PILIPINAS NO. 1 PA RIN SA BUDGET TRANSPARENCY SA SOUTHEAST ASIA – Batay sa survey sa panahon ng liderato ni DBM Sec. Pangamdaman

NAGAWANG mapanatili ng Pilipinas ang pagiging number one sa Southeast Asia pagdating sa budget transparency, batay sa pinakahuling Open Budget Survey (OBS).

Ang OBS ay isang pandaigdigang pagsusuri na sumusukat sa antas ng transparency, accountability at public participation ng mga pamahalaan sa 86 bansa sa buong mundo.

Isinagawa ang survey noong 2025 sa panahon ng panunungkulan ni dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman.

Batay sa resulta, nakamit ng Pilipinas ang ika-10 puwesto sa buong mundo at nanatiling nangunguna sa Southeast Asia matapos makakuha ng fiscal transparency score na 76 sa kabuuang 100 puntos.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na nanguna ang bansa sa rehiyon matapos ding makuha ang naturang pagkilala noong 2023 sa ilalim ng liderato ni Pangandaman.

Ang Open Budget Survey ay kinikilala bilang tanging independent at comparative assessment ng central government budget accountability sa buong mundo at pinangangasiwaan ng International Budget Partnership (IBP).

Layunin nitong suriin ang mga proseso ng pambansang badyet upang masukat at mapalakas ang mahusay na pamamahala at pananagutan ng mga pamahalaan sa iba’t ibang bansa.

Ayon sa mga opisyal, ang pagkilalang ito ay hindi lamang tagumpay ng dating DBM chief kundi karangalan din ng Pilipinas at ng bawat Pilipino.

80

Related posts

Leave a Comment