PROBLEMA ULIT SA TUBIG NAKAUMANG SA METRO

angatdam12

(NI ABBY MENDOZA) NGAYON pa lamang ay inaabisuhan na ng  National Water Resources Board (NWRB) ang mga residente ng Metro Manila na magtipid ng tubig at ugaliin din ang pag-iipon sa harap na rin ng inaasahang pagbaba sa critical level ng tubig sa Angat Dam. Ayon sa NWRB bago matapos ang buwan  ng Abril ay bababa ang antas ng tubig sa Angat Dam at kapag nangyari ito ay  apektado ang magiging supply ng tubig sa Metro Manila. Sinabi ni NWRB executive director Dr. Sevillo David na 96 porsiyento ng supply ng…

Read More

PALAWAN HINATI SA 3 LALAWIGAN; PIRMADO NA NI DU30

palawan12

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas kung saan hahatiin sa tatlong lalawigan ang Palawan. Sa ilalim ng batas na nilagdaan ng Pangulo noong Abril 5 at isinapubliko lamang nitong Sabado,  ang Palawan ay hinati sa tatlong lalawigan – Palawan del Norte, Palawan Oriental at Palawan del Sur. Ayon sa Republic Act 11259, ang probinsiya ng Palawan del Norte ay kabibilangan ng munisipalidad ng Coron, Culion, Busuanga, Linacapan, Taytay and El Nido. Ang munisipalidad ng Roxas, Araceli, Dumaran, Cuyo, Agutaya, Magsaysay, Cayancillo, at San Vicente ay maisasama naman sa…

Read More

PINOY SA LIBYA SAPILITANG IUUWI

libya120

(NI DAVE MEDINA) KASADO na ang sapilitang pagpapauwi sa bansa ng mga Filipino na nasa Libya na napipintong maipit nang lumalawak na military at civil unrest sa naturang bansa. Nauna rito ay itinaas na ng  Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa  Alert Level 4  dahil sa paglala pa ng kaguluhan sa Libya. Tiniyak  ng gobyerno  ng Pilipinas  ang kahandaang magpatupad ng mandatory repatriation simula sa Martes Santo sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Libya. Samantala, sinabi naman ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III…

Read More

21 KALYE SA MAKATI SARADO SA HOLY WEEK

MAKATISAKSI12

(NI ROSE PULGAR) NASA 21 kalye sa lungsod ng Makati ang isasara  (Abril 14) bilang paghahanda sa tradisyon na pagtatayo ng kubol o tinatawag na kalbaryos para sa Semana Santa. Ayon sa pamahalaang lungsod ng Makati, isasara ang mga kalye simula alas-6:00 ng umaga ng Linggo ng Palaspas hanggang alas-10:00 ng gabi sa Linggo ng Pagkabuhay Abril 21. Ang mga isasarang kalye ay ang mga sumusunod Gen. Luna Street (mula P. Burgos Street hanggang Mercado Street) – Enriquez Street (mula Don Pedro Street hanggang Fermina Street) – San Marcos Street…

Read More

PAGREBISA SA KASO VS MAYOR BALDO MALABO NA

baldo200

(NI NICK ECHEVARRIA) WALA nang magagawa ang Philippine National Police (PNP) para rebisahin ang kaso ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo dahil nakasampa na ito sa korte. Ito ang ipinahayag ni PNP Chief General Oscar Albayalde, aniya hindi na nila ito maaaring panghimasukan at bahala na ang korte na sumuri sa mga ebidensya na isinumite ng pulisya laban kay Baldo. Sinabi pa ni Albayalde na tanging ang hukuman na lamang ang makapagde-desisyon sa kahihinatnan ng kaso ni Baldo na itinuturong mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe. Reaksyon…

Read More

ALBAYALDE:  KREDIBILIDAD NG PNP SINISIRA SA FAJARDO KIDNAPPING

pnp1

(NI  NICK ECHEVARRIA) GUSTO lamang i-discredit o wasakin ng mga suspek na dumukot sa negosyanteng si Allan Fajardo, dating aide ng pinaslang na alkalde ng Tanauan, Batangas na si Antonio Halili, ang kredibilidad ng pulisya at militar. Ito ang mariing ipinahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde sa isang press briefing sa Camp Vicente Lim sa Laguna nitong Biyernes. Ipinaliwanag ni Albayalde na maaaring sinadyang magsuot ng mga  vest na kahalintulad ng mga ginagamit ng mga awtoridad sa kanilang operasyon para sirain ang imahe ng PNP, Armed…

Read More

‘SURROGATE PREGNANCY’ RAKET NABISTO: 2 PINAY NAHARANG

bianaia12

(Ni FRANCIS SORIANO) TULUYAN nang naglaho ang malaking kita ng dalawang Pinay na gagawing surrogate mother matapos itong maharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng Inter-Agency Council Against Trafficking ng Bureau of Immigration (BI). Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dalawang suspek na sina Ria, 32, at Alyas Ellie, 28, na pasakay sana ng Cebu Pacific flight na papuntang Hongkong. “They immediately confessed during interview that they were actually bound for China where their services as surrogate mothers were engaged for a fee of P300,000,” ani Morente. Ayon pa kay…

Read More

SEGURIDAD HINIGPITAN; 11-K PULIS IKINALAT NA SA SEMANA SANTA

pnp120

(NI MAC CABREROS) HINIGPITAN ng mga awtoridad ang seguridad sa mga paliparan, daungan, terminal ng bus at jeep sa Metro Manila bilang hakbang sa pagdagsa ng ating kababayan na maglalakbay ngayong Semana Santa na magsisimula ngayong araw ng linggo  (Abril 14) o Linggo ng Palaspas. Ipinakalat na ni National Capital Region Police Office director, Major General Guillermo Eleazar, ang 11,000 pulis na magbabantay sa mga istratehikong lugar kasama na rito ang mga simbahan at pilgrimage sites, malls at maging residential areas. Kinansela na rin Eleazar ang leave ng mga pulis…

Read More

52 BGY OFFICIALS KINASUHAN SA PARTISAN POLITICS

COMELEC12

(NI JEDI PIA REYES) IPINAGHARAP ng reklamo ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Commission on Elections (Comelec) ang 52 opisyal ng barangay na nasasangkot umano sa partisan political activities. Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, ang mga inireklamo ay ang mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan na aktibong nangangampanya para sa mga kandidato ng halalan sa Mayo 13. “Ito ay transmittal of complaints galing sa ating mga kababayan na laban mga barangay captain to [Sangguniang Kabataan] officials na nakikisali nang lantaran sa kampanya starting last…

Read More