4 ARESTADO SA P6-M SHABU  

ARESTADO ang apat na katao, kasama ang isang babae, matapos makumpiskahan ng halos P6 milyong halaga ng shabu sa buy- bust operation noong Lunes ng gabi sa Navotas City. Kinilala ang mga dinakip na sina Ronnel Ereno, 22; Randel Dela Cruz, 24; Sheila Eyana, 31, at Christopher James Aguilar, 29-anyos. Ayon sa pulisya, nakaiskor ang poseur buyer ng halagang P10,000 ng shabu mula kay Ereno na nakipagtagpo sa undercover agent sa Togo St., Brgy. Tangos North dakong alas-8:20 ng gabi. Nang iabot ni Ereno ang isang pakete ng shabu sa…

Read More

Health workers, tinamaan ng COVID OSPITAL SA TONDO, 2 LINGGONG SARADO

PANSAMANTALANG isasara ang Ospital ng Tondo sa Maynila sa loob ng dalawang linggo, upang mabigyan ng sapat na oras para makapagpahinga ang health workers ng nasabing pagamutan na tinamaan na ng COVID-19. Ito ay inanunsyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang Facebook live noong Lunes ng gabi. Nagsimula ito noong Mayo 11 at matatapos sa Mayo 24. Isasailalim ang nasabing pagamutan sa disinfection at paglilinis bago muling buksan sa publiko. Sinabi ng alkalde, ang health workers at frontliners na hindi naman tinamaan ng sakit ay pansamantala munang…

Read More

Wala namang itinulong sa mga sinibak na Kapamilya COCO AT KIM, PUTAK LANG NANG PUTAK  

KUNG inaakala nina Coco Martin, Kim Chiu at iba pang Kapamilya talents ay makikisimpaiya ang buong Pilipinas sa kanila dahil sa pagpuputak nila mula nang isara ang Kapamilya Network noong May 5, nagkakamali sila. Bakit kanyo tila nagba-backfire ngayon ang kanilang rants sa social media? Ito lang ang sagot: Ang laban ng ABS-CBN ay sa pagitan ng dambuhalang kumpanya at ng batas. Hindi ito issue ng press freedom o freedom of speech. Bakit ko nasabi ito? Eh, hanggang ngayon eh putak pa rin sila ng putak, ‘di ba? Pinatigil ba…

Read More

PULIS SAPUL SA NAG-U-TURN NA MOTORISTA

CAVITE – Sugatan ang isang pulis Cavite makaraang bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang sasakyan na biglang nag-U-turn sa bayan ng Silang sa lalawigang ito. Ginagamot sa Silang Specialist Medical Center ang biktimang si Corporal Pinky Cammayo, nakatalaga sa Cavite PPO-PIDMU at residente sa Brgy. Mambog 1, Bacoor City, habang hawak na ng pulisya ang driver ng isang Mazda 3 Sedan (ZEA-248), na si Jaspher Andrew Agoncillo, 22, data analyst, ng Brgy. Lalaan 1st, Silang, Cavite. Sa ulat ni P/SSgt. Aries Mendoza ng Silang Municipal Police Station, kapwa binabagtas…

Read More

PUSHER NAPATAY, 7 PA HULI SA DRUG OPS

BULACAN – Napatay ang isang hinihinalang drug pusher makaraan umanong manlaban sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa San Jose del Monte City, habang pitong iba pa ang nadakip sa nabanggit nalungsod at sa bayan ng Norzagaray sa ikinasang anti-illegal drug operation sa nabanggit na lalawigan noong Lunes. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang napatay na suspek na si Tommy Catalla y Gala habang nakatakas ang kasama nito lulan ng motorsiklo. Ayon sa ulat, dakong alas-6:25 ng hapon, nagkasa ang SDEU ng SJDM City police…

Read More

MAG-AMA PATAY SA SALPOK NG KOTSE

SOUTH Cotabato – Kapwa nalagutan ng hininga ang isng mag-ama makaraang salpukin ang sinasakyan nilang motorsiklo ng isang kotse sa Crossing Palkan sa bayan ng Polomolok sa lalawigang ito. Kinilala ang mga biktimang sila Nestor Masaglang, 48, at Carlo, 24, kapwa residente ng Camali-an, Jose Abad Santos, Davao Occidental. Habang ang suspek na driver ng kotse ay si Jan Paul Bayron, residente ng General Santos City. Ayon kay P/Lt. Col. Alex Joe Orcajada, hepe ng Polomolok PNP, magka angkas ang mag-ama sa motorsiklo at tinatahak ang national highway sa bayan…

Read More

TRIBAL CHIEFTAIN NILIKIDA

AGUSAN del Sur – Nalagutan ng hininga ang isang pinuno ng tribal group makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa bayan ng Trento sa lalawigang ito, iniulat ng pulisya nitong Martes. Inaalam pa ng mga tauhan ng Trento Municipal Police Station ang pagkakakilanlan ng mga suspek na responsable sa krimen. Kinilala ng mga awtoridad biktimang si Romulo Duron, residente sa Purok 7, Brgy. Paradise ng nasabing bayan, tribal chieftain ng Sta. Josefa, Agusan Del Sur. Ayon sa ulat, pinagbabaril ng mga suspek na nakasuot ng ski-mask. sa likurang bahagi…

Read More

2 NPA NALAGAS SA ENGKUWENTRO

npa

ZAMBOANGA del Sur – Napaslang ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) makaraang makasagupa ng mga tauhan ng Philippine Army sa lalawigang ito, ayon sa ulat ni Lt. Col. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command nitong Martes. Ayon kay Lt. Col. Encinas, nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga tauhan ng Army 53rd Infantry Battalion nang masabat ang mga rebelde sa Sitio Pisyo, Barangay Balonai, Midsalip, Zamboanga del Sur bandang alas-11:05 ng umaga. Tumagal ng halos kalahating oras ang bakbakan hanggang sa umatras ang mga rebelde. “Pursuit and…

Read More

2 KULONG SA PAGTATAPON NG DUMI NG TAO

DAVAO del Sur – Kalaboso ang driver at helper ng truck na pagmamay-ari ng isang plumbing services nitong lungsod, matapos mahuli akto habang itinatapon ang kargang dumi ng tao sa isang bakanteng lupa sa Brgy. Tagabuli, sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito, noong Lunes. Kinilala ni Major Crisaldo Gaila, hepe ng Sta. Cruz Municipal Police Station, ang mga suspek na sina Robert Alegria, driver, at Albert Alegria, helper, kapwa residente ng Barangay 76-A, nitong lungsod. Sinabi ni Gaila, nakita mismo ng security guard na si Elizardo Bacon, ang truck…

Read More