VELASCO KALABAN NG ADMINISTRASYONG DUTERTE

KALABAN ng administrasyong Duterte ang sinumang kakampi at magtatanggol sa Communist Party of the Philippines/New Peoples Army/National Democratic Front of the Philippines (CPP/NPA/NDFP), sapagkat ­itinuturing ng pamahalaan na ­”enemies of the state” ang tatlo. Ngayong putok ang isyu tungkol dito, nabira si ­Speaker Lord Allan Jay Velasco dahil kinampihan at ipinagtanggol nito ang mga kongresista ng Makabayan Bloc mula sa banat ni Lt. Gen. Antonio Perlade Jr., kumander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command (Solcom) at tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed…

Read More

Kalbaryo ng Pinoy ‘di pa tapos 3 PANG BAGYO PAGHANDAAN – PAGASA

NAGBABALA ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tatlo pang tropical cyclones ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), bago matapos ang 2020. Ito’y matapos ang sunod-sunod na bagyo na tumama sa Pilipinas sa loob ng buwang ito. Ayon sa PAGASA, hindi pa man nangangalahati ang buwan ng Nobyembre ay tatlong bagyo na ang nanalasa sa bansa. Pinakahuli ang Ulysses na labis na puminsala sa Luzon kabilang ang Metro Manila. Kaugnay nito, nakapagtala na ang militar ng 39 kataong namatay sa pananalasa ng bagyong Ulysses.…

Read More

Sa mga lugar na sinalanta ni ‘Ulysses’ TUBIG, KURYENTE 3-4 ARAW PA BAGO MAIBABALIK

POSIBLENG sa loob ng tatlo hanggang apat na araw pa bago maibalik ang isandaang porsiyentong serbisyo ng tubig at kuryente sa Metro Manila at iba pang kalapit nitong lugar na labis na hinagupit ng bagyong Ulysses. Target ng Department of Energy na maibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na hanggang ngayo’y nakararanas ng brownout hanggang Nobyembre 15 o sa darating na Linggo. Sa katunayan, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, nagtutulong-tulong na ang linemen partikular ng Meralco para sa tinatarget na total power restoration sa susunod na tatlong…

Read More

PROTEKSYON NG MGA BATANG APEKTADO NG BAGYO PINASISIGURO

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga lokal na pamahalaan na siguruhin ang kaligtasan ng mga batang apektado ng mga bagyo, lalo na’t patuloy ang banta ng COVID-19 sa kanilang kalusugan. Ayon sa United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (UN OCHA), mahigit pitong daang libong (724,000) mga bata ang apektado sa mga lugar na tinamaan ng nagdaang super typhoon Rolly. Babala rin ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), karamihan sa mga apektadong bata, kabilang ang kanilang mga pamilya, ay…

Read More

MALAKANYANG NAGPAABOT NG PAKIKIRAMAY SA BAHRAIN

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa Bahrain sa pagpanaw ni Prime Minister Khalifa bin Salman Al Khalifa kamakailan. “President Duterte conveys deepest sympathies to His Majesty, King Hamad bin Isa Al Khalifa and the members of the Royal Family and the Government of Bahrain in this time of great sadness and grief,” ayon sa pahayag ng Malakanyang. Sa ulat, pumanaw si Bahrain Prime Minister Khalifa bin Salman Al-Khalifa sa edad na 84. Itinuturing siyang pinakamatagal na nanilbihang prime minister sa mundo. Una niyang hinawakan ang posisyon noong 1970. Sa report…

Read More

P10-B Senate building ‘wag gamitin sa isyu ng DDR PASARING NI SALCEDA SINOPLA NI SOTTO

BINUWELTAHAN ni Senate President Tito Sotto si Albay Rep. Joey Salceda at sinabihang “unfair”na punahin nito ang Senado sa paggasta ng P10-B para sa ipinatatayong New Senate Building sa Bonifacio Global City habang ang P2-B na gagastusin para sa pagtatatag ng kinakailangang Department of Disaster Resilience (DDR) ay tinututulan nito. Ayon kay Sotto, hindi patas na ikumpara ang ginastos sa Senate Building dahil wala itong kinalaman sa isyu ng pagtatayo ng ibang departamento. Depensa ni Sotto, hindi naman ang mga kasalukuyang nakaupong senador ang makikinabang sa modernong gusaling ipinatatayo kundi…

Read More

BIYAHENG BIKOL PUTOL NA NAMAN DULOT NG BAHA

PUTOL na naman ang biyahe ng mga sasakyan na patungo at manggagaling sa Bicol region sa bahagi ng Maharlika highway sa bayan ng Lopez, Quezon. Ito ay matapos muling malubog sa mataas na tubig-baha ang nasa isang kilometrong bahagi ng highway sa Barangay Canda Ibaba dulot ng malakas na pag-ulan dala ng bagyong Ulysses. Mula Huwebes ng gabi ay ibinawal na ng mga awtoridad ang pagbagtas sa lugar dahil sa posibleng panganib na dala ng baha. Ayon sa Lopez LGU, higit na mas mataas ang baha ngayon kumpara noong nakaraang…

Read More

P135-B ‘WHITE ELEPHANTS’, ‘SKELETONS’ NATUKLASAN SA DPWH BUDGET

NABISTO ni Senador Panfilo Lacson ang halagang P135 bilyon na inilaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa aabot sa 6,000 proyekto na hindi natapos sa kabila ng multi-milyong halaga ng pondo sa ilang nakaraang taon na pawang pagsasayang sa pera ng bayan. Sa kanyang manipestasyon sa ginanap na deliberasyon ng P4.5 trilyong national budget sa 2021, sinabi ni Lacson na kanyang natuklasan ang pagkakaiba sa pagitan ng “extraordinary huge amounts” at kakarampot na alokasyon sa infrastructure project sa ilang bahagi ng bansa. Aniya, natuklasan ng kanyang staff…

Read More

TRABAHO SA SENADO, BABALIK SA LUNES

SINUSPINDE ni Senate President Vicente Sotto III ang trabaho sa buong Senado sanhi ng pananalasa ng bagyong Ulysses sa bansa. Sa advisory na ipinalabas, sinabi ni Atty. Myra Marie D. Villarica, senate secretary, pinasuspinde ni Sotto upang hindi maapektuhan ang opisyal at kanilang mga tauhan sa pananalasa ng bagyo. “Per instructions of Senate President Vicente C. Sotto III, please be advised that work in the Senate will be suspended today,” ayon sa advisory ni Villarica kahapon. Aniya, sinuspinde rin ang lahat ng pagdinig at pulong na naka-schedule ngayong araw. “Hearings…

Read More