EXPIRATION NG CELLPHONE LOAD PINATATALAKAY SA SENADO

HUMINGI ng suporta si Senador Win Gatchalian sa mga kasamahan nito sa Senado na talakayin na ang nakabinbing panukala na nagbabawal sa paglalagay ng validity period sa mga prepaid load credit ng mga cellphone at internet services. “Sa ganitong panahon na may coronavirus pandemic, ang masakit na katotohanan ay nakaasa tayo sa information and communication technologies (ICT) sa araw-araw nating pamumuhay. At para sa mga hindi nakakaluwag sa buhay, mahalaga ang bawat piso sa kanilang gastusin,” ani Gatchalian. “Ang mawalan ng mga natitirang load sa kanilang prepaid credits dahil inabutan…

Read More

MASS GATHERINGS PINAIIWASAN NGAYONG HOLIDAY SEASON

KAUGNAY nang nalalapit na pagdiriwang ng panahon ng Kapaskuhan, hinikayat ni Senator Christopher ‘Bong’ Go, chairperson ng Senate Committee on Health, ang publiko na iwasan muna ang pagdaraos ng mass gatherings at mga kasayahan ngayong holiday season, habang nananatili pa rin ang banta ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa isang panayam habang personal na pinamumunuan ang pamamahagi ng ayuda para sa mga biktima ng bagyo sa Plaridel, Bulacan nitong Biyernes, sinabi ni Go na bagama’t nauunawaan niya ang kahalagahan ng family gatherings tuwing Pasko, dapat aniyang bigyan din…

Read More

96-BED ISOLATION FACILITY SA LAS PINAS, KALOOB NG DPWH

UPANG tumulong sa pamahalaan na matugunan ang pangangailangan ng COVID-19 patients, ibinigay noong Lunes (Nob. 16) ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pangunguna ni Sec. Mark Villar ang 27 container vans-turned 96- bed quarantine/isolation facility sa Las Pinas city government. “The new quarantine/isofacility will augment the existing healthcare facilities in Las Pinas City which will definitely help in controlling the spread of COVID-19 affected persons in the city,” ayon kay Villar. Ayon kay Villar, may apat na kuwarto na kumpleto sa healthcare amenities, toilets at utlities ang…

Read More

TRANSPARENCY SA 2021 BUDGET, HIRIT NI LACSON

UMAPELA si Senador Panfilo Lacson sa mga kapwa mambabatas sa panawagan nitong transparency, partikular sa pag-amiyenda sa 2021 budget bill. Binigyang-diin ni Lacson na mahalaga ang transparency upang maalis ang mga hinala na may kompromiso at personal na interes sa mga iminungkahing pag-amiyenda. “If we have nothing to hide, we have to make our amendments public, as I have done in my case, so those amendments can be scrutinized by the media as well as the public. It is the mandate of Congress to make amendments to the budget bill;…

Read More

MALAKANYANG TIWALANG MAKAKAMIT ANG ‘HERD IMMUNITY’ SA COVID-19

TIWALA ang Malakanyang na maaabot ng gobyerno ang tinatawag na herd immunity sa gitna ng target na makapagbakuna ng hanggang 60 milyong mga Pilipino. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque kasunod ng naging pahayag ni Dr. Tony Leachon na para maabot ang herd immunity ay kailangang 60 hanggang 70 porsiyento ng populasyon ng bansa ay mabakunahan sa isang bagsakan o maramihang pagbabakuna. Batay na rin aniya kay vaccine czar Carlito Galvez, sinabi ni Roque na sapat na ang 50 million vaccination na target ng gobyerno para sa herd…

Read More

P89-B NA-RELEASE NA NG DBM SA BAYANIHAN 2

TINATAYANG aabot na sa P89 bilyon ang naipalabas na pondo ng Department of Budget and Management (DBM) mula sa P140 billion appropriations act ng Bayanihan 2. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, mayroon na lang silang hinihintay na clearance mula sa Office of the President (OP) para mailabas na ang natitirang pondo para sa additional capital infusion ng Landbank, Development Bank of the Philippines at sa PhilGuarantee. Sakaling maibigay na aniya nila sa mga ahensyang ito ang kanilang mga requested fund ay makukumpleto na ng DBM ang pagre-release ng P140B…

Read More

MAGAT DAM MULING NAGPAKAWALA NG TUBIG

NAGSAGAWA ng preventive evacuation ang  pamahalaang lokal ng Tuguegarao sa mga residenteng nasa low-lying areas sa Barangays Linao at  Annafunan kasunod ng babala ng posibleng unprecedented flooding dahil sa muling pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam nitong Sabado bunsod nang walang tigil na pag ulan, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council. Binalaan ang mga residente sa ilang lugar sa hilagang Luzon sa posibleng pagbaha matapos na magpakawala ng tubig ang Magat Dam, na itinuturong isa sa mga dahilan ng matinding baha sa Cagayan at Isabela kamakailan. Ayon sa…

Read More

CALOOCAN LGU NAMAHAGI NG LIBRENG TABLET

SINIMULAN na ang pamamahagi ng mga libreng tablet na handog ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan para sa mga mag-aaral mula Grade 9 hanggang Grade 12 sa mga pampublikong paaralan sa lungsod. Pinangunahan kamakailan nina Mayor Oca Malapitan at Congressman Along Malapitan ang pamamahagi ng libreng tablet sa mga magulang ng mga mag-aaral na Grade 11 at Grade 12 ng Bagong Barrio Senior High School, Caloocan High School, Tandang Sora Integrated High School, Caloocan City Science High School, at MB Asistio High School. Tiniyak ni Mayor Oca na ipamamahagi na rin…

Read More

CAROLING BAWAL SA VALENZUELA

IPINAGBAWAL sa Valenzuela City ang caroling sa bisa ng Ordinance No. 824, Series of 2020. Nakasaad sa ordinansa na hindi pinahihintulutan ang sinomang indibidwal o grupo na magsagawa ng pisikal na pangangaroling simula Disyembre 1 hanggang Enero 4, 2021 bilang bahagi ng patuloy na pag-iingat sa COVID-19. Pinapayagan naman ang pangangaroling na electronic o digital. Itinakda ang administrative penalty na P5,000 sa bawat paglabag at/o community service. Ang mga hindi susunod sa administrative penalty ay pagmumultahin ng P5,000 o makukulong ng hindi lalagpas sa 30 araw, o pareho, depende sa…

Read More