DAVAO City – Malaki ang paniniwala ng 73rd Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa lalawigan ng Davao Occidental, na matatapos na ang insurhensiya sa malayong sitio sa bayan ng Malita. Ito’y matapos maitayo ang isang paaralan na magbibigay ng maayos na edukasyon sa mga kabataang naninirahan sa lugar. Ayon kay Lt. Col. Ronaldo Valdez, commander ng 73rd IB, nasa kamay ng Department of Education ang bagong tayo na Lalon Elementary School sa Malbag Extension ng Brgy. Little Baguio, na pinasinayaan kasabay ng pamimigay nila ng 250 food packs para sa mga…
Read MoreMonth: November 2020
SNATCHER AKTIBO NA NAMAN SA MAYNILA
HINDI nakaporma ang isang 25-anyos na lalaki nang matimbog makaraang hablutan ng cellular phone ang isang pasahero ng jeepney sa Ermita, Manila nitong Miyerkoles ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 293 ng RPC (robbery snatching) ang suspek na kinilalang si Ferdie Marquez y Reyes, may live-in partner, miyembro ng Bahala Na Gang (BNG), at residente sa #1323 Guerrero St., Ermita, Manila. Ayon sa pulisya, bandang alas-11:37 ng tanghali nang hablutan ng suspek ng cellular phone ang biktimang si Maria Cristina Rodil, 31-anyos, may asawa, office staff, ng Pres. Quirino Avenue,…
Read More3 ‘KALAKAL BOYS’ HULI SA CHOP-CHOP NA MOTORSIKLO
KALABOSO ang tatlong “kalakal boys” makaraang maaktuhan habang kinakatay ang dalawang nakaw na motorsiklo sa Navotas City nitong Miyerkoles ng madaling-araw. Swak sa hoyo ang mga suspek na sina Raymond Rey, 36; Marvin Villamor, 24, at Jerwin Tadim, 22, pawang mga scavenger at residente sa Permanent Housing sa Brgy. 128, Balut, Tondo, Manila. Napag-alaman, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang matuklasan ng factory worker na si Juvanie Lastimozo, 29, na nawawala ang kanyang pulang Sym Bonus SR motorcycle na iniwang nakaparada sa harap ng kanyang bahay sa #204 Encarnacion St., Brgy.…
Read MoreGMRC, IBABALIK SA ESKWELAHAN
TILA nababalewala at limot na ng mga kabataan ang kaugalian ng pagiging magalang tulad ng pagsasabi ng ‘po’, ‘opo’, ‘salamat po’ at ‘excuse me’ kaya nangako si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na imumungkahi niya ang pagbabalik ng kagandahang asal o good manners and right conduct (GMRC) sa mga kabataan sa lungsod ng Maynila. Kasabay nito ang paghikayat sa lahat ng mga magulang na simulan na itong ituro sa kanilang mga anak. Ayon sa alkalde, ang pamahalaang lokal ay maglalaan ng pondo para ganap na masuportahan ang implementasyon ng Republic Act 11476 o GMRC…
Read More‘Band-aid solution’ ng Kamara sa baha inismol ng mga magbubukid MINING OPERATIONS IPASARA
MINALIIT ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang imbestigasyong gagawin ng House of Representatives sa nangyaring massive flooding sa Cagayan at Isabela na tinawag nitong isang band-aid solution na walang kahihinatnan dahil tanging ang pagpapakawala ng tubig ng mga dam ang sakop ng gagawing pagsisiyasat at hindi kasama ang illegal at legal logging at illegal mining operations. Ayon kay KMP President Danilo Ramos, kung nais ng mga mambabatas na masolusyunan ang problema at hindi na maulit sa hinaharap ang sinapit sa Bagyong Ulysses ay kumprehensibong investigation in aid of…
Read MoreBagong task force kontra kalamidad binuo NDRRMC NAGMISTULANG INUTIL
NELSON S. BADILLA BUMUO ng panibagong task force si Pangulong Rodrigo Duterte, sa pagkakataong ito ay naglalayong mapabilis ang pamamahagi ng ayuda sa mga biktima ng magkakasunod na bagyo at mabilis ding aksyon sa rehabilitasyon ng mga lugar na labis na napinsala. Ayon kay Atty. Harry Roque Jr., si Executive Secretary Salvador “Bingbong” Medialdea ang hepe ng Build Back Build Better Task Force (BBBBTF). Itinayo ni Duterte ang BBBBTF kasunod ng binuong mega task na mag-iimbestiga naman sa korapsyon sa buong ehekutibong sangay ng pamahalaan. Mula nang maging pangulo si…
Read MoreKabilang sa pinondohan ng Kamara sa 2021 BUDGET NG ‘SKELETON’ PROJECTS IRE-REALIGN SA TYPHOON VICTIMS
DETERMINADO si Sen Panfilo Lacson na tanggalan ng pondo sa 2021 proposed national budget na inaprubahan ng House of Representatives ang mga tinukoy nitong corrupt-ridden at skeleton multi-purpose building projects upang ilipat ang budget sa rehabilitasyon ng mga Local Government Unit (LGUs) na hinagupit ng Bagyong Ulysses. Ayon kay Lacson, may P68 billion allocations ang natukoy nitong kuwestiyunableng proyekto sa inaprubahang budget ng Kamara, sa nasabing halaga ay isusulong nitong gamitin ang P20B para pondohan ang rehabilitasyong gagawin ng LGUs. Katwiran ni Lacson, tama lamang na gawin ang realignment dahil…
Read MoreCEBU CONG. DEL MAR, PUMANAW NA
PUMANAW na si Cebu 1st District Congressman Raul del Mar na naratay muna sa pagamutan sa hindi malamang karamdaman. Ito ang kinumpirma ni House Secretary General Bighani Sipin ngunit hindi isiniwalat ang sakit ng 79-anyos na kongresista na naging dahilan para maratay ito sa hindi pinangalanang pagamutan. Agad namang nagpahatid ng pakikiramay ang buong Kongreso sa pamilya ni Del Mar at inilagay sa half-mast ang bandila ng Pilipinas sa Batasan Pambansa Complex bilang simbolo ng pagdadalamhati. “We extend our deepest condolences and sympathies to the family of former Deputy Speaker…
Read MoreCOVID-FREE BARANGAY SA CALOOCAN DUMARAMI
PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga COVID-19-free barangay sa Caloocan matapos lumabas sa huling datos na 138 na sa 188 barangay ng lungsod ang wala nang aktibong mga kaso. Ayon sa City Health Department, 50 barangay na lamang ang kasalukuyang may aktibong mga kaso ng naturang sakit. Samantala, tinatayang nasa mahigit 11,596 naman ang kabuuang bilang ng recoveries o mga tuluyan nang gumaling mula sa sakit. Nais ipaabot ni Mayor Oca Malapitan ang patuloy na pasasalamat sa bawat mamamayan na nakikiisa sa laban kontra COVID-19. “Salamat sa pakikipagtulungan ng…
Read More