US SENATE PANEL NA KUMAMPI KAY DE LIMA NIRESBAKAN NI PANELO

panelo12

(NI CHRISTIAN  DALE) NIRESBAKAN ng Malakanyang ang ginawang pag-apruba ng US Senate committee na amyendahan ang pagbabawal na pumasok sa kanilang bansa ang sinumang Philippine government official na sangkot sa umano’y ‘politically motivated’ imprisonment ni Senador Leila De Lima. Tinawag ito ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ‘insulting’ at ‘offensive’ act. Sa kalatas na ipinalabas ni Sec. Panelo, nakasaad dito na ang hakbang ng US Senate panel ay “brazen attempt to intrude” sa domestic legal process ng Pilipinas lalo pa’t ang mga subject case laban sa detinadong senador ay kasalukuyang…

Read More

SUSPECT SA DORMITORIO HAZING, 6 NA

(NI JG TUMBAGO ) UMAABOT na ngayon sa anim ang mga suspek sa pagkamatay dahil sa hazing kay Philippine Military Academy Cadet 4th Class Darwin Dormitorio. Hindi muna pinanganalan ni Police Colonel Allen Ray Co, director ng Baguio City Police, ang pinakahuling nadagdag sa listahan ng mga suspek ngunit isa aniya itong 2nd Class Cadet. Ang ika-anim na suspek umano ang pinakahuling nanakit sa 20-anyos na kadete bago itinakbo sa ospital nuong Setyembre 17. Ang nasabing kadete umano ang sumipa kay Dormitorio nang makita niyang nakahiga sa kanyang kama ang…

Read More

TIPS PARA SA PAGLILINIS IN 10 MINUTES

PAGLILINIS-1

Sa mabilis na takbo ng buhay, maraming mga bahay ang iwan na iwan o talagang masasabing napapabayaan kaya’t ito ay magulo at halos hindi bahay na matatawag. Isa ba ang inyong mga bahay sa marumi, magulo at wala talagang kaayusan? Kahit pa anong busy natin sa araw-araw ay kailangang may routine rin tayong sinusunod upang hindi nananatiling wala sa ayos ang ating kapaligiran lalo ang loob ng ating pamamahay. Ito ang ilang tips para ma-ging madali ang pag-aayos ng inyong tahanan: – Maghanda ng malaking box para sa mga gamit…

Read More

TAPATAN NA NGAYON NG LAKAS SA MUSCLECONTEST PHILIPPINES!

MUSCLE CONTEST-2

Ngayon na ang pinakaaabangang sagupaan sa MUSCLECONTEST PHILIPPINES! Ang Multi-Sport Festival at Fitness Expo na ito ay inaasahang dadaluhan ng 5,000 participants at spectators na magaganap sa The Tent sa Acacia Estates Town Center sa Barangay Bambang, Taguig City ngayong araw ng Sabado. Makasaysayan ang naturang okasyong dahil noong nakaraang taon ay naging daan ito sa IFBB Pro Cards na makarating sa bansa sa unang pagkakataon. Ang IFBB o ang International Federation of BodyBuilding & Fitness ay ang ang pinakaprestihiyoso at pinakapinaglalabanang award sa industriya ng bodybuilding at fitness. Sa ikalawang edisyon…

Read More

FAKE NEWS AT EKONOMIYA

Maging Wais Ka-2

(Unang Bahagi) Nitong nakaraan, inilabas ng Philippine Institute of Development Studies ang isang pag-aaral na pinangunahan ng isang sikat na ekonomista na si Roehlano M. Briones tungkol sa mga implikasyon ng globalisasyon sa Pilipinas. Ibang klase ng globalisasyon ang tinutukoy rito dahil ibang klase na rin ang teknolohiya at ang impluwensiya nito sa ating araw-araw na pamumuhay, ekonomiya at lipunan. Hindi natin maikakaila na malaking parte ng buhay natin ang teknolohiya sa komunikasyon, sa transportasyon, sa ating kalusugan, maging pag-order ng pagkain, mga mahahalagang dokumento, serbisyo at kung anu-ano pa.…

Read More

BI NAKAALERTO NA VS DRUG QUEEN

(NI HARVEY PEREZ) INILAGAY na ng Department of Justice (DOJ)  sa Immigration Look-out Bullettin Order (ILBO),ang tinaguriang ‘drug queen’ na si Guia Gomez Castro, barangay captain sa Sampaloc, Maynila. Sa ipinalabas na memorandum ni Justice Secretary Menardo Guevarra,inatasan nito si Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente  na i monitor ang travel itineraries ni Gomez sa lahat ng daungan sa  bansa. Nalaman  na si Gomez ay lumabas sa bansa noong Setyembre 21 papuntang Bangkok,Thailand. Kasabay nito,sinabi ni Guevarra na maaari nang arestuhin si Gomez dahil ito ay mayroon standing warrants sa…

Read More

MGA BATAS KONTRA ASO AT PUSANG GALA

BAGWIS

There’s an endless debate about LGUs catching stray dogs and cats that are eventually killed by way of euthanasia. Sabi nila wala raw puso ang mga LGU with matching mura pa. Bakit daw hinuhuli, inilalagay sa pound at pinapatay ang strays? May dalawang batas na sumasakop sa mga usapin tungkol sa kapakanan at sa pag-aalaga ng mga hayop. Take note that these laws were created to protect not just animal welfare but also public interest. One is Republic Act 8485 or the Animal Welfare Act and the second is Republic…

Read More

STATION POLICE NAKATIWANGWANG; ADIK AT KRIMINAL NAGKALAT?

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, mga residente po kami ng Tower Ville sa Barangay Gaya- Gaya San Jose Delmonte, Bulacan City. Napakaligalig po ng aming lugar kasi laging may riot. Talamak ang droga at minsan po ay nagtatanghalian ‘yung kapitbahay namin ay hinoldap. Kapag humingi ka naman ng responde bago makarating ang mga tanod at pulis wala na ang mga suspek dahil nakapagtago na. Natuwa po kami nang makita naming may ginagawang Police Station sa Phase 6 -B Tower Ville ngunit hindi naman itinuloy. Iniisip naming mga residente na ito na ang kasagutan…

Read More

ELISSE NAILANG SA BAGONG McCOY-MILES LOVETEAM

(NI REY PUMALOY) INAMIN ni Elisse Joson na nagulat siya at nakaramdam ng awkward feeling sa nalaman niyang love team nina McCoy de Leon at Miles Ocampo. Dating magkasintahan at magka-loveteam sina Elisse at McCoy, na nasira lang dahil sa isang isyu sa kanilang relasyon na nauwi sa hiwalayan. Mula nang magpalitan ng mga hinaing sa isa’t isa sa social media, hanggang ngayon hindi pa nag-uusap ang dalawa. Ngayong ipinapareha si McCoy kay Miles, hindi itinanggi ni Elisse na nakaram­dam siya ng pagkailang sa umpisa. Pero dahil nga magkahiwalay na…

Read More