(NI ABBY MENDOZA) TULUYANG magiging bagyo ang sama ng panahon na namataan sa Visayas at tatawaging bagyong ‘Onyok’. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), sa loob ng 24-oras inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Onyok’ na ikalimang bagyo sa buwan lamang ng Setyembre. Sa weather forecast ng Pagasa ay hindi inaasahang tatama sa lupa ang bagyo. Ang sama ng panahon ay huling namataan sa 1,410 kilometro ang layo mula sa Visayas, kumikilos ito sa bilis na 30kph, taglay ang lakas ng hangin na 45kph…
Read MoreMonth: September 2019
AYUDA SA IBANG AHENSIYA HININGI NG DOH
(NI DAHLIA S. ANIN) MATAPOS ang 19 na taong pagiging polio-free ng bansa at makontrol ang paglaganap ng sakit, hihingi na ng tulong ang Department of Health (DOH) sa ibang ahensya ng gobyerno sa isinasagawang immunization drive ng ahensya kontra polio. Nakipagpulong na umano ang DOH sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ukol dito at balak na rin nilang magpasaklolo sa mga uniformed personnel, Department of Education at Department of Social Welfare and Development, ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo. “Hihingi kami ng tulong, dahil pag nagstart…
Read MoreDEFENSOR UMAMIN NA NAGPADAGDAG NG P500M SA BUDGET
(NI ABBY MENDOZA) DINEPENSAHAN ni Anakalusugan party-list Rep Mike Defensor ang mga kongresista na nagla-lobby ng budget para sa kanilang mga constituents sa katwirang isa ito sa kanilang trabaho. Aminado si Defensor na isa sya sa mga kongresista na humingi ng dagdag na P500M budget para pondohan ang ilang ospital sa Tawi-Tawi, Pampanga, Batangas at Ifugao provinces. “Congress has the power of the purse. Sa katotohanan po, kasama sa trabaho ng mambabatas na siguruhin na magkakaroon ng pondo ang pangangailangan ng mamamayan. Representatives would best know the needed social services…
Read MoreSOLON NA NAGKAKAMPIHAN SA KAMARA; ‘DI AKO NASISINDAK! – PING
(NI NOEL ABUEL) NANINDIGAN si Senador Panfilo Lacson na hindi ito magpapasindak sa mga kongresista dahil sa pagbusisi nito sa 2020 national budget na pamahalaan na pinasukan ng pork barrel ng mga huli. Ayon kay Lacson, kailangang matiyak na maayos na magagamit ang P4.1 trillion na pondong hinihingi ng pamahalaan dahil pera ito ng taumbayan. “Ito taun-taon ginagawa ko ito hindi lang ngayong taon na ito, hindi lang naman dahil ang nagsalita si Cong. Castro o Cong. Defensor o Cong. Abante. Maski sino naman ang napansin natin na talagang inaabuso…
Read More120 GAMOT TATAPYASAN NG PRESYO
(NI DAHLIA S. ANIN) SA ilalim ng maximum drug retail price, balak ng Department of Health (DoH) na bawasan ang presyo ng 120 na klase ng gamot. Sa panayam, sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na nakaaapekto sa kalusugan ng tao ang mataas na presyo ng gamot. Sa inilabas na listahan, kasama sa 120 gamot ng DOH ang sa diabetes, sakit sa puso, hypertension, chronic lung disease, chronic renal disease, cancer, psoriasis at rheumatoid arthritis. Ayon pa kay Domingo, ang mga gamot na ito ay dapat tapyasan ang presyo upang…
Read MoreCOMELEC NAGPAALALA SA VOTERS REGISTRATION
(NI HARVEY PEREZ) PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko kaugnay sa hinggil sa pagtatapos ng idinaraos nilang voter registration sa bansa sa Lunes, Setyembre 30. Hinimok ng Comelec ang mga kuwalipikadong botante na samantalahin ang nalalabing dalawang araw nang pagpaparehistro para makapagpatala at makaboto sa mga susunod na eleksyon sa bansa. Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, na inaasahan nilang daragsa ang mga magpaparehistro ngayong Sabado, Setyembre 28, at sa Lunes, Setyembre 30, na siyang deadline ng voter registration. Ayon kay Jimenez, sa ilalim ng Section 6 ng…
Read MoreALBAYALDE ‘DI TAKOT SA SENADO
(NI NICK ECHEVARRIA) TINIYAK ni Philippine National Police spokesperson P/BGen. Bernard Banac na handang humarap sa Senado anumang oras, sakaling ipatawag si PNP Chief General Oscar Albayalde, kaugnay sa isyu ng ‘ninja cops’. Ginawa ni Banac ang pahayag makaraan ang malisyosong pag-uugnay sa pangalan ni Albayalde sa nasabing usapin sa isang executive session kung saan isang 4-star general umano ang nagsisilbing protektor ng ninja cops. Nauna rito nangingiting sinabi ni Albayalde na kahit hindi tinukoy ang kanyang pangalan ay hindi niya maiwasang isipin na siya ang pinatutungkulan nito dahil siya…
Read MoreAFP NAGPASAKLOLO SA MEDIA VS NPA
(NI AMIHAN SABILLO) NANAWAGAN si AFP Chief Of Staff Lt. Gen. Noel Clement sa media na tumulong sa kampanya Laban sa New People’s Army (NPA) kung saan binigyang-diin ng heneral na ang problema sa CPP-NPA ay hindi lang problema ng militar, kundi problema ng buong bansa. Sinabi pa ni Lt. Gen. Clement na ang dahilan bakit nilikha ng Pangulo ang National Task Force to End the local communist armed conflict at ipinatupad ang “whole of nation approach” upang wakasan na ang CPP-NPA. Sinabi pa ni Lt. Gen. Clement, kung kalaban…
Read MorePNP CHIEF: IMAHE NG PNP SA NINJA COPS MALILINIS DIN
(NI AMIHAN SABILLO) OPTIMISTIKO si PNP Chief PGen Oscar Albayalde na malilinis ang imahe ng Philippine National Police (PNP)sa kontrobersya sa pagrerecycle ng droga ng ilang mga tiwaling pulis. Ayon kay Albayalde, sa tamang panahon, ang lahat ay magiging klaro base sa mga dokumentadong ebidensya at hindi Lang sa ‘insinuations’. Ginawa ng chief PNP ang pahayag matapos makausap ang Pangulong Duterte, at maibigay ang sariling listahan ng PNP ng mga tinaguriang ‘ninja cops’. Kinumpirma rin ni Albayalde na hawak na rin ng Pangulo ang listahan ng mga ‘ninja cops’ na…
Read More