PASKO SA SENADO; ‘INSERTIONS’ ‘DI GINALAW SA 2019 BUDGET

CONGRESS SENATE1

(NI BERNARD TAGUINOD) SA halip na paggunita sa Biyernes Santo ang mood dahil sa Semana Santa, napaaga ang Pasko ng mga senador dahil lumalabas na hindi ginalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang insertions sa 2019 national budget. Ginawa ni House Appropriations committee chair Rolando Andaya Jr., ang pahayag dahil tila ipinagmamalaki umano ng Senado na nai-veto ni Pangulong Duterte ang kanilang amendment sa 2019 budget at hindi ginalaw ang mga insertions ng Senado na nagkakahalaga ang P83.9 Billion. Base sa mga report, pinirmahan na ni Duterte ang national budget…

Read More

MANILA WATER COO CARPIO NAGBITIW SA PWESTO

carpio manila water

TINANGGAP ng Manila Water Co. Inc. ang pagbibitiw sa pwesto ni Geodino V. Carpio bilang chief operating officer. Si Carpio ay nagsilbi sa kompanya sa nakalipas na 22 taon. Hindi naman sinabi ng Manila Water kung bakit umalis sa kompanya si Carpio, epektibo ngayong Abril 16. Laging bukas sa publiko si COO Carpio kung saan ang pinakahuli ay ang pagpapaliwanag nito sa kawalan ng supply ng tubig sa mga customers sa loob ng halos 10 araw. Papalitan ni Abelardo P. Basilio ang posisyon na babakantehin ni Carpio bilang acting COO…

Read More

DoLE NAGLABAS NG RULES SA WORK-FROM-HOME SCHEME

DOLE12

(NI MINA DIAZ) INILABAS na ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang implementing rules and regulations (IRR) ng  Republic Act 11165 o ang Telecommunicating Act, na pinapayagan ang mga empleyado sa pribadong sektor na magtrabaho sa alternatibong lugar. Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, nakasaad sa ilalim ng mga patakaran na ang isang opsyon sa pamamahala ng karapatan o collective bargaining ay maaring gamitin upang ipatupad ang  work scheme. Kabilang dito ang tamang pagbabayad at ang minimum na oras na pagtatrabaho, overtime pay at karapatan sa leave benefit,…

Read More

‘DAYAAN’ SA OVERSEAS VOTING BINABANTAYAN

overseas12

(NI MAC CABREROS) NAGPAABOT ng agam-agam ang mga Filipino sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) sa posibilidad na magkaroon ng dayaan sa ginaganap na overseas absentee voting. Sa Facebook post ni Juan Carlo na nai-share ni Roberto Baluyot, ng Duterte and Marcos Unite Supporters, pumalya umano ang makina ng Commission on Elections (Comelec) sa Jeddah, KSA. “Pangalawang araw pa lang ng absentee voting sa Jeddah, KSA, sira na ang PCOS machine, ayaw kainin ang balota namin,” post ni Juan Carlo. Sinikap nilang kunan ng litrato ngunit pinagbawalan umano sila ng…

Read More

CAGAYAN MAYOR, VICE MAYOR, SABIT SA P4.9-M GRAFT

sandigan12

(NI ABBY MENDOZA) DAHIL sa pagbili ng mga P4.9 milyon abono na hindi idinaan sa public bidding noong 2004, kinasuhan ng Sandiganbayan ang alkalde, bise alkalde  at 9 na iba pang opisyal ng Tuao, Cagayan. Ayon sa Sandiganbayan nagkaroon ng sabwatan sina Tuao Mayor Francisco Mamba Jr. Vice Mayor William Mamba, administrator Frederick Baligod, municipal treasurer Rodolfo Cardenas, administrative assistants Merlinda Dayag at Jose Palacpac, accounting clerk Anabel Turingan, agricultural officer Teresita Espinosa, clerk Juliana Filipina Padilla, at agricultural technologists Leticia Acob at Petra delos Santos, para sa pagbili ng…

Read More

BATAS KONTRA FOREIGN WORKERS IPINAMAMADALI SA SENADO

chinese22

(NI BERNARD TAGUINOD) UMAPELA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Senado na ipasa na ang panukalang batas kontra sa mga foreign workers na dagsa ngayon sa Pilipinas. Ayon kay PBA party-list Rep. Jericho Nograles, naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara noong Nobyembre 11, 2018 ang House Bill 277 para amyendahan ang ilang probisyon sa Labor Code subalit hindi pa ito naipapasa sa Senado. Sa ilalim ng nasabing panukala, palalakasin ang regulasyon sa pag-empleyo ng mga foreign nationals upang maproteksyunan ang mga manggagawang Filipino na…

Read More

DFA CONTINGENCY TEAMS IPINADALA NA SA LIBYA

libya12

(NI ROSE PULGAR) NAGPADALA na ng contingency team ang Department of Foreign  Affairs (DFA) sa bansang Libya upang saklolohan ang mga Pinoy doon na naipit sa giyera makaraang itaas sa alert level 3 ng Embahada ng Pilipinas ang kaguluhan sa Tripoli. Ayon sa DFA, dalawang team ang kanilang ipinadala sa Libya at ang una ay  pinangunahan ni Executive Director  Enrico Co,  ng Office of Migrant Workers Affairs (OMWA) na dumating noong Sabado  sa Libya. Ang ikalawang team ay pinangunahan naman ni Director Irish Arivas, na dumating naman Lunes ng hapon. Nabatid pa sa DFA na sa  ngayon…

Read More

SUPORTA KAY BATO LUMOBO

BATO DELA ROSA-1

Kabuteng nagsulputan sa lansangan ang mga batong may #24 Patuloy sa pagkabig ng suporta si dating Philippine National Police (PNP) director general at kandidatong senador Ronald “Bato” Dela Rosa. Naging “evident” ang pagdami ng suporta dahil halos mabalot na ng bato na may #24, na siyang numero ni Dela Rosa sa balota, ang mga pangunahing lansangan sa bansa, partikular sa Metro Manila hanggang sa mga lalawigan ng Visayas at Mindanao. Napag-alaman na ang mga bato ay nakahilera sa mga pangunahing lansangan ng mga matataong lugar tulad ng Commonwealth at Quezon…

Read More

PALAYAIN SINA JOHN ARLEGUI AT REYNALDO REMIAS, JR!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

MARIING pinapanawagan ng Bayan Muna ang kagyat na pagbabasura sa mga gawa-gawang kaso at pagpapalaya kina John Griefen Arlegui, 20, at Reynaldo Remias Jr., 24, na dinukot ng mga hinihinalang ahente ng estado habang nangangampanya para sa Bayan Muna at kay Neri Colmenares sa Angat, Bulacan. Inilitaw sila sa CIDG-Malolos matapos ang dalawang araw, at kinasuhan sila ng kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Act. Ayon sa mga saksi, ang dalawa ay pilit na ipinasok sa loob ng pulang kotse na walang plaka ng mga…

Read More