IGINIIT ni Senate President Sherwin Gatchalian na ang korupsyon sa pamahalaan ay isang pangunahing panganib sa paglago ng ekonomiya ng bansa at nagiging dahilan upang magdalawang-isip ang mga dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa Pilipinas.
Ayon kay Gatchalian, umabot sa P2.75 trilyon ang nawala sa ekonomiya mula noong ikalawang quarter ng 2025 dahil sa korupsyon at inflation, kabilang ang aktuwal na pagkalugi at mga nawalang oportunidad.
Ipinaliwanag ng Senate President na nagmumula ang aktuwal na pagkalugi sa paghina ng local consumption at government spending para sa imprastraktura, habang makikita naman sa mga hindi naisakatuparang foreign investments ang mga nawalang oportunidad sa ekonomiya.
Idinagdag ni Gatchalian na ipinakikita ng datos mula sa Bureau of Investments na malaking bahagi ng mga bagong pamumuhunan ngayong taon ay nagmula sa mga lokal na negosyante.
Kabaligtaran umano ito ng takbo noong mga nakaraang taon, kung kailan dayuhang mamumuhunan ang bumubuo sa malaking bahagi ng mga pumapasok na investments sa bansa.
Bukod sa korupsyon, kabilang din sa mga salik na negatibong nakaaapekto sa economic growth ang mga natural disaster, pagdepende sa imported oil at mga geopolitical tension.
(DANG SAMSON-GARCIA)
88 