PATULOY sa pagbaba ng water level sa Angat Dam maging ng iba pang dam dahil sa matinding tagtuyot, ayon sa Pagasa. Bandang alas-6:00 ng umaga nitong Sabado, ang water level sa Angat Dam ay nasa 177.03 meters. Ito ay nasa 177.5 meters noong Biyernes ng alas-6:00 ng umaga. Bumaba rin ang water level sa Ipo Dam mula 101.02 meters noong Biyernes sa 100.98 meters. Sa Ambuklao Dam, bumaba rin ang water level mula 740.19 meters noong Biyernes sa 740.13 meters nitong Sabado. Sa San Roque Dam nitong Sabado, bumaba ito…
Read MoreMonth: May 2019
JULIA BARRETTO NAG-AUDITION SA DARNA
(NI KC GUERRERO) IBINUKO nga ba ni Julia Barretto ang promo department ng ABS-CBN at Star Cinema? Na isang malaking promotional stunt lang ang pag-open ng auditions ng Darna to the public? Goyoin at pagurin natin ang masang Filipino para sumikat lalo ang next Darna natin? Tutal maraming gustong maging bida? Ganoon ba iyon? Totoo ba ito, Roxy Liquigan at Eric John Salut? May mga nagpu-push kay Julia Barretto para maging bagong Darna. Ito ang kwento ni Julia sa mediacon ng pelikula nila ni Gerald na may May 15, 2019…
Read MoreCOMELEC NAGHAHANAP NG KAPALIT NG NAMFREL SA ELEKSIYON
NAGHAHANAP ngayon ang Commission on Elections ng bagong katuwang para sa random manual audit (RMA), siyam na araw bago ang midterm elections. Ito ay matapos tanggihan ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) ang akreditasyon ng Comelec bilang citizen arm. Sinabi ni Comelec Commissioner Luie Guia na ang desisyon ng pag-atras ng Namfrel ay ikinagulat ng poll body dahil aktibo umanong dumadalo sa kanilang pulong ang Namfrel mula pa noong Oktubre ng nakaraang taon. Gayunman, sinabi nito na kaya naman ng Comelec ang gawain ng Namfrel ngunit mas makabubuti…
Read MorePAGSASARA NG PROVINCIAL BUS TERMINAL PINAPLANTSA NA
(NI ROSE PULGAR) INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpupulong sila sa susunod na linggo kasama ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTR) upang talakayin at ayusin ang mga detalye hinggil sa nakaambang pagsasara ng mga provincial bus terminals sa EDSA. Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, una sa kanilang pag-uusapan ay ang pagputol ng ruta o linya ng mga provincial buses sa interim terminals na nasa Sta. Rosa, Laguna at Valenzuela at ang pagpapalawig ng ruta ng mga city buses at point-to-point buses para matiyak ang…
Read More1 LINGGO NANG ‘DI NAKIKITA: PANGULO ABALA SA PAPERWORKS — PANELO
SINAGOT ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang pagkawala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo at iginiit na nasa Davao City lamang ito at nagtatrabaho. Sa panayam, sinabi ni Panelo na may mga paperworks na ginagawa ang Pangulo sa kanyang lalawigan. Isang linggo na umanong hindi nakikita ang Pangulo at ang huli ay sa pagbubukas ng Palarong Pambansa. Makailang ulit na ring ipinagtanggol ng Malacañang na walang malubhang sakit ang Pangulo. Nagbigay na rin ng pahayag ang Presidential son na si Paolo at sinabing mas malakas pa sa kalabaw ang kanyang…
Read MoreCAREER NI MAINE LUMAMYA KAY ARJO?
(NI RK VILLACORTA) AFTER i-bash siya ng mga trolls at anti-Maine (dahil mga solid Alden Richards sila), may isyu na naman ang mga hunghang na kesyo nawawalan na raw ito ng trabaho mula nang pinili niya si Arjo Atayde over Alden Richards (dahil in real life, there is no Alden sa buhay pag-ibig ng dalaga. Uulitin ko, never na nanligaw si Alden sa kanya). Maging ang original rate niya raw sa mga ginagawang TV commercials ay nabawasan na mula nang ma-link ang pangalan niya kay Arjo. Wow na wow ha?…
Read MoreIWASAN ANG MGA SERBISYO NG SKYCABLE
Kung ikaw ay nagbabalak na magpakabit ng cable TV o dili kaya ay internet iwasan ninyo itong SkyCable dahil iba ang ginagawa nito sa kanilang mga customers. Noong nag-aalok pa ng serbisyo itong SkyCable ay halos ipangako nito ang langit upang ikaw ay mag-subscribe. Kung anu-anong mga dagdag na serbisyo at discount ang inialok nito kaya naman madali tayong naengganyo na gamitin ang kanilang serbisyo. Ngunit habang nagtatagal ay lalo ring nagiging iba ang serbisyo nitong SkyCable. Madalas ay wala kang mapanood sa kanilang Cable TV dahil sira at lalung-lalong…
Read MoreASAL NG MGA INTSIK SA ATING BAYAN (Part 2)
KITA na ninyo, binabalahura tayo ng mga Intsik sa sariling bansa. Pero bago tayo magpatuloy, nililinaw natin, hindi po tayo “racist,” gusto lang nating umayos ang mga dayuhan gaya ng pag-ayos natin sa ating mga gawi kapag nangingibang bansa. Tingnan Natin: mismong si Commissioner Aileen Lizada ng Civil Service Commission ay nakaranas ng hindi maganda sa mga Intsik na nakasabay sa NAIA Terminal 3. Kuwento niya, nakapila siya at iba pang Pinoy sa “predeparture area” ng airport nang mga apat o limang Intsik ang sumuong sa ilalim ng “barrier,” pinagtatawanan…
Read MoreSINGIL SA SMOKE EMISSION TEST TATAAS NG TATLONG ULIT
Dahil sa bagong Department Order No. 2019-002 na nilagdaan ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade, mga 25,000 na mga empleyado ng Private Emission Testing Centers (PETCs) sa bansa ang mawawalan ng hanapbuhay makaraang ihayag ng grupong Ani Kalikasan na si Jun Evangelista, ang pangulo. Sa revise order, ang DOTr Department Order (DO) No. 2019-002 “on Privatizing the Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) Through Authorization” ay ipapalit dito ang PETCs at ito ay tataas ng tatlong ulit ang halaga ng singil ng bayad ng anomang uri at klase ng…
Read More