1 PANG STAFF NG KAMARA NAMATAY SA COVID-19

ANIM na araw bago ang pagbubukas ng second regular session ng Kongreso, nagtala ang Mababang Kapulungan ng bagong cascualty sa COVID-19.

Sa statement na inilabas ng tanggapan ni House Secretary General Jose Luis Montales, kinumpirma nito ang pagkamatay ng empleyado na nakatalaga sa Bills & Index Service ng Kamara, dahil sa
COVID-19.

“We are deeply saddened to know that he passed away early this morning.

He had been working from home since June 18, but he went to their office last June 29 to submit some documents,” ayon kay Montales.

Nabatid na ang biktima ay 52-anyos na may hypertension na nagpositibo sa COVID-19 noong Hulyo 20 at makalipas ang dalawang araw ay pumanaw na ito.

“May he rest in peace. Our prayers for his loved ones during this difficult time,” ani Montales.

Base sa record ng Kamara, umaabot sa 18 empleyado ng Kapulungan at mga kongresista ang nagpositibo sa COVID-19, pangatlo ang biktima sa namatay mula noong Mayo.

Unang namatay ang isang staff ng Printing Office ng Kapulungan at sumunod ang chief of staff ng isang Luzon Congressmen.

Hanggang sa kasalukuyan ay walang plano ang Kamara na magsagawa ng mass testing sa mahigit 3,000 empleyado ng kapulungan maliban sa mga staff ng mga kongresista.

Sa Lunes ng umaga, Hulyo 27, ay bubuksan ang second regular session ng 18th Congress at sa hapon ay pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasan Pambansa para i-deliver ang kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).

Lahat ng mga dadalo sa SONA ay dadaan sa mandatory COVID-19 kasama na ang mga congressman at senador at iba pang guest na papasok sa loob ng session hall kung saan mag-uulat sa bayan si Duterte. (BERNARD TAGUINOD)

276

Related posts

Leave a Comment