CAVITE – Patay ang dalawang hinihinalang karnaper makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad sa ikinasang dragnet operation sa Bacoor City sa lalawigang ito.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na dead on the spot sa pinangyariahn ng insidente.
Ayon sa ulat ni P/SSgt. Edison Fetalcurin, dakong ala-1:30 nitong Miyerkoles ng madaling araw nang humingi ng tulong ang biktimang si Rodolfo Manuel Sarte, 27, makaraang puwersahang tangayin ang kanyang motorsiklo ng dalawang armadong suspek sa Molino Boulevard, Brgy. Niog 3 ng naturang lungsod.
Agad nagkasa ng dragnet operation ang mga awtoridad dakong alas-3:00 ng madaling araw ngunit nakipagpalitan ng putok ang mga suspek na nagresulta sa pagkamatay ng mga ito at nabawi ang tinangay na motorsiklo. (SIGFRED ADSUARA)
198
