ALEGASYON NG ANOMALYA SA PASILIDAD NG 2019 SEA GAMES, DAPAT SAGUTIN NG BCDA

KAILANGANG lumabas ang katotohanan kung may anomalya sa itinayong world-class sports facilities ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA). Ito ang sinabi ni Senador Christopher Bong Go kaugnay ng isinusulong na imbestigasyon ng Senado sa nasabing usapin. Ipinasa na sa Senate Blue Ribbon ang privilege speech para maimbestigahan ang alegasyon ng iregularidad sa itinayong New Clark City sports sa Tarlac na ginamit sa nakaraang 2019 SEA Games. “Para sa akin, kailangang lumabas ang katotohanan. At katulad ng mga sinabi ko noon, ni piso mula sa kaban ng bayan ay hindi…

Read More

‘HORROR ROLL’ SA KAMARA, IBINUNYAG NI LACSON

PINUNA ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang malalaking alokasyon para sa imprastraktura sa ilang congressional districts sa ilalim ng inaprubahang proposed 2021 national budget ng Kamara. “Sa House ito, noong natapos na ang GAB, na-transmit sa atin,” saad ni Lacson. Kabilang sa tinaguriang ‘horror roll’ ni Lacson ang isang distrito sa Davao na may alokasyon na P15.351 bilyon; isang distrito sa Albay na may P7.5 bilyon; isang distrito sa Benguet na may P7.9 bilyon; isang distrito sa Abra na may P3.75 bilyon. “‘Yun ang honor roll, Mr. President… Horror roll,”…

Read More

P100K sa malalaking kontrata MAGSUSUMBONG NG KORAPSYON MAY PABUYA

NAG-ALOK si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng pabuya mula P50,000 hanggang P100,000 para sa makapagbibigay ng impormasyon ukol sa opisyal ng pamahalaan na sangkot sa katiwalian. Sa public address ng pangulo, Martes ng gabi ay sinabi nito na ang sinomang indibiduwal na makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa maliit na kontrata ay makatatanggap ng P50,000 habang ang makapagbibigay naman ng impormasyon ukol sa malaking kontrata ay makatatanggap ng P100,000. “‘Huwag ka magbigay ng pangalan, sabihin mo lang ‘yung kontrata, dito ganito, ganito, sino sa gobyerno… ‘pag malaking mga contract wag mo…

Read More

IMEE GUSTONG SUBUKAN ANG MAIL-IN VOTING SA 2022

TINAYA ni Senador Imee Marcos na sa 2022 magiging kasado ang gobyerno para sa malawakang pilot-testing ng mail-in voting na pakikinabangan ng mas maraming botanteng Pinoy sa 2025. Iginiit ni Marcos, chairman ng Senate committe on electoral reforms, na hindi dapat maliitin ng mga kapwa niya mambabatas ang kakayanan ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) na inaasahang maglulunsad ng computerized mail management system sa unang bahagi ng 2021 at kukumpletuhin ang operasyon nito bago sumapit ang May 2022 elections. “Huwag tayo susuko na hindi natin nasusubukan kahit ilang beses lang. Maaaring…

Read More

PITC BINALAAN SA KOMISYON SA COVID VACCINE

IGINIIT ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na kung itatalaga ang Philippine International Trading Corporation (PITC) ng Department of Trade and Industry (DTI) o sinoman bilang tagabili ng bakuna laban sa corona virus 2019 (COVID-19), dapat tanggalin ng ahensiya ang customary 1 hanggang 4 porsiyentong service fee. Sa pahayag, sinabi ni Recto na hindi panahon ngayon na kumita ang ahensiya sa pandemya dahil may ilang pribadong kumpanya ang nag-aalis ng bayarin o hindi pinababayaran ang interest kaya dapat iwasan ng isang ahensiya ng pamahalaan na maakusahan ng disaster profiteering. Sumisingil…

Read More

CALAMITY FUND NG LGUs PINADARAGDAGAN

KASABAY ng banta ng Bagyong Ulysses ay dapat na dagdagan ng pondo ang calamity fund sa mga lugar na tinamaan ng bagyo. Giit ni Senador Christopher “Bong” Go sa kanyang apela sa executive department na dagdagan ang calamity fund ng mga local government unit (LGU), lalo na ang mga nagsisikap pa ring makabawi mula sa pananalasa ng Super Typhoon Rolly at Typhoon Siony at sa Bagyong Ulysses. “Dapat pro-active tayo — laging handa. Tulungan po natin ‘yung mga apektadong mahihirap na LGUs na sapat na makaresponde sa krisis at maprotektahan…

Read More

HIGIT 7K HOTELS, RESORTS BINUKSAN NA

MAHIGIT 7,200 hotels, resorts, at ibang accommodation establishments (AEs) ang binigyan ng go-signal ng ng Department of Tourism (DOT) na mag- operate gamit ang ibang quarantine classifications at tumanggap ng mga turista depende sa kanilang dahilan at pinanggalingan. “Not only will a Certificate of Authority to Operate (CAO) or a provisional CAO from DOT indicate the allowable operation of accommodation establishments, it likewise adds to guests’ confidence, knowing that these establishments have been inspected and are compliant with our protocols that follow globally-recognized health and safety standards. We are happy…

Read More

AKTIBIDAD SA SINULOG FESTIVAL KANSELADO

KINANSELA ng mga lokal na pamahalaan at religious officials sa Cebu City ang mga aktibidad sa taunang Sinulog Festival bilang pag-iingat sa COVID-19. Ayon sa mga opisyal, gagawin na lang simple ang pagdiriwang ngayong darating na Enero. Karaniwang dinarayo ng mga turista ang naturang pagdiriwang para bigyang pugay ang Sto. Niño (Holy Infant Jesus) kada Enero. Sinabi ng Cebu City government at Basilica Minore del Santo Niño na ilang Sinulog-related activities ang hindi na ipatutupad sa 456th Fiesta Señor para iwasan ang mass gatherings. Kabilang sa kinansela ang Penitential Walk;…

Read More

PAGBEBENTA SA JAPAN PROPERTIES NG PINAS, HINAHARANG

KINONTRA ng isang mambabatas ang plano ng gobyerno na ibenta ang mga ari-arian ng Pilipinas sa Japan na gagamitin umano para pambayad sa pensyon ng mga beterano. Sa virtual hearing ng House committee on veteran affairs kahapon, inirehistro ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang pagtutol sa plano ng gobyerno na isubasta na ang apat na ari-arian sa Japan. “Madam Chair, I just want to register my strong opposition to these new attempts to sell the country’s valuable war reparation assets in Japan supposedly to raise funds for the pension…

Read More