(NI LOURDES C. FABIAN) PAGKATAPOS ibuko ni Arci Munoz na nagkakamabutihan na sina Ria Atayde at JM De Guzman, nagsalita na rin ang nakababatang kapatid ni Arjo Atayde sa tunay na relasyon nila ni JM. Hindi talaga tinantanan ng mga press people si Ria tungkol sa tsismis na may something sila ni JM. Pero pagdidiin ni Ria na close friends lang daw talaga sila ni JM dahil sa small group nila sa showbiz kung saan nagha-hang-out-hang-out daw sila. Hindi rin niya direktang maamin kung nanliligaw sa kanya ang aktor pero nang…
Read MoreMonth: April 2019
SIBAKAN SA GOBYERNO BAGO ANG CHINA TRIP NI DU30
MARAMING tiwaling opisyal ng gobyerno ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte bago siya magtungong China para sa isang infrastructure forum. Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban campaign rally sa Bacolod City, sinabi ng Pangulo na hindi siya mangingiming ubusin ang kanyang mga tauhang corrupt. Nasa Beijing ang Pangulo mula April 26-27 para sa Belt and Road forum. Paulit-ulit na iniaanunsiyo ng Pangulo ang planong pagsibak sa mga opisyal na sangkot sa iba’t ibang katiwalian at isinasapinal na ang mga ito. Hindi idinetalye ng Pangulo kung sino at saan ahensiya ang apektado…
Read MorePAGPALYA NG 6 NA POWER PLANTS, SINADYA?
(NI MAC CABREROS) AALAMIN ng Electric Power Industry Management Bureau at Philippine Competition Commission kung sinadya o hindi ang biglang pagpalya ng mga planta ng mga power producers. Kasabay ito ng pananatiling nasa red alert ang supply ng kuryente sa Luzon Grid, inihayag ng Department of Energy, Biyernes ng umaga. Ayon kay Mr. Mario Marasigan, director ng Electric Power Industry Management Bureau, inaasahang hihigpit ang produksyon dahil sa pagpalya ng anim na power plant. “Hindi lang po talaga natin inaasahan na magkaroon ng unplanned na pagpalya ng mga planta,” pahayag Marasigan.…
Read MoreISDA PALIT ALAK, YOSI, NOODLES SA WEST PHIL SEA
(NI MAC CABREROS) IBINALIK ng mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea ang tradisyunal na kalakalan – ang barter trade o pagpapalitan ng produkto bilang bentahan na walang sangkot na pera. Sa impormasyong nakalap ng Saksi Ngayon, ipinapalit ng mga mangingisda ang kanilang huling isda sa produkto ng mga Chinese gaya ng alak, sigarilyo at noodles at kung minsan ay isda. “Mas mabuti na ito kesa kinukuha na lamang na walang bayad ng mga Tsino ang aming huli,” pahayag ng isang mangingisda. Kuwento nito na inaakyat ng mga Tsino ang…
Read MoreDFA SA PINOY SA TRIPOLI: UMUWI NA KAYO NG PINAS!
(NI ROSE PULGAR) NANAWAGAN nitong Huwebes ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy na lisanin na ang Tripoli at Libya at hinimok na kagatin ang alok ng pamahalaan na umuwi na ang mga ito sa Pilipinas dahil sa patuloy na kaguluhan na nagaganap sa nabanggit na bansa. Sinabi ni DFA Chargé d’Affaires Elmer Cato, hinimok nila ang mga Pinoy na naka base sa Tripoli at Libya, na magboluntaryo na silang makipag-ugnayan sa mga kinatawan ng pamahalaan para sa proseso ng kanilang mga dokumento para makauwi sa Pilipinas bago pa man lumala ang…
Read MorePAGLISAN NG CHINESE VESSELS INAASAHAN NG PALASYO
(NI BETH JULIAN) KUMPIYANSA ang Malacanang na magiging positibo ang China sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na lisanin ng mga Chinese vessels ang Pagasa Island at iba pang isla na sakop ng Pilipinas. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malinaw ang posisyon ng Pangulo nang sabihin nito handa siyang makipag kaibigan sa China pero hindi dapat galawin ng mga Chinese ang Pagasa Island at iba pang teritoryo ng bansa. Binigyan-diin pa ng Pangulo, ayon kay Panelo, na kung magpapatuloy pa ang aktibidad ng China ay nakahanda ang mga sundalo…
Read More‘GALAWANG PULIS’ SA NUVALI ABDUCTION, INALMAHAN
(NI NILOU DEL CARMEN) UMALMA ang Laguna police sa mga espekulasyon na mga pulis umano ang sangkot sa pagdukot sa dating aide ng Tanauan City mayor na si Allan Fajardo. Ayon kay Laguna police director. PCol. Eleazar Matta, “unfair” sa mga kapulisan ang paratang dahil kahit sino anya ay pwedeng kumilos katulad ng ginawa ng mga armadong kalalakihan sa nangyaring pagdukot. “Kahit mga NBI, PDEA, mga sundalo at kahit mga security guard ay kayang gawin yun” ayon kay Matta. Ang pahayag ni Matta ay kaugnay sa CCTV video na kuha sa…
Read MoreTATAAS NA NAMAN ANG SINGIL SA KURYENTE!
Nagbabadya na naman ang mas mataas na singil sa kuryente ngayong buwan dahil sa tinatawag nilang “Yellow Alert” na anim na ulit nang idineklara sa loob lamang ng buwan ng Abril. Dapat talagang maging listo ang mga consumer tuwing naglalabas ng babalang Yellow Alert ang Meralco dahil sa kadalasan ay hudyat ito na itataas ang singil ng kuryente dahil umano sa pagbaba ng supply. Ang ginagawa ng ibang mga power players ay iuulat na sabay-sabay nasisira ang mga planta ng kuryente para sa pagtataas nila ng presyo. Noong 2013, naghain…
Read MoreESTRATEHIKONG PROGRAMA SA MGA ATLETANG PINOY
Pilipinas ang host country ng 30th Southeast Asian Games na magaganap sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa may 39 na game venue sa Subic Freeport, New Clark City, Tagaytay at Metro Manila. Huling nag-host ng SEA Games ang Pilipinas noong 2005 at sa 2019 SEAG ay 56 na sports at 523 events kung saan inaasahang hahakot ng mga medalyang ginto ang mga atletang Filipino para muling makuha ang pagiging Top 3 sa medal tally. Philippine Sports Commission ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na nag-aalaga sa mga manlalarong Filipino at…
Read More