BICOL RIVER BASIN ITUTULOY

SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Bicol River Basin na maaaring makatulong na mabawasan ang insidente ng pagbaha sa mas pinabuting storage capacity ng mga ilog at lawa. Ito’y matapos banggitin ni Presidential Adviser for Bicol Affairs Marvel Clavecilla ang Bicol River Basin project na nahinto dahil sa kakulangan ng pondo at social impact sa mga residente na nakatira sa nasabing lugar. “There was that suggestion, Mr. President that three barangays in Baao should be developed as an impounding area and they call it the Phantom Baao Lake. Meaning…

Read More

LUZON ISASAILALIM SA STATE OF CALAMITY

NAPAGPASYAHAN kahapon sa full council meeting ng National Disaster Risk Reduction Management Council na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ilagay sa ilalim ng state of calamity ang buong rehiyon ng Luzon. Layunin nito, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, NDRRMC chairman na mapabilis ang recovery ng mga apektadong lalawigan at apurahin ang pagbangon ng ekonomiya sa mga nasalantang lugar. Nabatid na kasunod ng malawakang damages na idinulot ng mga nagdaang Typhoon Quinta, Rolly at Ulysses ay nagpulong ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na nakapaloob sa NDRRMC para…

Read More

Parang glue na nakadikit kay Duterte BONG GO NANGANGAMPANYA NA?

INAMIN ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na sumama siya sa aerial viewing ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Cagayan na halos lumubog makaraang rumagasa ang Bagyong Ulysses. Ayon sa press statement ni Go, ang bagitong senador ay kasama ni Duterte nitong Nobyembre 15 sa ilang bayan ng Cagayan tulad ng Enrile, Iguig at Solana. Kasama pa rin si Go ni Duterte nang magtungo ang pangulo sa bayan ng Minalabac at Bula sa Camarines Sur bandang hapon noong Nobyembre 15. Ang pagsama at pagdikit ni Go nang husto kay Duterte ay…

Read More

MM, Laguna, Rizal kayang ‘lunurin’ PAGTUTOL SA KALIWA DAM NABUHAY

LALONG hindi dapat ituloy ng gobyerno ang Kaliwa Dam project dahil sa idinulot ng mga dam na matinding pagbaha sa Marikina at Cagayan Valley noong kasagsagan ng Bagyong Ulysses. Ito ang pahayag ni Bayan Muna Party-list Rep. Eufemia Cullamat kaugnay ng nasabing proyekto na pinondohan ng bansang China at babayaran ng mga Filipino na may mataas na interes. “Ang trahedya na nagdulot o ugat nitong matinding pagbaha at landslide ay ang nagpapatuloy pa rin na mga proyektong nakakasira sa ating kalikasan, katulad ng malalaking pagmimina na nagkakalbo sa mga kabundukan…

Read More

PAGBAHA SA CAGAYAN VALLEY, IIMBESTIGAHAN NG KAMARA

MAGLULUNSAD ng imbestigasyon ang liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso sa malalang pagbaha na naganap sa Cagayan at Isabela pagkatapos humupa ang Bagyong Ulysses. Base sa House Resolution (HR) 1348 na inakda nina House Speaker Lord Allan Velasco, Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at House minority leader Joseph Estephen Paduano, inatasan ang mga kaukulang komite na magsagawa ng agarang imbestigasyon sa tila delubyong tumama sa mga nabanggit na probinsya. “As the death toll continues to rise, and the extent of damage is slowly being revealed, there is an urgent need…

Read More

Naaresto kasama ang lima pang drug personalities BITIN SA SAHOD NI MISTER, MISIS NAGBENTA NG SHABU

ANIM na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang ginang, ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator P/Cpl. Christopher Quiao, alas-12:40 noong Linggo ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU, sa pangunguna ni P/Lt. Robin Santos, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega, ang buy-bust operation sa #2012 Santos Subdivision, Gen. T. De Leon. Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Racquel Dela Cruz, 40,…

Read More

DALAGA NAGLASLAS NG LEEG SA HOTEL

PALAISIPAN sa mga awtoridad kung ano ang nag-udyok para magpakamatay ang isang 29-anyos na dalaga sa loob ng isang hotel sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila nitong Lunes ng umaga. Natagpuang may laslas sa leeg ang wala nang buhay na biktimang si Ria Guevarra, ng Sta. Mesa, Manila. Natagpuan sa tabi ng biktima ang surgical blade na hinihinalang ginamit nito sa paglaslas ng kanyang leeg. Batay sa ulat na isinumite ni Det. Dennis Suba kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 7:30 ng umaga nang makatanggap…

Read More

PONDO SA 2020 AT BAYANIHAN 2, NAIS PALAWIGIN

IGINIIT ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto na palawigin ang validity ng Bayanihan 2 at ang 2020 national budget para magamit sa pagtulong sa mga biktima ng mga bagyong Rolly at Ulysses. Ginawa ni Recto ang apela sa isinagawang hybrid plenary deliberation sa panukalang P4.506 trillion national budget para sa 2021 kung saan sinabi ng senador na nababahala ito na ang pondo ng Bayanihan 2 ay hindi magamit sa tamang panahon. “Assuming we are unable to spend the entire 2020 budget, would the chairman be willing to extend the validity of…

Read More

Imee sa ‘Big 3’ KUNSENSYA BAGO KITA

UNAHIN ang konsensya bago ang kita o tubo ng “Big Three” oil companies sa bansa. Ito ang apela ni Senadora Imee Marcos sa Department of Energy matapos payagan ng ahensya ang Petron, Shell at Caltex na magpatupad ng pagtaas sa presyo ng langis sa gitna ng delubyong dinanas ng mga tao. Ngayong araw (Martes), inaasahang magpapatupad ang Big Three ng fuel price hike na tinatayang P1.10 – P1.20 per liter sa gasolina, P1.50 – P1.60 per liter sa diesel, at P1.30-P1.40 per liter sa kerosene. Base sa impormasyon ng DOE,…

Read More