DBM INUPAKAN SA SENADO SA PAG-URONG NG EKONOMIYA

BINANATAN ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang Department of Budget and Management (DBM) sa mabagal na paggastos ng pamahalaan o underspending kaya bahagyang umurong ang paglago ng ekonomiya sa ikatlong bahagi ng taon. Sa ginanap na deliberasyon ng badyet, sinabi ni Recto na umurong sa 11.5% ang ekonomiya sa third quarter ng taon na nagtapos noong Setyembre. Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance na umabot lamang sa P3.022 trilyon ang nagastos ng pamahalaan sa P4.1 trilyong programmed fund para sa 2020 nitong Setyembre 20.…

Read More

60 DAYS NATIONWIDE ROAD CLEARING IKINASA

SINIMULAN na ng Department of Interior and Local Government ang inilunsad na 60-day nationwide road clearing. Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, matapos ang walong buwang suspension bunsod ng global pandemic sanhi ng corona virus disease ay ipinagpatuloy na nila ang malawakang paglilinis ng mga kalsada. Gayunman, hindi pa kasama sa operasyon ang mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine at mga lubog sa baha dala ng bagyo. “The road clearing operations are needed to ensure orderliness as we revive local economies without being complacent against…

Read More

HAZARD PAY NG FRONTLINERS PINARI-RELEASE NA NG PALASYO

PINAHINTULUTAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng hazard duty pay at special risk allowance sa mga health worker na nasa  frontlines sa pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic. Sa ilalim ng Administrative Order 35, ang national government agencies, state-run corporations at local government units ay pinahihintulutan na magkaloob ng active hazard duty pay ng hanggang P3,000 kada buwan para sa mga frontline human resources for health (HRHs) at dapat na  exempted ito sa income tax. Sa AO 36 ng pangulo ay pinapayagan ang pagpapalabas ng special risk allowance na hindi…

Read More

DISCOUNT NG SENIORS, PWDs TABLADO SA TOLLWAYS

HINDI magagamit ng mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs) ang kanilang pribilehiyong 20% discounts sa pagdaan sa mga expressway. Ito ang nagtulak kay Buhay party-list Rep. Lito Atienza para maghain ng resolusyon na atasan ang Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB) na mag-isyu ng kautusan sa mga tollway operator na bigyan ng 20% discounts ang mga senior. Ginawa ni Atienza ang nasabing resolusyon matapos makatanggap ng reklamo na walang discount ang matatanda at mga may kapansanan na kabilang sa mga obligadong kumuha ng Radio Frequency…

Read More

HINDI MAKALILIMUTAN NG MGA PILIPINO SI ULYSSES

BAGO dumating ang bagyong si Ulysses ay limang magkakasunod na bagyo ang ­naramdaman sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Dumating muna si Pepito at pagkatapos ay si Quinta. Nanalasa si Rolly sa Bicol region na ayon sa mga eksperto ay ang pinakamalakas na bagyong tumama sa mundo ngayong 2020. Pagkatapos ay dumaan si Siony gayundin si Tonio. Limang bagyo na talaga namang pinagdusahan ng mga Pilipino. Ang mga taga Bicol partikular na ang probinsiya ng Catanduanes at Albay ay hindi pa nakare-recover sa pait at hirap hanggang sa biglang dumating…

Read More

PERALTA COURT GUILTY BY ASSOCIATION?

KAPAG hindi parin nadesisyunan ng Supreme Court EN BANC na umuupong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang motion for inhibition na isinumite ng kampo ni dating Senator Ferdinand R. Marcos Jr. At ng Office of the Solicitor General abay maituturing na guilty by association ang Peralta Court sa mga paratang laban kay Justice Marvic Leonen. Kapag nagkaganoon ay wala ring karapatan ang Peralta o Supreme Court na mamarusa ng mga Mahistrado ng Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandigan Bayan, Judges, at ­maging mga kawani ng Hudikatura sa kaso ng…

Read More

UTANG NG PHILHEALTH SA MGA OSPITAL DAPAT BAYARAN AGAD

PINUNA ni Iligan City Rep. Frederick W. Siao ang mabagal na pag-remit sa mga ospital ng mga reimbursement para sa mga naibigay nang serbisyo sa mga nag-avail ng PhilHealth coverage. “Hindi lang sa Philippine Red Cross may utang ang PhilHealth. Marami ring utang ang PhilHealth sa mga ospital,” ani Congressman Siao. Sinabi pa ng mambabatas na nauunawaan niyang sinisigurado ng PhilHealth na totoo ang mga nakasaad sa remittance claims ng mga ospital, ngunit dapat isipin nito na mas maraming ospital ang sumusunod naman sa PhilHealth standards. “Compliant medical facilities should…

Read More

BAHAY, GUSALI PATIBAYIN KONTRA KALAMIDAD

IPINANUKALA ni Ako Bicol Party-list Representative Alfredo Garbin na gawing matibay laban sa typhoons, tsunami, storm surge, floods, earthquake, at liquefaction ang mga bahay at gusali sa bansa para maiwasan ang mga susunod pang malawakang pagkawasak sa probinsiya ng Catanduanes. Ayon kay Garbin, nararapat lamang na huwag nang hayaan ang mahihinang klase ng konstruksyon sa bahay at gusali kaya kapag tumatama ang malalakas na bagyo ay agad nagliliparan ang mga yero at dingding. Gayunman, hindi aniya ito kasalanan ng mamamayan. Marami kasing residente ang sariling sikap sa pagtatayo ng bahay…

Read More

ABOGADO NILIKIDA SA PALAWAN

MARIING kinondena ng Integrated Bar of the Philippines ang paglikida sa isa nilang kasapi na isa ring guro sa Palawan State University at isang partner sa TMG Law Palawan, nitong Martes umaga. Sa inisyal na pagsisiyasat ng Narra Municipal Police Station, dead on the spot ang abogadong si Eric Magcamit matapos harangin at pagbabarilin ng armadong kalalakihan. Lumilitaw sa pagsisiyasat, patungo sa korte ang abogado para dumalo sa nakatakdang pagdinig sa bayan ng Quezon nang harangin ang kanyang sasakyan sa Brgy. Malinao, Narra, Palawan. Pinababa ang biktima mula sa kanyang…

Read More