(NI NELSON S. BADILLA) UMABOT sa P53.33 bilyon ang nakolektang kita ng Bureau of Customs (BOC) nitong Abril kung saan lagpas sa P51.604 bilyong target sa nasabing buwan. Ayon kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ang nasabing koleksyon ay 3.3 porsiyentong iniangat sa target. Labing-apat na porsiyento naman ang iniangat nito mula sa koleksyon noong Abril 2018 na P46.74 bilyon. Ayon kay Guerrero, umaasa ang BOC na makakolekta ng P51.604 bilyon nitong Abril, “but because of our stringent monitoring and continuing efforts to enhance our revenue collection capabilities, we were able to collect…
Read MoreMonth: May 2019
1 NIGERIAN PATAY, 7 DINAMPOT NG NBI SA LOVE SCAM
(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY ED CASTRO) PATAY ang isang Nigerian national habang binitbit naman ang pito pa nitong kasamahan na umano’y kaanib ng “Catfishing o Love Scam” syndicate sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Cyber Crime Division, nitong Huwebes sa Imus , Cavite. Kinilala ni NBI spokesperson Ferdinand Lavin ang namatay na si Orisakwe Ifeanyi Emmanuel. Samantala, binitbit naman ang mga kasamahan nito na sina Ikenna Dickson Okalla, Chukwuma George Adible, Chiboy Stanley Agbasy, Dim Remedios, Abas Kashimer,at Uba Living, na pawang Nigerian national at umookupa…
Read More16 BAYAN SA ILOILO INILAGAY SA COMELEC HOT SPOT
(NI HARVEY PEREZ) MAY 16 na bayan sa Iloilo City ang inilagay ng Commission on Elections (Comelec) sa “hot spots” sa darating na national and local elections sa Mayo 13. Nabatid kay Atty. Roberto Salazar, provincial Comelec supervisor sa Iloilo, base sa kanilang record, tatlong bayan ang nasa red category; siyam ang nasa orange category at apat sa yellow category. Nabatid na ang “yellow category” ay nangangahulugan na may matinding political rivalry, may presensiya ng private armed groups, may insidente ng election-related violation sa nakalipas na halalan at may presensiya…
Read More1-K KADA BUWAN NG MAY HIV IKINAALARMA NA SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) PINANGANGAMBAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magkaroon ng record breaking sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) kung hindi magiging agresibo ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa paglaban sa nasabing sakit. Inihayag ni House deputy majority leader Ron Salo ang pangamba dahil nagte-trending na situwasyon kung saan mahigit 1,000 Filipino ang nagkakaroon ng HIV kada buwan na kung magpapatuloy hanggang sa katapusan ng taon ay magkakaroon ng 12,000 HIV victims sa bansa. “We now have 2,262 new cases this year as of last February. If the new…
Read MoreMAGSASAKA PURDOY NA SA RICE TARIFFICATION LAW
(NI BERNARD TAGUINOD) RAMDAM na ng mga magsasaka ang masamang epekto ng Rice Tariffication Law dahil hindi na bumalik sa dating presyuhan ang palay na naani nila ngayon. Ayon kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, dahil sa batas na ito na iniakda nina House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at Sen. Cynthia Villar, naba-bankrupt na umano ang may 2.3 million magsasaka sa buong bansa. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil sa Nueva Ecija ay P13 -P14 kada kilo na lamang binibili ang aning palay ng mga magsasak, P16 sa Isabela; P14-P15 sa…
Read MorePNP: 10 NA PATAY SA POLL VIOLENCE
(NI JG TUMBADO) NASA 10 na ang bilang ng mga indibidwal na napapatay na may kaugnayan sa eleksyon ngayong 2019. Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Col. Bernard Banac sa kanyang press briefing, nitong Biyernes sa Camp Crame. Bukod sa naturang bilang, nasa 14 katao naman ang nakaligtas sa tangkang paglikida mula Enero 13 hanggang April 30. Sinabi ni Banac, naitala sa iba’t ibang parte ng bansa ang nabanggit na mga kaso. Wala aniyang rehiyon ang nakapagtala ng maraming bilang ng marahas na insidente sa nalalapit…
Read More‘BLEEDING INK’ SOSOLUSYUNAN NG COMELEC
(NI HARVEY PEREZ) TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) sa publiko na magbibigay sila ng mha replacement markers kasunod ng naiulat na insidente ng blotting pens sa ginanap na overseas absentee voting (OAV). “Papalitan namin ‘yun and we still have time and election officers are already ready also to purchase kung kukulangin pa rin ,” ayon kay Frances Aguindadao-Arabe, director of Comelec’s Education and Information Department. Nabatid din na ang mga sumobrang markers noong 2013 at 2016 elections ay maari pang gamitin dahil sa napakaayos pa ng mga kondisyon nito.…
Read MoreP1 DAGDAG-PRESYO SA SARDINAS, NOODLES
(NI DAHLIA S. ANIN) SIMULA Mayo 4, magtataas-presyo ang ilang brand ng sardinas, instant noodles, bottled water at ilang condiments. Ito ay matapos payagan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang dagdag-presyo. Tataas ng P0.50 hanggang P1.00 ang sardinas na may local brand at P1.37- P1.70 pesos naman sa mga imported na brand. Maging ang instant noodles ay magtataas ng P0.20-P0.45 centavos kada pakete, ganun din kada container ng toyo at patis. Bawat pakete namang ng asin ay tataas ng P0.55 hanggang P2.00. At P0.30 naman kada pakete…
Read MoreATENEO DE MANILA NANGUNA SA BAR EXAMS
(NI DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY KIER CRUZ) INILABAS na ngayong araw ang resulta ng Bar Exams 2018 ng Korte Suprema. Ayon sa Supreme Court 22.07 % lamang mula sa 8,155 na kumuha ng exam ang pumasa na mas mababa sa 25.5% noong nakaraang taon. Si Sean James Borja, ng Ateneo de Manila University ang nanguna mula sa 3 nasa top 10 na kapareho niya ng paaralan. Narito ang listahan ng 10 estudyante na nanguna sa 2018 Bar Exam Borja, Sean James- Ateneo de Manila Natu-el,Marcley Augustus – University of San…
Read More