(NI NICK ECHEVARRIA) UMAABOT sa 800,000 mga kawani ng gobyerno at mga National Government Office (NGOs) ang itinalaga para mangalaga sa ikatatagumpay ng nalalapit na 2019 midterm elections sa Lunes. Sa isinagawang send-off ceremony, Martes ng umaga sa Camp Gen. Emilio Aguinaldo, pinakamalaki rito ang bilang ng mga guro mula sa Department of Education (DepEd) na may kabuuang 500,000 para magsilbing mga Board of Election Inspectors (BEI). Sa panig naman ng Philippine National Police (PNP), nasa 1,404 na mga pulis ang sinanay na handang pumalit bilang BEI sakaling may mga…
Read MoreMonth: May 2019
BILANG NG OFWs NA MAY HIV MAS DUMAMI
(NI BERNARD TAGUINOD) SA halip mababawasan, lalo pang dumami ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nabibiktima ng Human Immunodeficiency Virus (HIV). Ito ang nabatid kay House deputy minority leader John Bertiz matapos umabot sa 88 OFWs ang natuklasang mayrong HIV noong Pebrero 2019 o mas mataas ng 22% kumpara sa 72 na nairekord noong Pebrero 2018. “The February cases brought to 6,433 the cumulative number of OFWs found living with HIV since the government began passive surveillance of the virus in 1984,”anang mambabatas. Mula taong 1984, umaabot na sa…
Read MorePYTHON SNAKE PAPUNTANG MALAYSIA, HULI SA LOOB NG SPEAKER
(NI FROILAN MORALLOS) NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kargamento kung saan nakapaloob ang buhay na python snake, na itinago ng may-ari sa loob ng bluetooth speaker. Ang nasabing kargamento ay papuntang Malaysia at na-intercept ito ng mga taga-Customs pagdaan sa x-ray machine noong Mayo 5. Nabatid na umaabot sa 20 inches ang haba ng python at ayon sa mga ito umaabot pa ito hanggang 32 ang haba kung saan kaya nitong kumain ng tao o mga hayop na lumalapit…
Read MorePAGTAAS NG PRESYO NG KARNE NG BABOY ASAHAN
(NI DAHLIA S. ANIN) DAHIL sa epekto ng African Swine Fever (ASF), asahan na umano ang pagtaas ng pressyo ng karne ng baboy sa mga susunod na buwan, ayon sa Meat Importers and Traders Association (MITA). Pinakaapektadong bansa ang China ng ASF, na siyang pinakamalaking pork producer sa buong mundo. Kaya naman upang masiguro umano ng China na sapat ang kanilang suplay ay binibili nila ang lahat ng imported na karne sa buong mundo, ayon sa MITA. Ilan sa mga inaasahang tataas ang presyo ay ang imported na ham, tocino,…
Read MoreDU30 NANINDIGAN; ‘DI TAPUNAN NG BASURA ANG ‘PINAS
(NI BETH JULIAN) MAGHIHIPIT na nang todo ang administrasyong Duterte para matiyak na wala nang makapapasok na basura sa Pilipinas mula sa kahit anong bansa. Ito ay matapos manindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi garbage collector ang Pilipinas kaya’t hindi na kailanman nito papayagan ang anumang bansa na gawing basurahan ang Pilipinas. Sa pagdalo ng Pangulo sa 37th Cabinet Meeting Lunes ng gabi sa Malacanang, ipinag-utos na nito sa lahat ng sangay ng gobyerno na huwag nang pumayag na tumanggap ng basura o anumang waste material mula sa ibang…
Read MoreSINGIL SA KURYENTE BABABA SA MAYO
(NI KEVIN COLLANTES) MAGANDANG balita dahil mababawasan ng mahigit 27 sentimo kada kilowatt hour (kwh) ang bayarin ng mga consumers ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Mayo. Ayon sa Meralco, ang pagbaba ng kanilang singil ng kabuuang P0.2728/kwh ay dulot nang malaking bawas sa singil sa generation charge, suplay ng mga kakontratang planta, transmission charge at iba pang mga buwis. Ipinaliwanag pa ng Meralco na bagamat P3.53/kwh ang itinaas ng presyo sa spot market ay na-offset naman ito nang mas mababang rate ng Independent Power Producers (IPPs) at Power Supply Agreement…
Read More7-K PINOY NAPIGILAN NG BI MAKALABAS NG BANSA
(NI MINA DIAZ) INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) na nasa mahigit 7,000 Filipino ang naharang paalis ng bansa sa unang quarter ng taon dahil na rin sa pinaigting na kampanya laban sa human trafficking. Sinabi ni BI Port Operations Division chief Grifton Medina na ang kabuuang 7,311 na paalis na mga pasahero ay naharang mula Enero hanggang Marso dahil sa kabiguang makasunod sa mga kinakailangan para sa pagbiyahe sa ibang bansa. “We have been very careful in assessing these travelers as we wanted to ensure that they will not…
Read MoreNEWLY GRADS LIBRE NA SA ILANG LEGAL GOV’T DOCS
(NI BETH JULIAN) GANAP nang batas ang isang kautusan na nagbabawal sa ilang ahensya ng gobyerno na singilin ng fees o charges ang mga bagong graduate para sa mga kailangan nilang dokumento. Sa ilalim ng inilabas na Republic Act 11261 ng Palasyo, kabilang sa mga dokumento na ito na dapat ay libre nang ibibigay sa mga bagong graduate ay police clearance, National Bureau of Investigation (NBI) clearance, barangay clearance, birth certificate, marriage certificate, tax identification number (TIN), transcript of academic records mula sa state colleges and universities at unified multi-purpose…
Read MorePRESYO NG NFA RICE ‘DI MAGTATAAS — DA
(NI FRANCIS SORIANO) TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na walang magaganap na pagbabago o pagtaas sa presyo ng mga bigas ng National Food Authority (NFA) kahit na sunud-sunod ang mga pagtaas ng presyo ng mga iba’t-ibang produkto sa mga pamilihan. Ayon kay DA Secretary Manny Piñol, isang dahilan dito ay ang sapat na suplay ng bigas sa bansa at bababa pa umano ito sa pagpasok ng mga imported na bigas dahil sa Rice Tarrification Law. Bukod dito ay nabibili rin sa murang halaga ang mga lokal na palay kaya…
Read More