BULNERABLE SA DAYAAN ANG DARATING NA HALALAN SA PAG-ATRAS NG NAMFREL

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Para sa Bayan Muna, lubhang nakakabahala ang pag-withdraw ng National Citizen’s Movement for Free Elections (NAMFREL) bilang accredited na watchdog sa darating na May 13, 2019 midterm elections. Talamak ang dayaan at iregularidad sa ating halalan, at lalo pa tayong nangangamba na mas magiging bulnerable ang ating eleksyon sa mga nais manipulahin ito ayon sa kanilang mga makitid na interes. Ayon sa NAMFREL, ang kanilang withdrawal ay bu­nga ng pagtanggi ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang petisyon upang magkaroon ng open access at data sa voter’s list, presinto, at…

Read More

‘BIKOY’ LUMANTAD; IDINAWIT SA DROGA KAKASUHAN

bikoy100

(NI KEVIN COLLANTES) LUMANTAD na sa publiko at nagpakilala ang isang lalaking si alyas ‘Bikoy.’ Si ‘Bikoy,’ o Peter Joemel Advincula, sa tunay na buhay, ay nagtungo sa tanggapan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Pasig City, upang humingi ng legal assistance dahil nais na umano niyang magsumite ng affidavit at maghain ng kaso laban sa mga personalidad na isinasangkot niya sa kanyang video na “Ang Totoong Narcolist” series. “Ako po si Peter Joemel Advincula, mas kilala ninyo sa pangalang ‘Bikoy’. Ako po ay tunay na tao at…

Read More

PCUP CARAVAN UMARANGKADA SA MALABON, LIBONG RESIDENTE NAKINABANG

EARLY WARNING

Sa layuning mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga taga-Malabon, umarangkada na ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) caravan sa Malabon kasama ang Kakampi sa Pagbabago team na sina Congressman Ricky Sandoval at Vice Mayor Jeannie Sandoval, na parehong inendorso mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kandidatura ng una bilang reelectionist at pagkaalkalde ng huli. Mahigit 2,000 na residente ang nakatanggap ng libreng medikal at dental misyon, libreng pamamahagi ng gamot, libreng legal assistance, lokal at internasyonal na trabaho at oportunidad, tulong sa pagpaparehistro ng negosyo, pagpaparehistro ng…

Read More

‘BIKOY’ MAY KASABWAT; KREDIBILIDAD WASAK — PANELO

panelo15

(NI BETH JULIAN) NANINIWALA ang Malacanang na may kasabwat si Peter Joemel Advincula para sirain ang pamilya Duterte. Ito ang reaksyon ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, matapos lumutang sa Intergrated Bar of the Philippines (IBP) si Advincula na nagpakilalang si alyas Bikoy. Gayunman, sinabi ni Panelo na  tila hindi namamalayan ng IBP na nagagamit sila ng  isang manloloko sa katauhan ni Advincula. Giit pa ng opisyal, sumingaw ang baho ni Advincula matapos mabatid na marami itong criminial records tulad ng large scale estafa, illegal recruitment at pagnanakaw. Ito ay…

Read More

SENATORIABLES SUMUPORTA SA ANGKAS

BATO ANGKAS

BUMUHOS ang suporta ng mga kandidato sa pagka-senador sa iba’t ibang partido pulitikal  para sa muling pag-arangkada ng Angkas, ang nag-iisang app-based motorcycle ride hailing service sa bansa, kasabay ng pagsusulong sa karapatan ng mga motorcycle riders. Dumalo sina Senatoriables Grace Poe, Bam Aquino, Chel Diokno, Bato dela Rosa, at JV Ejercito sa Angkas Safety Fiesta noong Sabado bilang pagsuporta sa pagsisikap na mapalaganap ang tamang safety training sa lahat ng motorcycle riders sa Pilipinas. Nakiisa rin sa mga senatoriables sa pagsuporta sa Angkas sina Rep. Winston Castelo, chair ng…

Read More

‘NO PINOY ALLOWED’ NA CHINESE RESTO IIMBESTIGAHAN

china food12

(NI CHRISTIAN  DALE) KAILANGAN munang imbestigahan ni Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III ang balita na may ilang restaurant at iba pang business na laan lamang sa mga Chinese national na nasa bansa at bawal kumain ang mga Pinoy. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, dapat munang imbestigahan ang bagay na ito para malaman kung totoo at hindi aniya ito dapat na mangyari. Wala aniyang dahilan para i-discriminate ang mga Filipino sa pagkain sa mga Chinese restaurants. “Public business should be and therefore cater to all,” ani Sec. Panelo. Nauna…

Read More

PAGDAGSA NG FOREIGN DOCTORS SISILIPIN NG DOH, BI 

doh12

(NI NOEL ABUEL) IKINAGALAK  ni Senador Richard J. Gordon ang suporta ng Malacanang sa panawagan nitong imbestigahan ang pagdagsa ng mga foreign doctors sa bansa na posibleng dumaan sa kamay ng mga sindikato. Ayon sa senador, nababahala ito sa dumaraming bilang mga dayuhang doktor sa bansa na nagiging kalaban ng mga Filipinong manggagamot. Naniniwala umano ito na ang mga foreign doctors ay nagagawang makapasok sa bansa sa pamamagitan ng paggamit ng entry at employment na nangggaling sa mga sindikato para makapasok sa ilang pagamutan sa bansa nang walang sapat na…

Read More

MLA CITY HALL TREASURER’S OFFICE, GUWARDIYADO

manila12

(NI MINA DIAZ) MAHIGPIT na binabantayan ng mga pulis ang Office of the City Treasurer pagkatapos selyuhan ang loob ng silid kung saan itinago ang mga balota na gagamitin sa May 13 polls. Nilagyan din ng selyo ang pintuan ng opisina at kinadenahan sabay ng paglalagay ng dalawang kandado bilang patunay na ang mga balota ay magiging maayos sa loob ng naturang opisina ni Atty. Chris Teodoro. Sinabi ni Teodoro na kaugnay sa kahon ng balota na nasira ang selyo, naipasa na nila ang observation report sa Comelec at hinihintay…

Read More

RESORTS, OBLIGADO NA SA LIFEGUARDS

lifeguard12

(NI NOEL ABUEL) DAHIL sa dumaraming bilang ng mga nasasawi sa pagkalunod sa panahon ng summer season ay oobligahin na ang mga may-ari ng resorts at swimming pool sa buong bansa na magkaroon ng kuwalipikadong lifeguards. Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, panahon nang kumilos ang mga resort owners na hindi lang ang pagkita ng malaking halaga ang isipin tuwing panahon ng bakasyon kung hindi maging sa pagtitiyak na napatatakbo ito, ayon sa itinatakda ng World Health Organization standards. Aniya, base sa datos ng Philippine National Police (PNP), sa kasalukuyang taon,…

Read More