloilo.

Tinalakay sa dayalogo ay ang ‘parcel tracking system, accreditation system and the National Value Verification System (NVVS)’ na ipinaliwanag nina Atty. Jenny Diokno ng Container Control Unit (CCU), Mr. Lysander G. Baviera ng Account Management Office (AMO) at Atty. Christopher Inducil ng Import and Assessment Service (IAS).

“Remember that, what we at Customs are mandated to do – maintain balance of trade facilitation and security – is so that you, in the business of international trade, have a fair and safe economic ground to do business. So, let this dialogue be a conversation of partners. Contributing partners for improved trade facilitation. Contributing partners for customs reforms mobilization”, ani District Collector Atty. Charlito Martin R. Mendoza sa kanyang opening remarks.

Nauna rito, noong Oktubre 21,  ang Port of Cebu personnel ay isinailalim sa training kaugnay sa Document Tracking System (DTS) at Customer Care Portal System (CCPS).

Ang DTS ay isang online document status tracking system na kung saan ang stakeholders ay mata-track ang dokumento sa real-time sa pamamagitan ng paggamit ng QR code na hindi kailangan ng personal follow-ups.

Ang nasabing mga pamamaraan ng pagpapabilis ng proseso ng Port of Cebu na may transaksyon sa kanila ay nagresulta ng parangal sa kanila ni Commissioner Guerrero. (Boy Anacta)

Read More

UGNAYAN NG BOC PORT OF CEBU, STAKEHOLDERS PINALALAKAS

PORT OF CEBU-2

Upang lalo pang mapataas ang koleksyon ng Bureau of Customs Port of Cebu, pinalakas ng pamunuan nito ang ugnayan sa stakeholders sa Visayas.

Isang diyalogo ang isinagawa noong Oktubre 29 sa Cebu City na kung saan dinaIuhan ito ng 40 importers at customs brokers na nakikipag-transact sa Port of Cebu, Port of Tacloban at Port of Iloilo.

Partikular na tinalakay sa nasabing okasyon ay ang ‘parcel tracking system, accreditation system and the National Value Verification System’  na ipinaliwanag ni Atty. Jenny Diokno ng Container Control Unit, Lysander G. Baviera ng Account Management Office at Atty. Christopher Inducil ng Import and Assessment Service.

Sa diyalogo, nilinaw ang  regulasyon at proseso upang sa gayon magiging maayos ang ugnayan ng Bureau at kanilang stakeholders.

“Remember, that what we at Customs are mandated to do- maintain ba­lance of trade facilitation and security- is so that you, in the business of international trade, have a fair and safe economic ground to do business. So let this dialogue be a conversation of partners. Contributing partners for improved trade facilitation. Contributing partners for customs reforms mobilization”, paliwanag ni   District Collector Atty. Charlito Martin R. Mendoza sa kanyang opening remarks. (Boy Anacta)

Read More

DTS, CCPS TRAINING SA BOC PORT OF CEBU ISINAGAWA

PORT OF CEBU TRAINING-2

Isinailalim sa Document Tracking System (DTS) at Customer Care Portal System (CCPS) ang Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu at Sub-Port nito na Port of Mactan nitong nakaraang Oktubre 17 hanggang 18 ng taong kasalukuyan.

Ang DTS ay isang online document status tracking system na kung saan malalaman ng stakehol­ders  ang totoong kalaga­yan ng kanilang mga dokumento sa totoong oras sa paggamit ng QR code na hindi na mangangailangan ng personal follow-ups.

Ang CCPS naman ay papayagan ang stakeholders na mag-submit ng kanilang concerns, feedbacks at complaints sa BOC electronically.

Ang documents for accreditation ay maaari ring isumite sa pamamagitan ng portal, bawat naka-tag kasama ng kanilang ticket para sa reference at feedback.

Ang implementasyon  ng  sistema ay  bahagi pa rin ng Ten-Point Prio­rity Program ng  BOC partikular sa  pagpapaganda ng information technology system ng ahensya.

Isinagawa ng Customs officers mula sa Management Information and System Technology Group Manila, ang nasabing pagsasanay kasama na ang presentasyon   ng risk management awareness program at system demonstration sa Multi-purpose Hall, Port of Cebu Customs House.   (Joel O. Amongo)

Read More

PORT OF CEBU NAG-INSPECTION SA ABANDONADONG CONTAINERS

PORT OF CEBU

Ininspeksyon ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Cebu sa pangunguna  ni Acting District Collector Atty. Charlito Martin Mendoza ang apat na abandonadong containers na naglalaman ng undeclared goods nitong nakaraang Oktubre 21, 2019.

Kasama ni Mendoza ang mga kinatawan mula sa Plan Quarantine Service at Philippine Coast Guard (PCG) sa ginawang inspeksyon sa apat na abandonadong container vans na idineklarang oranges at naka-consign sa RAS Bacolod, Inc.

