P292-M ROAD INFRA PROJECTS SA BULACAN SINIMULAN NA

SINIMULAN na ng Bulacan First District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang mga serye ng road infrastructure projects sa dalawang distrito sa lalawigan ng Bulacan makaraang mai-release na ang mahigit P292 milyong pondo para rito galing sa national government sa ilalim ng General Appropriation Act (GAA) para sa taong 2020. Ayon kay District Engineer Henry Alcantara, hepe ng DPWH-1st District Engineering Office, 11 road infrastructure projects ang naka-line up na pagawain sa pangunahing mga kalsada sa kanyang nasasakupan, partikular ang Una at Ikalawang Distrito ng…

Read More

Sinita sa ‘no face mask’ CHINESE KUMASA SA SEKYU, KALABOSO

SWAK sa selda ng Manila Police District-General Assignment Investigation Section, ang isang lasing na Chinese national nang maghamon ng suntukan at itulak ang security officer na sumita sa kaya dahil sa hindi pagsusuot ng face mask habang nasa lobby ng isang condominium tower sa Ermita, Manila, iniulat ng pulisya. Nahaharap sa kasong paglabag sa Revised Ordinance 8627 (requiring mandatory use of face mask) at Article 155 ng Revised Penal Code (alarm and scandal) ang suspek na si Ben Zhang Lin, pansamantalang nanunuluyan sa Unit 2119, Torre De Manila sa Taft…

Read More

Nang makakita ng parak AMOK NAGSAKSAK SA SARILI

NAGSAKSAK sa sarili ang isang lalaking nagwala at naghamon ng away habang armado ng patalim, nang makita ang nagrespondeng mga pulis nitong Linggo ng umaga sa Malabon City. Itinakbo sa Tondo Medical Center ang suspek na si John Rey Vasquez, 20, ng Flovi Homes 1, Brgy. Tonsuya. Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang magresponde ang mga pulis dahil sa tawag ng isang concerned citizen hinggil sa isang lalaking nagwawala sa Flovi Homes 1. Inabutan ng mga alagad ng batas si Vasquez na nag-aamok habang may hawak na patalim…

Read More

COVID cases patuloy sa pagsirit 26 SAF MEMBERS KONTRA PASAWAY SA DAVAO CITY

DAVAO City – Dalawampu’t anim na miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police ang ipinakalat sa iba’t ibang parte ng lungsod. Sinabi ng Davao City Police Office (DCPO), ito ay dagdag-pwersa upang makatulong sa pagpapatupad ng mga protocol ng Inter-agency Task Force on COVID-19 lalo pa’t isinailalim sa kasalukuyan sa general community quarantine (GCQ) ang buong lugar. Bukod sa 26 SAF members, may 48 miyembro ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ang tumutulong sa pagbabantay sa lungsod. Sinabi ni DCPO Director Police Col. Kirby John Kraft, magtutulungan…

Read More

MOST WANTED SA REGION 4 NAPATAY, 2 ARESTADO

NAPATAY ng mga tauhan ng Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group-Albay ang isang lalaking itinuturing na most wanted person sa Region 4A, sa inilunsad na law enforcement operation sa bayan ng Daraga, habang nadakip ang dalawang kasamahan nito. Kinilala ng mga awtoridad ang napaslang na si Rodel Millena Llorera, 46, no. 1 most wanted person ng Calabarzon Police, wanted sa kasong direct assault with murder at direct assault with attempted murder kaugnay sa isang insidente sa Tanay, Rizal noong 2018. Nagkasa ng pag-aresto ang mga awtoridad laban sa suspek…

Read More

3,336 ILLEGAL LOGGERS NASAKOTE NG PNP

IBINIDA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na umabot sa 3,336 illegal loggers ang nasakote ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa mula Enero hanggang Oktubre ng taong kasalukuyan. Inilabas ng DILG ang datos upang ipakitang hindi pabaya ang PNP sa isa sa mga trabaho nito laban sa iba’t ibang klaseng kriminalidad. Ang ilegal na pagtotroso ay isa sa mga krimen sa bansa. Ang mga nahuli, ayon sa tagapagsalita ng DILG na si Undersecretary Jonathan Malaya, ay resulta ng 6,710 operasyon ng PNP habang umabot sa…

Read More

Pamilya sa Trece Martires City dinukot KIDNAPPER NALAMBAT SA PASIG

HAWAK na ng Cavite police ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) na kabilang sa kumidnap sa apat na miyembro ng isang pamilya sa Trece Martires City, Cavite. Kinilala ang suspek na si Jonald Amador, 36, dating OFW at residente ng Pasig City, habang pinaghahanap pa ang isang Dennis Oligario, alyas “Dong” at tatlong kasamahan nito na pawang nakatakas. Nasa mabuti nang kalagayan ang naisalbang mga biktimang sina Dina Abilar, 23, anak nitong 1-taon gulang na sanggol, inang si Elena Abilar, 57, at kapatid na si Dorina Abilar, 25, pawang…

Read More

Kasama ng grupo ng NPA ANAK NG KONGRESISTA PATAY SA ENCOUNTER

ISANG babaeng kasapi ng komunistang New People’s Army (NPA) na umano’y anak ng isang Makabayan Bloc congresswoman, ang napatay sa nangyaring 45-minutong sagupaan na nagresulta sa pagkakasamsam sa limang high-powered firearms ng mga elemento ng Philippine Army 3rd Special Forces “Arrowhead” Battalion (3SFBn), sa Barangay San Isidro, bayan ng Marihatag, sa lalawigan ng Surigao del Sur. Sa isinagawang clearing operation, na-recover ang tatlong AK-47 rifles, isang M14 rifle, at isang M653 5.56 caliber rifle, at limang backpacks na naglalaman ng war materials at subversive documents. Kinilala ni Lieutenant Colonel Joey…

Read More

90’s JUKEBOX KING PUMANAW NA

MAGKASUNOD na inanunsyo ng kapatid at anak ng ’90s Jukebox King na si April Boy Regino ang kanyang pagpanaw, araw ng Linggo. Sa kani-kanilang social media account, inihayag nina Vingo at JC Regino na sumakabilang buhay na ang 51-anyos na itinuturing na alamat ng Original Pilipino Music (OPM). Pinasikat ni April Boy o Dennis Regino Magdaraog sa totoong buhay, ang mga kantang “‘Di ko kayang tanggapin,” “Umiiyak ang Puso,” “Paano ang puso ko,” at marami pang iba na tumatak sa publiko noong dekada 90. Noong 2009 ay na-diagnose si April…

Read More