PROTOCOL SA BOMB THREAT, INILATAG SA SCHOOL OPENING

eleazar12

(NI NICK ECHEVARRIA) NAGLATAG ng tamang protocol ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para maiwasang mag-panic ang libu-libong mga estudyante na magbabalik eskwela sa June 3  sa Metro Manila, sakaling may mga bomb threat sa kanilang mga paaralan. Ayon kay NCRPO chief, P/Major Gen. Guillermo Eleazar, kabilang sa inilatag na protocol ang pagkakaroon ng contact person o marshal sa mga school na siyang sasagot kung may mga tawag ng bomb threat, magde-determina at magko-cordon sa lugar na itinuturo ng caller na kinalalagyan ng bomba at  magre-report sa pinakamalapit na istasyon ng pulis. Inalerto na rin…

Read More

300 BRAND NG SUKA SINUSURI NG DoH SA SYNTHETIC ACETIC ACID

suka12

SINUSURI na ng Department on Health (DoH) ang 300 local at imported na brand ng suka na ibinebenta sa bansa upang mabatid kung gumagamit ang mga ito ng banned na kemikal sa kanilang produkto. Ang pagsusuri ay ginawa ilang linggo makalipas ibunyag ng Philippine Nuclear Research Institute na nagtataglay ng nakalalasong kemikal na synthetic acetic acid ang mga suka na ibinebenta sa merkado. Natuklasan din na 80 porsiyento ng mga suka sa pamilihan ay hindi gawa sa mga natural na sangkap. Prayoridad ng ahensiya ang mga local brands na ibinebenta…

Read More

KOREAN TOURISM AMBASSADOR PALA SI SUE

(NI ROMMEL GONZALES) KOREAN ambassador pala si Sue Ramirez? “Korean Tourism Ambassador po, for the Philippines since 2016. “Galing po ito kay ate Jessy Mendiola, and nung natapos na po ‘yung contract n’ya, they looked for another na puwede pong kapalit. “My duty po is that every time they have events, I have to be present, and I have to perform. And ‘yung pinakamalaking responsibility I think na pinakamadaling gawin for me kasi ang mga Pilipino napakahilig na po natin talaga sa anything Korean: K-pop, K drama, K beauty. Kailangan…

Read More

JOKIC HIGANTENG SAKIT NG ULO NI GUIAO

denver1

(NI JOSEPH BONIFACIO) TIYAK na madaragdagan ang puting buhok ni coach Yeng Guaio sa papalapit na kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup sa China. Dahil kinumpirma ni Denver Nuggets star center Nikola Jokic na lalaro siya para sa mother country niyang Serbia sa nasabing prestihiyosong quadrennial world basketball championship sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15. “I am very pleased with everything I did in the NBA this season, I had a great year in which I performed at the All-Star Game and was selected…

Read More

P124-M SHABU NASAMSAM SA PANGASINAN; 4 CHINESE ARESTADO

shabu211

APAT na Chinese nationals ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation matapos ang dalawang araw na surveillance at nakasamsam ng may 19 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga umano ng P124 milyon sa Pangasinan. Ang operasyon ang itinuturing na pinakamalaki sa buong Ilocos Region, ayon kay Diosdado Araos, agent in charge ng NBI-Laoag District Office. Kinilala ang apat na sina Lu Jun, Zuo Sheng Li, Li Yu at Ye Ling. Natuklasan pa na peke ang pasaporteng gamit ni  Li Yu habang ililipat naman sa Bureau of Immigration…

Read More

FASHION FORWARD: ESTILO TUWING UMUULAN

rainy fashion

(NI ANN ESTERNON) AYON sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, hindi pa opisyal na nagsisimula ang tag-ulan pero natural lang ang nararanasang pag-ulan o ang thunderstorms. Madalas ang thunderstorms sa buwan ng Mayo ayon sa historical data ng naturang ahensya. Ito ay dahil kapag ang panahon ay sobrang init, ang mainit at moist air ay mabilis na umaakyat, nako-condense at bumubuo ng cumulonimbus o thunder clouds kaya nagkakaroon ng pag-ulan. Anyway, ngayong nag-uuulan, parang bitbit nito ang hassle sa pagporma o kahit ang simpleng pananamit lang…

Read More

ADVISORY COUNCIL BINUO PARA SA KAPAKANAN NG MGA OFW

AKO OFW

Pagkatapos ng halos dalawang taon na paghihintay matapos ang OWWA Selection Committee panel interview noong Hunyo 2017, ay pormal na akong manunumpa sa Malacañang sa harap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang bagong miyembro ng Board of Trustee ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Taliwas sa inaakala ng maraming OFW, ang pagiging isang miyembro ng Board of Trustee ay hindi isang hanapbuhay na maituturing, dahil wala naman itong regular na sweldo na matatangap. Ang tanging kagustuhan ko lamang o inte¬res sa pagiging miyembro nito ay upang masiguro na maririnig ang…

Read More

MAGSASAKA UMIIYAK NA SA BAGSAK PRESYO NG PALAY

POINT OF VIEW

Nitong mga nakalipas na linggo ay may mga nababasa tayong mga artikulo at balita tungkol sa hinaing ng ating mga lokal na magsasaka kaugnay sa pagbaba ng buying price ng palay sa bansa. Medyo natabunan ang isyu dahil sa nakapokus tayo sa katatapos lamang na May 13, 2019 midterm elections. Base sa kanilang  mga reklamo, nitong katatapos na anihan, ang presyo ng  palay ay binibili na lamang sa kanila ng P14 per kilo ng National Food Authority (NFA), mula sa dating P16 kada kilo noong hindi pa ipinatutupad ang Rice…

Read More

AYUDA PARA SA MGA FILIPINONG INA

Psychtalk

(Ikalawang bahagi) Bilang bahagi ng patuloy na pagtataguyod at pag-aangat sa kalagayan ng mga Filipinong nanay, ninanais na dagdagan ang bilang ng maternity leave ng mga nanganganak na kababaihan. Mula sa dating dalawang buwan, ninanais ng nakahain na bill sa Senado na bigyan ng 120 araw na maternity leave ang mga nanay, kasal man sila o hindi. Para sa mga single parents, sila ay nila-layong bigyan ng 150 na araw ng maternity leave. Kung nanaisin pa ng isang nanay na dagdagan ang leave dahil kinakailagan, maaari pang mag-file ng karagdagang…

Read More