HVT TIMBOG SA PDEA SA BITBIT NA 1 KILO NG SHABU

ARESTADO ang isang high-value target (HVT) matapos makumpiskahan ng humigit-kumulang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa isinagawang anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Marawi City.

Kinilala ni PDEA-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) Regional Director George Paul Alcovindas ang suspek na si alyas “Ali,” 42, may asawa at residente ng Barangay Proper, Maguing, Lanao del Sur.

Ayon kay Alcovindas, nadakip ang suspek sa buy-bust operation na pinangunahan ng PDEA Maguindanao del Sur.

Narekober mula sa suspek ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng tinatayang 1,006 gramo at nagkakahalaga ng P6,840,000. Nakasilid ang droga sa isang berdeng supot ng Chinese tea na may tatak na “Guanyinwang (AOE).”

Nakuha rin ng mga operatiba ang ginamit na buy-bust money, isang mobile phone, Toyota Hilux at mga identification card.

Isinagawa ang operasyon sa tulong ng PDEA Lanao del Sur Provincial Office, Marawi City Police Station, 4th Mechanized Battalion ng Philippine Army at 1403rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 14-A.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 o pagbebenta ng dangerous drugs sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(JESSE RUIZ)

33

Related posts

Leave a Comment