MANANATILI sa puwesto si Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ng kontrobersiyal na pahayag nito na kasalukuyan nang nasa 2nd wave ng COVID-19 ang bansa na pinalagan naman at ikinagulat ng mga eksperto. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sasagutin ng Kalihim ang mga alegasyon laban sa kanya sa tamang forum. Sa ngayon ay hayaan na munang gawin nito ang kanyang trabaho habamg nahaharap sa global health emergency ang bansa. “Secretary Francisco Duque III serves at the pleasure of the appointing authority, President Rodrigo Roa Duterte, in this…
Read MoreMonth: May 2020
PDU30 PANGUNGUNAHAN ANG PMA AT PNPA GRAD RITES
PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police Academy (PNPA) via Zoom sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang kauna-unahang pagkakataon na pangungunahan ng Chief Executive ang graduation rites ng dalawang institusyon na wala ang kanyang pisikal na presensiya bunsod na rin ng marahas na pagbabago na nag-ugat mula sa health crisis. Noong nakaraang taon ay pinangunahan ni Pangulong Duterte ang pagtatapos ng may 243 kadete ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio…
Read MoreDIGOS PNP, ITINANGGING INARESTO ANG NURSE NA WALANG ID
DIGOS City – Mariing itinanggi ng Digos City Police Station (DCPS) na kanilang inaresto ang isang nurse na hindi pinalusot sa Inter-agency Task Force on COVID-19 checkpoint nang hindi ito makapagpakita ng kanyang identification card. Sa ipinalabas na pahayag ng DCPS, mahigpit umanong ipinatupad ng mga awtoridad ang mga polisiya sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ngunit isang beripikasyon lang ang kanilang ginawa at hindi totoo ang mga lumabas na akusasyon. Sa panayam sa kanyang telepono nitong Biyernes ng umaga, sinabi ni Lt. Col. Vici Anthony Tababa, hepe ng…
Read More2 CHINESE ARESTADO SA ‘DI REHISTRADONG COVID MEDICINES
CAVITE – Arestado ng mga tauhan ng Cavite police ang dalawang Chinese national matapos salakayin ang isang warehouse at nakumpiskang ang sari-saring mga gamot umano sa COVID-19 sa Bacoor City sa lalawigang ito. Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9711 (Food and Drug Administration Act of 2009) as amended by RA 3720 in relation to RA 11469 (Bayanihan to Heal as One) ang mga suspek na sina Zhixing Chen at Lingjie Zhao alyas Kira, kapwa nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar, habang pinaghahanap ang kasamahan nilang nakatakas na si…
Read MoreNAVOTAS LGU IPINAMAHAGI NA ANG P22.7-M MID-YEAR BONUS
IPINAMAHAGI na ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang P22.7 milyon para sa mid-year bonus at cash gifts ng mga kawani nito. Nasa 534 regular na empleyado ang nakatanggap ng bonus na katumbas ng isang buwang sweldo habang 1,175 naman na mga nasa ilalim ng contract of service at job order ang nakakuha ng P6,000 cash. Ang P6,000 ay doble ng kanilang regular na quarterly benefit. “Sa gitna ng pandemya ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19), hangad nating matulungan ang ating mga empleyado at ang kanilang mga pamilya para magkaroon sila ng…
Read More114K ‘MAKATIZEN’, TUMANGGAP NA NG P5K CASH AID
UMAABOT sa 114,828 residente ang tumanggap ng P5,000 ayuda mula sa lungsod ng Makati sa loob lamang ng isang linggo makaraang ipatupad ang Makatizen Economic Relief Program (MERP), bilang tulong sa mga apektado ng may COVID-19 pandemic. Ayon kay Mayor Abby Binay, gumamit sila ng digital platforms na GCash sa pagsasagawa ng contactless cash assistance delivery upang maipaabot ang tulong pinansyal sa mga residente kaya naging mabilis ang pamamahagi ng ayuda. Kwalipkado sa MERP ang 18 anyos at pataas na mga residente ng Makati City o residente ng relocation sites…
Read MoreNO. 1 MOST WANTED ARESTADO
ARMADO ng warrant of arrest, inaresto ng mga awtoridad ang isang 20-anyos na lalaki dahil sa kasong pagpatay sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Biyernes. Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek na kinilalang si Gerald Maningo y Sabili, binata, ng #1381 Batangas St., Tondo. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., station commander ng Manila Police District-Station 2, bandang alas-5:00 ng hapon noong Mayo 21 nang arestuhin ang suspek sa Blk.15, Baseco Compound, Port Area. Inaresto ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng arrest…
Read MoreOBRERO ITINUMBA NG DRUG PERSONALITY
PATAY ang isang construction worker na makikipagkita sa kanyang kaibigan matapos pagbabarilin ng isang hinihinalang drug personality sa Malabon City, nitong Biyernes ng madaling araw. Dead on the spot si Joben Ortega, 29, ng Gozon Compound, Phase 5, Brgy. Tonsuya, Malabon City sanhi ng tama ng bala sa katawan habang mabilis namang tumakas sa hindi matukoy na direksyon ang suspek na kinilalang si Robert Andilab ng #272 Phase 2 Lupa, Gozon Compound makaraan ang insidente. Sa imbestigasyon nina P/MSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Ernie Baroy, dakong alas-3:35 ng madaling araw,…
Read MoreOVERPRICING SA COVID TEST KITS, BAHALA NA ANG OSAP – MALAKANYANG
IPAUUBAYA na ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Office of the Special Assistant to the President (OSAP) ang alegasyon ng overpricing sa presyo ng Philippine Health Insurance Corporation’s (PhilHealth) coronavirus disease 2019 (Covid-19) testing packages. Naging madamot si Sec. Roque sa pag-komento ss isyu lalo pa’t nagsilbi siyang legal counsel ng dalawang complainants na siyang nagbunyag ng anomalya sa PhilHealth noong nakaraang taon. “May conflict of interest na po ako diyan dahil ako mismo nagsampa ng kasong kriminal laban sa mga kurakot sa PhilHealth,” ayon kay Sec. Roque. Noong Pebrero,…
Read More