Ayon sa report, sa kabila ng abiso, ang claimants/consignee ay hindi naghain ng ‘requisite import entry declaration’ dahilan upang ideklarang abandonado ang nasabing shipments.

Sa ilalim ng Section 1129 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), ang imported article ay inilalagay bilang abandonado kung ang may-ari, importer o consignee ay hindi nagdeklara ng kanilang goods sa itinakdang panahon na nakapaloob sa ilalim ng Section 407 ng CMTA at ito’y kukum­piskahin pabor sa gobyerno.

Gayunpaman, sa isinagawang inspeksyon, ang container vans ay nadiskub­reng naglalaman ng ‘undeclared goods’ ng white onions at carrots.

Ang ilan dito ay idineklarang oranges na kung saan nakalagay sa harapan nito ang nakatagong ‘undeclared goods’ na tinatayang nagkakahalaga ng  P858,000.

Kaugnay pa rin nito, pa­tuloy ang mahigpit na pagbabantay ng pamunuan ng Port of Cebu sa kanilang hangganan upang maiwasan ang pagpasok ng mga ilegal na kargamento sa kanilang nasasakupan.  (Joel O. Amongo)

Read More

UGNAYAN NG PORT OF CEBU AT KOREAN TOURISTS PINALALIM

UGNAYAN

Pinalalim pa ang ugnayan sa pagitan ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Cebu at Korean tourists na patuloy ang pagdagsa sa lungsod.

Ito´y kasunod na rin sa isinagawang pakikipagpulong ni Cebu District Collector Atty. Martin Mendoza sa Consulate ng Republic of China kamakailan na pangunahing tinalakay ay ang kapakanan ng mga Korean tourist na pumupunta sa naturang lungsod.

Partikular na nakipagpulong kay Atty. Mendoza ay si Korean Consul General UHM Wonjae at  Consul and Police Attache OH Young Hun ng Consulate of Korea.

Nangyari ang pagpupulong noong Setyembre 11, 2019.

Tiniyak ni Mendoza na makikipag-ugnayan siya sa Consulate of Republic of Korea sa Cebu para sa kapakanan at kaligtasan ng South Korean tourists.

Ipinaalam din ni Mendoza sa Consul General UHM  ang mga proyekto at reporma na ipinatupad ng ahensya sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

Samantala nagkaroon din ng pagpupulong  kamakailan si Mendoza at  1901st Ready Reserve Infantry Brigade sa pamumuno ni PBrigGen Erik Miguel Espina.

Sa pulong ipinaalam ni Espina ang kanilang aktibidades at community outreach programs.

Nangako naman si Mendoza na nakahanda silang makipagtulungan sa nasabing programa. (Boy Anacta)

Read More

UGNAYAN NG PORT OF CEBU AT STAKEHOLDERS, PINALAKAS

ATTY MENDOZA

Pinalakas ng Port of Cebu at stakeholders ang kanilang partnership para sa pagtupad ng kanilang ‘marching order’  at para sa ikagaganda ng nasabing pwerto.

Nitong nakaraang Hulyo 5, 2019 nakipagkita si Port of Cebu District Collector  Atty. Charlito Martin R. Mendoza sa mga stakeholders, brokers, importers para sa  nagkakaisang hangaring  pagpapalakas ng kanilang ugnayan.

“My marching orders to the personnel of Port of Cebu are the same marching orders I received from Commissioner Guerrero. First, to never allow the Port of Cebu to be used as entry point of illegal drugs, second, to uphold integrity and third, to meet the Port’s collection target,” ayon kay District Col-lector Mendoza.

Dagdag pa ni Mendoza,    “The importance of the collective effort between the port and the stake-holders cannot be overemphasized. Kayo po ang buhay ng ahensyang ito. We can only hit our target with your help and support.”

Kasabay nito, nagbabala naman si Mendoza sa lahat nang dumalo ukol sa mga  magtatangkang guma­mit ng kanyang pangalan para sa business transaction at ilegal  na gawain tulad ng  pangongo-lekta ng pera.

“I will not allow or tolerate corruption in my office. I believe that in order to lead effectively, one must have moral ascendancy,” ayon kay Mendoza

Binanggit pa niya na hanggang sa kasalukuyan ay tinitingnan niya ang pangangailangan sa kanyang ba-gong trabaho sa tulong ng mga stakehol­ders at hardworking men and women ng Port of Cebu.

Matatandaang noong Hulyo 1, 2019 itinalaga ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero bilang ba-gong acting District Collector ng Port of Cebu si Mendoza.

Ang pagtalaga kay Mendoza ay sa pamamagitan ng Customs Personnel Order No. B-55-2019 na may petsang June 13, 2019.

Ang nasabing CPO ay nilagdaan ni Guerrero at inaprubahan ni Department of Finance Secretary Carlos Domiguez III noong 25 June 2019.

Si  Mendoza ay  bar top­notcher, nasa third noong 2004 Philippine Bar Examinations. (Joel O. Amongo)

Read More