10 luxury cars ipara-raffle ng Casino Filipino

Ginawang mas exciting pa ng Casino Filipino ang paglalaro sa kanilang mga gaming branches sa buong bansa sa paglulunsad ng Luxury Car Raffle Promo kung saan 10 brand-new luxury cars ang ipamimigay.

Nagsimula ang promo nitong nakaraang Abril 1 at tatagal hanggang Hunyo 20, 2026. Ang grand raffle draw ay magaganap sa Hunyo 30, 2026.

Kasali sa pakulo ang lahat ng 18 Casino Filipino branches at satellites nationwide.

Ayon sa Casino Filipino, ang mga kwalipikadong manlalaro ay makakakuha ng raffle tickets bawat buwan batay sa kanilang Total Bets (TB) sa table games o Turnover (TO) sa slot machines at electronic table games (ETG).

Mabibigyan lang ng raffle ticket ang manlalaro base sa kanyang laro kada buwan. Hindi maisasama ang total bets o turnover mula sa mga nakaraang buwan.

Para makasali, kailangang rehistradong Casino Filipino Membership Card holder ang isang manlalaro at hindi diskuwalipikado batay sa mga umiiral na batas o regulasyon.

Kada buwan, makakakuha ng isang raffle ticket ang mga table games players para sa bawat Php1 milyon na TB. Para naman sa regular slot players, isang ticket ang katumbas ng Php500,000 na TO, habang Php1 milyon na TO ang kailangan para sa ETG players.

May 15 raffle cycles ang promo kaya’t mas maraming tsansa ang mga manlalaro na makasali kada buwan. Awtomatikong ige-generate at ibibigay ang raffle tickets buwan-buwan simula ngayong buwan ng Abril.

41

Related posts

Leave a Comment