(NI BERNARD TAGUINOD) TINIYAK ng liderato ng Department of Transportation (DOTr) sa mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mga Filipino ang mga kukunin na magtatrabaho sa mga imprastraktura na popondohan ng China. Ginawa ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan ang paniniguro sa pagharap nito kasama si DOTr Secretary Arthur Tugade at iba pang transport officials, sa House oversight committee hearing sa Kamara, Lunes ng umaga. Ayon kay Batan, isa ito sa mga napagkasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China sa sideline meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese…
Read MoreMonth: May 2019
MRT-3 NAGKAABERYA; 300 PASAHERO PINABABA
(NI KEVIN COLLANTES) MAY 300 pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang pinababa matapos dumanas ng aberya ang sinasakyan nilang tren, na nagresulta pa sa pagpapatupad ng limitadong operasyon nito, Lunes ng hapon. Batay sa inisyung advisory ng Department of Transportation (DOTr)-MRT3, nabatid na dakong alas-12:20 ng tanghali nang dumanas ng problemang teknikal ang isa nilang tren sa interstation ng Taft Avenue at Magallanes northbound. Kaagad naman itong ipinabatid sa mga personnel ng Magallanes station para sa pagbibigay ng assistance sa pagpapababa ng mga naapektuhang pasahero. Wala naman…
Read MoreDU30: RAMADAN, SAKRIPISYO, PAGPAPAKUMBABA
(NI BETH JULIAN) BINIGYANG-HALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang diwa ng sakripisyo sa pagsunod at pagpapakumbaba tulad ng Banal na Koran. Ito ang mensahe ng Pangulo bilang pagpapakita ng pakikiisa sa mga kapatid na Muslim sa pag-obserba sa panahon ng Ramadan na nagsimula ng Mayo 6. Umaasa ang Pangulo na ang panahon na ito ng Ramadan ay magsisilbi ring pagkakataon para makahingi ng pagpapatawad sa lahat ng mga kasalanang nagawa, kasabay ng pagpapasalamat para naman sa mga biyayang natanggap sa mga nagdaang panahon. Tiniyak din ni Pangulong Duterte na patuloy…
Read MoreIMEE MARCOS SUPORTADO NI FARINAS
(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T nagkabanggaan noong nakaraang taon, suportado pa rin ni out-going Ilocos Norte 1st District Congressman Rodolfo Farinas ang senatorial bid ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos. Ito ang kinumpirma ni Farinas sa mga mamamahayag sa Kamara, ilang araw matapos itong umatras sa gubernatorial race ng kanilang lalawigan kung saan makakalaban sana nito ang anak ni Gov. Marcos na si Matthew Marcos-Manotoc. “Of course. She’s the governor of our province, the first district of which I represent in Congress,” ani Farinas nang tanungin kung susuportahan nito ang senatorial…
Read More3-DAY POWER INTERRUPTION NG MERALCO IPATUTUPAD
(NI KEVIN COLLANTES) MULING magpapatupad ng power interruption ang Manila Electric Company (Meralco) sa ilang lugar sa Luzon na kanilang pinagseserbisyuhan. Sa inilabas na maintenance schedule ng Meralco, nabatid na ang pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ay ipinatupad simula nitong Lunes, Mayo 6, at magtatagal hanggang bukas, Mayo 8. Dulot anila ito ng iba’t ibang maintenance works na kanilang isinasagawa at kabilang sa maaapektuhan nito ay ang Maynila at Valenzuela sa Metro Manila; at mga kalapit na lalawigan ng Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna. Ayon sa Meralco, apektado ng power interruption…
Read MorePAG-DELIVER SA ELECTION BALLOTS TATAPUSIN SA MAYO 7
(NI HARVEY PEREZ) TATAPUSIN ngayong Mayo 7 ng Commission on Elections (Comelec), ang pagdedeliver ng mga balota na gagamitin sa May 13 midterm elections. Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na makukumpleto na ang paghahanda ng Comelec sa halalan. Ayon kay Jimenez, tapos na nilang i-deliver ang mga balota sa lahat ng rehiyon nitong mga nakalipas na araw at tanging ang mga balota na lamang para sa halalan sa National Capital Region (NCR) ang kasalukuyang idinedeliber. “Sa lahat ng regions, tapos na. I think tinatapos na today and tomorrow ‘yung NCR,”…
Read MorePAG-BAN NG PROV’L BUS SA EDSA SINUSPINDE
(NI DAVE MEDINA) SINUSPINDE ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula Lunes ang hindi pagbiyahe ng mga provincial bus sa kahabaan ng EDSA. Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang pansamantalang pagsuspinde sa ban sa mga provincial bus sa EDSA ay dahil sa nakabimbin nilang pakikipagpulong sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). “We will continue with the dry run once the guidelines and implementing rules have been ironed out by the three agencies involved,” sabi ni GM Garcia sa mga mamamahayag. Sinabi pa ni Garcia…
Read MoreP7-B INILABAS NG SSS SA MATERNITY BENEFITS
(NI JESSE KABEL) DAHIL sa pinagtibay na expanded maternity law ay inaasahang lolobo pa ang bilang ng mga babaeng miyembro ng Social Security System (SSS) na mag-aavail ng kanilang maternity benefits kaya asahan din ang paglobo ng ilalabas na pera ng SSS. Sa datos, nasa mahigit P7 bilyon ang na-disburse ng SSS noong 2018. Ito ay para matugunan ang mahigit 300,000 babaeng miyembro na nag file at nag-avail ng maternity benefit. Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, tumaas ng 12.6 percent ang bilang ng mga female member/benificiaries…
Read More8.2-M TURISTA TARGET NG DOT
(Ni FRANCIS SORIANO) NANINIWALA ang Department of Tourism (DoT) na maaabot ng pamahalaan ang target nitong 8.2 milyon dayuhang turista sa bansa sa taong 2019. Ito ay dahil sa mas mataas na porsiyentong naitala sa bilang ng mga dayuhang turista na nasa bansa sa katulad na panahon noong 2018. Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, pumalo ng 7.59-percent o 2.2 milyon ang bilang ng foreign visitors ng bansa mula Enero hanggang Marso na ang pinakamarami pa rin ay Korean nationals na sinundan ng mga Chinese, Amerikano at Hapon. Bukod sa…
Read More